PROLOGUE

11 1 0
                                    

Prologue

Samu't saring disenyo ng malilikot na ilaw ang bumungad saakin at malalakas na tugtug pagkapasok palang sa bar. Typical na makikita mo sa isang bar. Mga naghahalikan, nakikipag sayawan, nag iinuman at iba pa..

Dumiretso ako sa island counter sa kaliwang bahagi ng entrance.

Malawak ang bar at kahit hindi ko itanong ay masasabi ko'ng mamahalin ang mga materials na ginamit para mapatayo ito.

Nag order ako ng light drink sa barista.

Hindi ko parin maiwasan ang malungkot..

Sa murang edad ay pumanaw na ang kapatid ko.

Birthday nya noon kaya niregaluhan ko sya ng ticket papunta'ng new zealand. Pareho kami'ng mahilig mag travel. Halos yata ng napuntahan ko ay kasama sya lagi.

Ang New Zealand ang isa sa mga paborito ko'ng puntahan. Lalo na kung tag lamig ang panahon doon.

Simula ng mapuntahan nya ang bansa'ng new zealand ay lagi nya ako'ng niyaya para pumunta doon.

Marami kami'ng nabuo na mga masasayang alaala. Mas naging close din kami sa isa't isa.

Katulad ko ay mukha'ng nagustuhan nya din ang tanawin na meron ang new zealand.

Napa tungga ako sa alaala na kung gaano sya takot na takot nu'ng sinubukan namin yung nevis wing catapult. Isa sa mga extreme ride na naroon.

''Ate ayoko na pleasee!!!Balik nalang tayo sa hotel or kaya ibang rides wag lang to..!!'' Diko mapigilan ang tawa dahil sa reaksyon nya.

Hinihintay nalang nami na matapos yung kabilang costumer.

"Don't be a pussy cxenerie!! Hahaha.. Hindi ka naman mamamatay pag tri-ny mo eh! Hawakan mo nalang ako.. "

"Ate napaka bastos ng bibig mo.. Pag narinig ka siguro ni dad for sure babawasan nya ang allowance mo!!"

Tuwa'ng tuwa ako na makita yung mga reaction nya dahil takot sya sa heights at yung ride na tri-ny namin ay yung ihuhulog ka sa cliff hanggang iduyan ka nito.

Dalawang buwan matapos ang nakakatuwa'ng pangyayari'ng yon ay bumalik na kami sa pilipinas.

Pinapunta ako ni mommy sa korea para kuhanin yung mga products na in order nya, kinabukasan ng araw na iyon ay araw kung kailan nagkaroon ng car accident malapit sa lugar na tinitirahan namin.

Hindi ko lubos na maisip na kasama doon ang kapatid ko..

Para ako'ng patay na nawalan ng kulay ng tawagan ako ni mommy at sabihing dead on arrival na daw ang kapatid ko sa hospital..

Sobra'ng sakit sa pakiramdam na mawalan ng kapatid lalo na kung sobra'ng lapit nyo sa isa't isa.

Hindi ko mapigilang hindi umiyak at tunggain ng sunod sunod ang alak na sinasalinan ng barista pag wala na ang laman..

Kung titignan siguro ako ng mga tao dito sa loob ng bar ay aakalain na nag break kami ng boyfriend ko..

Simula din ng araw na yun ay nakipag break ako sa boyfriend ko dahil hindi ko na sya nabibigyan ng oras.

Naparami na yata ang nainom ko na alak dahil nararamdaman ko na nahihilo ako.

Kung saan-saang sulok na ng bar dumadapo ang paningin ko.

Bakit ba kasi ang hina ng alchohol tolerance ko.

Hindi ko na alam kung ano'ng pinag gagawa ko pero isang bagay lang ang nakakuha ng atensyon ko.

HEAVEN OF SAINTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon