CHAPTER 2

39 2 1
                                    


Nikki POV

Kring* kring*kring

Eto nanaman alarm ko nambubulabog.7pm na pala kaylangan ko nang maghanda papasok sa trabaho.Kung nagtataka kayo kung anong trabaho meron ako.Isa lang naman akong bartender sa bar nila ivy.oo meron bar ang impokrita nayon.kaya nga sya na ang nagfifix ng sched ko. Syempre mabait si tita sofie(mama ni ivy) pumayag siya na hanggang 2am lng para daw makapagpahinga pa ako. Hirap talaga maging working student.

Okay back to reality,pagkatapos kong mag-ayos ng sarili bumaba na ako at nakita kong naghahain na si mama ng dinner.

" oh anak gising ka na pala,kala ko di ka nanaman nagising niyang walang kwenta mong alarm haha" nang-aasar na sabi ni mama.

" hard mo naman ma,syempre alam mo naman ang dyosa niyong anak may trabaho pa, kailangan talagang magising nakakahiya naman sa mama ni ivy hehe" ganting sagot ko kay mama

"Nahiya ka pa talaga sa lagay na yan ah?"

"Haha syempre naman ma" sabay pa beautiful eyes

" che! Wag ka ngang mag beautiful eyes mukha kang sira, oh ayan na kumain kana" sambit ni mama

"Hmmp sira talaga? Salamat ma hinanda mo pa talaga pagkain ko haha"

Pagtapos kung kumain,Nagpaalam na rin ako kay mama'ng  umalis. Pagdating ko sa trabaho sinalubong naman agad ako ng maganda kuno kong kaibigan.

"Hi, bes ang aga mo ah? Maaga ka ng 2mins haha"  kita ngalangala na sabi saken ni ivy.

"Makapag hi ka naman wagas, kala mo di nagkita ng ilang years? Kakikita lang  po naten kanina sa school, tsaka tigilan mo na nga yang pagsigaw mo kita ko na yang ngalangala  mo" sabay irap na sabi ko kay ivy.

"Alangan naman batiin kita ng pabulong sa tenga mo? Ang effort ko naman masyado non, malamang magsisisigaw talaga ako dito ang lakas ng tugtug eh, tsaka bar to teh di to sementeryo" kita ngalangala pa rin nyang sabi.

Sabagay may point siya dun,tanga ko na lang na di naisip yun.

"Oo na!" Pasigaw din nasabi ko sakanya

"See? Kita din ngalangala mo haha" natatawang sabi nya

" gaga ka talaga, oh sya chupi na oras na ng trabaho ko mamaya isipin ng iba ang sipsip ko  masyado sa inyo" pagtataboy ko sa kanya

"Makachupi ka naman, aso lang? Eto na aalis na haha, oh by the way magtatrabaho na rin ako dito bukas" pahabol na sabi nya

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

"Syempre bukod sa matutulungan ko magulang ko, masasamahan pa kita, Ang bait kong anak diba? Tsaka swerte mo saken kasi kaibigan mo aki haha" proud sa sariling sabi niya

"Proud ka na nyan? Tsaka kung magtatrabaho ka lang din bukas bat di na lang ngayon?" Nakataas kilay kong tanong

"Eh bukas na, nakakatamad ngayon eh, tsaka lulubos-lubusin ko na ngayon kasi last ko na tong  makakapag party party haha palugit man lang" masayang sabi nya sabay sabi ng malanding "BYE" napailing na lang ako

Natapos na ang oras ng pagtatrabaho ko ng napagdesisyunan ko ng umuwi, pag-uwi kong bahay nakita ko si mama'ng tulog sa sofa.

"Ma,lipat ka na ng kwarto, sabi ko naman sayong wag mo na akong hintayin eh"

"Alam mo naman ako di ako mapakali hanggang di kita nakikitang umuwi, tsaka may niluto na ako, andyan sa mesa nakahanda na kumain ka muna" habilin na sabi niya

"Ok po ma, sige na ma akyat na po kayo ako na bahala" sambit ko sa kanya.

"Oh sige anak,goodmornight na" sabay halik sa pisngi ko.

"Sige mornyt din"

Pagtapos kong kumain at ligpitin ang pinagkainan, umakyat na rin ako sa taas at nagpalit ng pantulog at nahiga sa kama.

Naisip ko nanaman ang mangyayari bukas , kahit pagod ako mas nangingibabaw  pa din ang pagiging excited ko para bukas. Pano naman kasi classmate ko si steve haha, sinong di gaganahan kung araw-araw ko siyang makikita hehe.

Hmmp makatulog na nga lang malapit na rin naman mag6am eh .

Author
Pabitin muna,pasensya na sa lame update ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Giving UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon