Chapter 1

882 36 13
                                    

"Malapit mo na siyang makilala."

Mula sa binabasang menu ay napatingin si MM sa matandang babae sa harapan niya. "Ano po?" aniya na may alanganing ngiti sa labi.

"Ang lalaking magpapasaya sa iyo," anito na nagkusa nang maupo sa tapat niya, nakangiti at nakatitig sa kanya.

Napatawa si MM, "Masaya naman po ako. Hindi ko po kailangan ng lalaki para sumaya, Lola. Lalo na ngayon, puro maloloko at hindi seryoso sa buhay ang mga lalaki sa mundo. I choose to be alone and I am happy."

Dangan nga lang at hindi inirerespeto ng best friend at ina n'ya ang desisyon niyang mapag-isa. Kaya heto siya ngayon sa restaurant at inaantay ang blind date na wala pa ni anino.

Ngumiti ang matanda, "Nakatikim ka na ba ng apple pie?"

"Opo."

"Natikman mo na ba ang apple pie sa restaurant na ito?"

"Hindi pa po."

Muling ngumiti ang matanda, "Kahit tanungin kita kung masarap ba ang apple pie dito, hindi mo masasagot dahil hindi mo pa natitikman. Iisa ang main ingredient, pero hindi pare-pareho ang resulta ng apple pie ng bawat gumawa nito. Katulad ng mga lalaki. Iisa ang hubog pero iba-iba sila."

Napangiti si MM, "Naisahan mo ako do'n, Lola."

Ngumiti ang matanda bago tumayo, "Makikilala mo na siya. Buksan mo ang puso mo. Sinisigurado ko sa'yong mapapasaya ka niya." Hindi na nito inantay ang sagot niya, tumalikod na kaagad ito at lumakad palayo.

"Yeah, right," napailing na lang si MM at muling tumingin sa menu. Pagkain ang kailangan niya, hindi lalaki. Kung ihahain sa silver platter ang lalaking ibibigay sa kanya, baka pag-interesan pa niya. Napatawa siya at napatingin sa waiter na nakatayo malapit sa lamesang inookupa niya.

"Lalaki. Lalaking matino. Meron ba kayo?" Nagkaroon ng alanganing ngiti sa labi ang waiter. "Wala? Oh, well. I'm not surprised. Bigyan mo na lang ako ng best-seller n'yo," ibinaba niya ang menu at itinulak iyon palayo.

"Would you like fish, pork or beef, Ma'am?" magalang na tanong nito.

"Oh, marami kayong best-seller, ha. Give me one order of your best best-seller. All types of protein you have," ani MM. Isang oras na siyang mahigit na nag-aantay at mukang hindi na darating ang kadate dapat ngayon.

"Ma'am?" anang waiter na naging alanganin na naman ang ngiti.

"Walang lalaking matino, di ba? Eh di food na lang." A self-deprecating smile curved her lips. MM felt vindicated, but being stood-up on a date is still not a pleasant feeling.

"Dali na. Nagugutom na ako," aniya, ipinatong ang kamay sa ibabaw ng lamesa at nilalaro ang mga daliri na animo'y tiklada ng piano ang pinipindot. Nang hindi tuminag ang waiter ay pinandilatan ito ni MM, "Bakit?"

Nang lumapit ito kanina matapos niyang tawagin ay sinabi niyang handa na siyang umorder dahil mukang hindi naman sisipot ang kadate niya, kaya marahil nagtataka ito kung bakit mukang trigger happy siya at imbes na food for one ay nasobrahan pa siya sa pag-order.

"Ma'am, sure po ba kayo?" anito na napakamot pa. "Kung kada isang best-seller po namin ang order n'yo, marami po iyon. May pork, beef, chicken...."

Itinaas ni MM ang mga kamay. "Oh, you're making my mouth water! Don't mention the dishes, please. I love surprises! Just bring those plates to me!" aniya na pinagkiskis pa ang mga palad.

"Sure po talaga kayo?" anang waiter na lalong kumunot ang noo.

"Sure na sure. Wag kang magpapalinlang sa katawan kong ito. Muka man akong walang ganang kumain, muka lang iyon. Now go," aniya, ikunumpas ang kamay sa nakatungangang waiter. "Ah! Wait pala!" aniya bago pa man ito makalayo. Lumingon naman ang waiter na nakakunot-noo pa rin, "Pa-add na rin ng best-selling dessert n'yo."

Misfit (The Cheeky Chick) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon