Prologue

252 21 3
                                    

Napangisi ako nang makita ko ang nakaposas kong mga kamay at paa. Tila ayaw nga nila akong makatakas.

Ngunit wala naman akong planong tumakas. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko ang tumakas dito.

Because in the first place, I came in here in my own will.

Ipinasok nila ako sa isang silid na tanging makikita ko lamang ay isang malaking salamin sa may pader.

It's a one-way mirror. It's commonly used here in the interrogation room.

I faced at the mirror and show them a grin that will surely send chills to their spines. I know they're watching me from here.

Nakarinig ako ng isang pagpihit ng doorknob kaya lumingon ako sa likuran at nakitang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.

Pinaupo niya ako sa upuan at saka umupo naman siya sa kabilang dulo ng mesa na kaharap ko mismo.

"Sinasabi mo na ikaw ang pumatay sa 13 na tao sa loob lamang ng isang taon?" tanong nito sa akin.

Malamang ay isa siyang detective. Base palang sa pananamit nito at ang kaniyang pagkikilatis sa kabuuan ko ay malalaman ko nang isa siyang detective.

"Tama," sagot ko at sinabayan pa ng pagtango.


"Why are you turning yourself in, willingly?"


My grin widen a bit more. They must be wondering why a serial killer would turn himself in.

It is only myself who knows the reason why.

Inilapag ko ang magkabila kong kamay sa mesa at tumingala upang matagpo ang mga mata ng lalaking ito.

Huminga ako ng malalim bago ko sabihin ang pakay ko.




"I'm here to confess."




Confessions of a MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon