I

13 0 0
                                    


Malamig.

Halos wala pa ako sa katinuan. Namamanhid din ang aking pakiramdam.

1, 2, 3,  Hyaaah. Pinilit kong bumangon. Kailangan kong humanap ng apoy dahil sa sobrang lamig.

Sinuri ko muna ang paligid. Namangha ako. Bakit may niyebe? Bakit abo ang kulay nito? Bakit napapalibutan ako ng mga puno na walang dahon? Hindi naman umuulan ng niyebe at hindi naglalagas ang mga puno malapit sa bahay namin. At bakit may tao din na nakahandusay sa lupa. Mga lampas sampung katao ang walang malay.

Di ko alam kung bakit pero pinagmasdan ko lang sila ng matagal.

Kinalaunan, nagkamalay din sila. Parang wala din sila sa katinuan katulad ko nung una. Gusto ko silang kausapin. Ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Biglang may umiyak sa kanila na babae. Nakakairita ang kanyang boses. Sobrang tinis.

Lumayo muna ako sa kanila. Kailangan kong mag-isip ng walang gugulo saakin.

Sobrang gulo pa din ng aking isipan. Hindi nagkokonekta ng  maayos ang mga iniisip ko. Sa pagiisip, may natanaw ako mula sa malayo. Dalawang pares ng mata. Sigurado akong hindi tao yun dahil sa anyo ng mga mata.

Parang pusa.

At hindi ito nag iisa. Tatlo sila. Gusto kong lapitan at amuhin sila ngunit may takot na namumuo sa dibdib ko. Dahan dahan silang lumapit. Nakikita ko na ang buong  anyo nila at hindi ako makapaniwala. Hindi tatlong pusa kundi tatlong itim na lobo ang nakikita ko. Sa tagal ko ng nanunuod ng youtube, hindi ako maaring magkamali. Katawan na mas malaki pa sa aso, makakapal na balahibo at nakakatakot na tingin.

Mula sa gilid ng aking mata, tumingin ako sa kung anong inabot ng aking paningin. May mga tao pala sa likod ko. Yung mga natira, hindi padin gumagalaw sa kinatatayuan nila. Mababatid sa mukha nila na alam din nila kung anong problema ang kinahaharap namin ngayon.

Dahan dahang lumalapit ang tatlong lobo.

Shit. Natataranta ako. Pupulot ba ako ng sanga pansaway sa tatlong lobo o tatakbo?

.

.

Dahan dahan akong umatras. Siya ring abante ng tatlong lobo.

Tumakbo ako ng mabilis palayo sa mga kasama ko at sa tatlong lobo. Wala akong nararamdaman na awa sa kanila. Ang nasa isip ko lang ay makalayo.

Habang tumatakbo ako, biglang gumalaw ang mga puno sa paligid ko. Hinahabol din nila ako! Sa bawat madadaanan ko na puno nakaabang ang mga sanga nila para ihampas saakin. Mangilang beses din akong nadapa na sanhi ng paninigas ng katawan ko ngunit mas nangingibabaw ang takot na nadarama ko kaya takbo lang ako ng takbo.

AHHHHH!!!

Hindi ko kaagad napansin na bangin na ang pupuntahan ko. Hindi na ako makahinto. Mabuti nalang at nababalot ng niyebe ang bangin. Dirediretso akong dumulas sa bangin.  Kumapit ako sa isang patay ng puno at ginawa ko itong slide.  Hindi ko matanaw ang dulo ng bangin dahil mga ilang metro pa ay kagubatan nanaman.

Lumingon ako sa likod. Nagulat ako bigla.

Dumadausdos din ang mga puno na sumusunod saakin. May isang puno na sobrang lapit na saakin. Bumuwelo siya sabay hampas ng sanga niya papunta sa direksyon ko. Mabuti nalang at tumama ito sa sinsakyan ko na patay na puno. Ngunit tumalsik din ako na naging dahilan ng pagbitaw ko saaking sinasakyan.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GaseraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon