Chapter 5

37 13 0
                                    

"Hoy bata!" sigaw ng isang batang babae sa batang umiiyak sa gilid. "Ba't ka ba umiiyak? Ang ingay-ingay mo!"

"Eh kasi 'yung ice cream ko! Huhuhu!" ngawa ng isang batang lalaki habang pinupunusan ang mukha gamit ang damit.

"Natapon lang naman!"

"Waaaaah!" mas lalong iyak ng batang lalaki. Napahawak naman sa baywang ang batang babae habang tinititigan ito.

"Kalalaki mong tao iyakin ka! Di ka ba lab ng mama mo?"

"Lab." sagot nito habang sumisinghot.

"Kung lab ka nya bibilhan ka nya uli ice cream." napatitig lang ang batang lalaki sakanya. "May ice cream kami sa loob kasi bertday nung maingay kong pinsan."

"B-bibigyan mo ako?" humihikbing tanong nito.

"Oo! Kasi ingay-ingay mo!"

"T-talaga?" Tumango ang batang babae at hinila 'yung batang lalaki para tumayo.

"Kaya 'wag kana maingay. Sabi ng papa ko kapag daw umiiyak ang lalaki bakla."

"H-hindi ako bakla!" sagot nito.

"Oo na. 'Wag kana maingay." naiiritang sabi ng batang babae.

"A-ano palang pangalan mo?"

"Sabi ni mommy 'wag daw ibibigay ang name sa strangers." sagot nito at pumasok na sa loob.

*

"Hoy! Mag-iingat kayo sa susunod!" sigaw nung lalaki na nagmamaneho nung kotse.

Biglang napakunot ang noo ko.

"Aish! Get off me!" inis na sabi ko at tinulak sya. Agad naman sya napaalis sa ibabaw ko.

Hirap akong bumangon mula sa pagkakahiga. Ang sakit ng likod ko mukhang mali ang pagkakabagsak ko.

"Okey ka lang?" tanong nito. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Do I look like I'm okey?!" sigaw ko.

"Calm down. Nagtatanong lang ako." sagot nito.

"Whatever." Inirapan ko sya. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng hapdi. "Kyaaaaaaah!" tili ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Lumapit sya saakin.

"M-may--- m-may sugat akooo!"

"Asan?!" tanong nito at ineksamin ang braso ko. Nanlulumo akong tiningnan ito. Ang laki ng gasgas at dumudugo sya ngayon. Tiningnan ko ang ibang parte ng katawan ko. May gasgas din ako banda sa may legs. Omg! My legs!

Nung bata ako never ako nagkasugat cause I really hate playing outdoors pero tingnan mo nga ngayon. Kung kailan lumaki ako tsaka ako nagkaroon ng ganto. Hays!

"Tumayo kana dyan. Para magamot na naten." sabi nya pero binawi ko lang 'yung braso ko mula sa pagkakahawak nya.

"Aaarghhh!" sigaw ko. "This is all their fault! Di nila sinabi sakin na sira ang break ng bike na 'yun!"

"Hindi ka din kasi nag-iingat."

Biglang nabaling ang masamang tingin ko sakanya.

"Are you scolding me?!"

That Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon