Chapter 1

7 1 0
                                    

Samantha's POV

["Uyyy Sam, nasan ka na? Kanina pa kita hinihintay"]

"Teka lang, nag-aabang pa ako ng taxi"

["Basta bilisan mo diyan ha? Idadamay  mo pa ako sa tardiness mo!"]

"Tse! Magkaibigan tayo kaya  damay-damay nato noh!"

["Okay. Sige na. Antayin lang kita sa labas ng main gate. Babye! "]

May sasabihin pa sana ako kaso binaba na ni Abi yung tawag. Kahit kelan, bastos talaga ang babaeng yun.

Nag-aabang ako ng taxi ngayon. Ehh wala naman po akong jowa para sunduin ako at ihatid sa school. Hahaha.. Charot lang.

"Yun oh! May taxi na.. Kuya! Para po" sigaw ko habang tinataas ang kamay ko at kumakaway para mas makukuha ko pa ang atensyon ni kuya taxi. Mukhang napansin naman ako ni kuya taxi. Binagalan niya ang takbo at saka huminto sa harapan ko.

Binuksan ko na ang pinto sa may backseat at saka pumasok. Ayaw ko kasi sa may passenger's sit ehh.

"Kuya sa UDS po" tumango naman si kuya at pinaandar na ang taxi.

kinuha ko ang cellphone ko. Pumunta ako sa app na mirror at tinignan ang mukha ko.

So ayun nga, nagiging haggard na yung faceu ko. Hindi kasi ako nakapagsuklay ng maayos, nagmamadali kasi eh, kaya eto ako, mukhang ewan. Buti na lang  may dala akong suklay dito sa bag.

Kinuha ko ang suklay sa bag ko at nagsimulang suklayin yung buhok kong ewan.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at may message galing kay Abi.

From: Abinggg

"Pssst! Sam, nasan kana?"

Hindi ko siya nireplayan dahil wala naman akong load. Bahala na siya diyan. Hahaha...

Ilang minuto na ang nakalipas at nakarating na ako sa UDS. Nagbayad na ako at saka bumaba na ng taxi.
Nakita ko si Abi naglalakad papalapit sa gawi ko.

"Saaam! Ba't ang tagal mo?"

"Saang bansa ka ba nakatira ha? Alam mo naman na matraffic dito sa Pilipinas" sarkastikong sabi ko.

"Hehehe... Uyy Alam mo ba? Habang inaantay kita dito, naku! Andaming gwapo na dumadaan sa harap ko" excited na kwento ni Abi habang kinikilig na parang bulate na binuhusan ng asin.

"Ganun ba? Ba't hindi ko alam yon?" sarkastikong sabi ko.

"Late ka kasi, sayang di mo nakita. Andaming gwapo kaya"

"Psh! Uy ba't di mo ako sinundo sa condo kanina ha? Sabi ko sayo sunduin mo ako"

"Ayy, Oo nga. Hehehe... Sorry, nakalimutan ko"

(-_-)

"Tara na nga. Pumasok na tayo"

Nakapasok na kami ni Abi sa UDS at dalawa ang masasabi ko, ang ganda at ang laki! Expected naman talaga na malaki at maganda ang school nato. Kilala kasi ang University of De Seville  sa isa pinakamaganda at mamahaling University sa lugar namin.

Pero hindi kami mayaman noh. May kaya lang. Nakakuha kasi ako ng scholarship dito kaya hindi nahirapan si papa magbayad ng tuition fee ko. Si Abi naman, hays! Di na kailangan ng scholarship yan. Mayaman kasi ang pamilya. Family of doctors.

"Uy Sam, alam mo ba kung saan yung classroom natin?"

"Ayun sa registration papers, eh nasa Rizal building daw yun"

Key To My HeartWhere stories live. Discover now