Chapter 1 | Bagong Sakristan

16 1 0
                                    

Taong 2013, araw ng lingo, nang pauwi na kami ng aking ina at ng aking lola, nasalubong namin ang isang Lay minister ng aming parokya na si Bro. Manny, kinamusta niya ang aking lola dahil sila pala ay magkakilala dahil ang aking lola ay kabilang din sa mga naglilingkod sa Diyos.

Tumingin sa akin si Bro. Manny, at sinabi niya, "Ano ang pangalan mo iho? Ilang taon ka na?" "CJ po, 9 years old po." Aking tinugon. "Gusto mob a maging Sakristan? Sa edad mong iyan, pwede ka pumasok bilang Sakristan." "Ayy, ayoko po. Nahihiya po ako." Aking tinugon kay Bro. Manny "Huwag kang mahiya iho, ikaw ay maglilingkod sa Diyos hindi sa taumbayan. Kapag hand aka na mag Sakristan, lumapit ka lang sa akin at ipapasok kita sa ministeryo." Sinabi ni Bro. Manny iyon at ako ay tumango lamang.

Pagkaalis ni Bro. Manny, agad akong tinanong ng aking lola at ng aking ina. "Gusto mo ba maging sacristan? Pag hindi ka pa handa, okay lang, pero kung gusto mo, may club naman ang school mo na Altar Server. Pwede kang matuto doon at para makapasok ka na rin bilang Sakristan dito sa ating Parokya." Sinabi sa akin iyon ng aking ina. Agad naman pumasok sa aking isipan na subukan ko maging Sakristan sa susunod na pasukan, upang mapalapit naman ang aking sarili sa Panginoong Diyos. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay ng Isang SAKRISTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon