Dream__________________________________
__________________________________
"Lumayo ka sa 'kin! 'Wag kang lalapit! " malakas na sigaw ko sa lalaking kanina pang humahabol sa 'kin.
Hindi ko maaninag ang muka niya. Pilit akong sumasulyap sa muka niya ngunit natatakpan ang muka nito ng kaniyang sumbrero. Nakabarong siya at itim na pangbaba. Maganda ang tindig niya.
"Sinabing 'wag kang lalapit eh!" pinulot ko ang bato at ambang ibabato sakanya nang naramdaman kong humahakbang siya ng kaunti papalapit sa 'kin
Itinaas naman niya ng kaunti ang kanyang kamay at naaninag ko ang hawak-hawak nya. Necklace ko 'yon! Siguro ay ibabalik nya lamang iyon pero nagkaripas na'ko sa pagtakbo.
Ibinaba niya ang kanyang kamay at akmang aalisin ang kanyang sumbrero. Gusto kong makita ang muka niya! Alam kong ilalagay niya iyong maliit na sumbrero sa tapat ng dibdib niya. Kaunti na lamang ay maaaninag kona ang muka nito pero..
DDUUUGSSHHH!!
Nagising ako sa pagdagan ng nakababata kong kapatid!
"holy fuck!" bulong ko.
Ayon na yon eh!
Di ako makapaniwalang panaginip lang ang lahat!
Kinapa ko ang dibdib ko at ang bilis padin ng tibok ng puso ko!
Parang totoo ang lahat!
"Ate! Wake up!! Mom wants you to go downstairs, Dad commands me to wake you up na! C'mon!" nakaririnding tinig ni miggy.
Hindi ko siya pinakinggan at nag-stay lang sa puwesto ko. Sinubukan kong alalahanin ang nasa panaginip ko at bumalik sa tulog para matuloy sana kaso wala na,gising na yung diwa ko. Kairita!
Tumayo na ako at nagsipilyo kasi may panis na laway pa sa bibig ko. Bawat hakbang ng mga paa ko papunta sa cr ng kwarto ko ay parang may kung ano sa loob at isip ko na parang may naiwan o nakalimutan ako na kung ano,hindi 'ko lang mairecall sa isip ko punyeta naman kasing bata yon. Ewan ko ang bigat sa pakiramdam nito.
Habang nagpupunas naman ako ng mukha, iba pa rin ang pakiramdam ko. Gusto kong alalahanin ko iyon pero di ko magawa. Bigla namang nag pop sa utak ko yung mga schoolworks ko na natapos ko kagabi kaya late na ako nakatulog, gosh! Sinubukan ko ring i-recall sa isip ko kung ano ba yung napaginipan ko kasi gusto ko 'yon ikuwento kina mommy.
Lintek! Ano nga ulit yung panaginip ko? Ambobo naman! Lechugas!
Andaming mura na ang nabubuo sa utak ko pero hindi ko padin maalala kung ano 'yon. Nagsimula namang tumunog yung sikmura ko."Gutom lang ata to."
____________________________________________________________________
Ps. Grammatical errors and typographical errors ahead. I'll just edit it once i finish the story so bare with me. Thanks for your understanding, enjoy! Lovelots! <3
***
This is only a work of fiction.
Names, places, events, and incidents are either the products of author's imagination.
BINABASA MO ANG
Metempsychosis
SpiritualIt all happened when Maureen Dela Questa experienced something unbelievable and extraordinary event in her life and to her boy best friend, Nathaniel De Castro who experienced a Mythology Belief called "Metempsychosis".