Naglalakad ako sa isang daan.
Isang madilim na daan.
Wala akong makitang liwanag.
Kahit katiting na liwanag ay wala.
May nagsalita sa aking likuran.
"Ano at narito ka?" tanong ng matandang nakatalukbong ang uluhan.
May katiting na liwanag sa kanya.
Dahilan para malaman ko ang kasuotan niya.
"Sino po kayo? Nasaan po ako?" tanong ko sa kanya.
"Bumalik ka na, bago pa mahuli ang lahat." sabi ng matanda.
Mausok ang lugar.
Madilim ang paligid.
Wala akong maaninag.
Malamig ang aking pakiramdam.
Malamig rin ang aking mga paa.
Malamig ang sahig na aking inaapakan.
Nasaan ako?
"Bumalik ka na." pag-uulit ng matanda.
Lumapit ang matanda sa akin.
Wala siyang mukha.
Napaatras ako.
Bigla niyang kinuha ang mga palad ko.
At unti-unting kinakain ang paligid.
"Bumalik ka na." pag-uulit ng matanda.
Paulit-ulit.
Pahina ng pahina ang boses niya.
Pumikit ako at tinakpan ang aking tenga.
Pag mulat ko ay nasa bahay na ako.
"Nayyyy!" sigaw ko.
"Nayyy narito na ako!!" sigaw ko ulit ngunit..
Nakakapagtaka.
Maraming tao.
Gabi na pero...
May nagsusugal.
Sa harap ng bahay??
"Nayyyyyyy!" sigaw ko.
pagpasok ko ng bahay.
Nakita ko si nanay na nakayuko.
nakasandal sa isang puting kabaong.
"Lorisa tama na, tumahan ka na." pagpapatahan sa kanya ng aking tita Marieta.
"Nay?" tawag ko sa kanya.
"Nay narito na ako!" Sigaw ko sa kanya.
Pero hindi ako narinig ni nanay.
'O kahit nang sinong tao sa bahay.
Bigla akong kinilabutan.
Unti-unting kinakain ng takot ang katawan ko.
Sino..
Sino ba ang pinaglalamayan nila?
YOU ARE READING
EPIALES VOL. I [On Going]
Mystery / ThrillerKompaylasyon ng nakakatakot, nakakakilabot at nakakagimbal na mga istorya.