Chapter 2: Trouble

3 0 0
                                    

Samantha's POV

Andito kami ngayon sa cafeteria. Magkasama pa rin kami ni Abi at Kianna at syempre ako noh. Bumili ako ng fudge bar at chuckie. Sina Abi at Kianna naman ay ice tea lang binili nila.

"Kianna, kilala mo ba yun?"

"Ahh.. Yeah, siya si Adrien Navarro. He's handsome right?"

"Oo, and ang cute ng smile niya"

"Yup and you know what? Yang barkada nila ay kilala dito sa campus. Especially sa mga girls"

"Naku! Napakafamous naman nila"

Tinignan ko kung saan nakatingin yung dalawa. Nacurious kasi ako. Nakatingin sila sa katapat na table namin sa may left side. Ayun, katulad namin ay tatlo sila sa iisang table. May space sa pagitan ng table namin at table nila para yun sa mga taong dadaan. Habang nakatingin ako sakanila ay napako ang mga mata ko sa isang lalake na kasama nila. Gwapo siya, pero mukhang masungit. Ano kaya ang pangalan niya?

"Eh yung lalaki na katapat nung dalawa, sino siya?" tanong ko kay Kianna. Walang malisya ha? Nacurious lang naman ako.

"Oh, him? He's Razevero Steroid Konstelliano. People call him Raze. He's in section B na katabi lang ng classroom natin"

"Ahh..okay"

"Uy Sam, ba't bigla ka nagtanong? Siguro.. Crush mo noh?" tanong ni Abi habang nakangiti ng nakakaasar.

"Masama ba magtanong? Psh! Wag mo ngang lagyan ng malisya"

"Okay. Hehehe.."

(-_-)

Tinanong ko lang naman kung sino siya ah, crush na agad? Ang bilis ko naman magkacrush tas ngayon ko pa siya nakita noh. Anu tawag dyan? Crush at first sight? Yak!

"Uy girls, We only have five minutes before mag ring yung bell"

"Okay. Uy Sam, tara na"

Kailangan na namin umalis dahil malapit na daw mag ring yung bell. Baka malate pa kami sa klase eh.

Niligpit ko muna yung mga basura sa table namin at saka tinapon ko sa trashcan.

Nang matapos ko ng itapon yung basura at maglalakad na papunta sa exit ay nadaanan ko pa si Raze. Grabe! Ang gwapo niya sa malapitan. Hahaha.. Anu ba tong nangyayare sa akin eh hindi naman ako ganito ah. 

Mabilis kaming naglakad papunta sa room. Ilang minuto na kasi at magriring na yung bell.

Nang makarating na kami sa room at buksan yung pinto ay Grabe! Napakaingay ng classroom. May naglalaro ng mobile legends tas idagdag mo pa yung sinasabe na Savage! Legendary! At kung anong ajujuju na yan. May nagpamusic tas nakaspeaker pa, may mga magbabarkada na tumatawa at yung iba ay tamang selpon lang sa gilid.

Umupo na ako sa upuan ko. Kinuha ko rin yung cellphone ko para panoorin ko yung nakakatawang video kanina. Hindi pa naman dumating yung teacher kaya hindi na natin sasayangin ang pagkakataon na ito noh. Pagkatapos ko tong panoorin ang video nato ay babalik naman tayo sa pagscroll sa news feed at mag share ng mga memes.

"Uy Sam, anung ginagawa mo?"

"Wag mo akong guluhin. Naghahanap ako ng memes na pwedeng mashare"

"Okay. Ikaw Kianna? Anung ginagawa mo?"

"Just checking my Instagram. Why?"

"Finallow mo ba ako?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Key To My HeartWhere stories live. Discover now