CHAPTER 1

102 3 4
                                    

Nikki POV

kring* kring*kring*

"Arrgghh'" badtrip ambilis naman ng oras 5am na pala, firstday of school nanaman pero ako eto tinatamad bumangon.

"nikki bumangon ka na dyan! ako pa nagising sa alarm mo! nako ka talagang bata ka" singhal ni mama saken.

" 5mins pa ma! inaantok pa po ako " sagot ko sakanya.

" ay! taray ? first day of school tinatamad? ako na lang kaya pumasok sa school? nakakahiya naman sayong ginising kita , sge matulog ka na lang ulet wag ka ng gumising" sarkastikong sagot naman saken ni mama, ewan ko ba dyan sa mama ko maylahing bakla ata to.

" kalma lang ma!eto na babangon na," kahit tinatamad akong bumangon , pinilit ko na lang tumayo, matapos akong pagraratratin ng bunganga ni mama, pumunta na akong banyo at ginawa ang mga dapat ginagawa bago pumunta ng school, alangan naman ikwento ko pa gagawin ko sa banyo?

anyway, kanina pa ako dada ng dada ni hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo, ehem im nikki Davis,19 years of age at nagiisang anak lang nina mama at papa, syempre college na hrm ang course ko, haha yun lang. nakakatamad ng magbigay ng info tungkol saken. pagtapos ko mag-ayos bumaba na ako at nakita ko sila mama na nag-hahain na ng pang-almusal.

"Good morning " masiglang bati ko kila mama at papa.

"Good morning din anak" pabalik na bati saken nila mama at papa.

" anong almusal ma?" masayang tanong ko.

" eh di tignan mo may mata ka diba?" pangbabara naman saken ni mama, ang aga-aga pinagtritripan nanaman ako ng nanay ko.

" ay! sorry naman! pa oh! si mama nangbabara." sumbong ko kay papa, pero tatawa tawa lang si papa, balibhasa under ni mama.

pagkatapos naming mag-almusal nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na sa sakayan, oo sa sakayan di naman kami mayaman may kaya lang, pero kung may gusto ako. hindi ako nanghihingi ng pera kila mama, pinaghihirapan ko, nagtatrabaho ako para na rin makatulong kina mama.

tama na nga tong drama na to, sa wakas nandito na rin sa school, pakatungtung pa lang ng mga paa ko sa gate ng school nakita ko na agad ang pamumukha ng bestfriend kong halatang excited sa pagpasok.

" Good morning bes" bati saken ni ivy.

" Anong good sa morning? kung pagmumukha mo agad una kung nakita pagpasok ng gate" pang-aasar na bati ko sakanya.

" che! di ako naniniwala sayo, sa ganda kong to ." patampo kunyaring sagot nya.

natawa na lang ako sa itsura nyang mukhang tanga, kasi nakapouty lips pa haha sarap ngudngudin.

" tara na magseseven thirty na oh!" hinila ko na sya at hinanap na ang first class namin. nangnahanap na namin ang room pumwesto kami sa likod , syempre para di makita ng prof kung anong kalokohan ang gagawin namin o kung ano paman. maya maya dumating na ang prof namin. psychology 1 ang first subject namin. ewan ko ba kung anong connect ng psy sa hrm.

" infairness lang ah? may itsura prof naten haha" biglang sabi ni ivy

" Anong kalandian nanaman yan ivy? prof naten yan wag kang ano." sagot ko sakanya.

" Ayaw mo non ? gaganahan ang lola mong pumasok ng maaga tuwing first subject? " masayang sabi nya.

" Haha, ewan ko sayo" pagtapos buksan ng prof namin ang laptop, umayos sya ng tayo at sabay taas ng kilay.

Giving UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon