Pauline's POV:
"Nagsusuka ka nanaman anak?"
Tinawagan ko si mommy after class. Talagang nagsusuka ako eh. Medyo matagal na din 'to. Siguro kelangan ko nang magpacheck up.
"Opo mommy eh. Pakitawagan nalang po si Dra. Cacho tapos sabihin nyo po na magpapacheck up ako. Sabihin nyo na din po kay Manong Fred na sunduin na nya ko."
"Osige anak. Just tell me kung anong resulta ha. Ayokong ilihim mo yan saakin."
"Opo mom. Sige po, bye." Then I hanged up.
UGH. Ang sakit ng ulo ko this past few days. Tapos sunod-sunod ang pagsusuka ko. Bakit kaya?
Lumabas na ako ng room, sakto, nakita ko si Bes Monica. Aba, masaya sya ha. Abot ulo ang ngiti eh. Ano kayang meron dito?
"BEEEES! XD"
"Ow bakit masaya ka? An'meron?
"MU na kami ni Amiel XD"
Sabi na eh. May magandang nagyari dito kaya 'to gan'to. Haha. Masaya ako para sa kanya. ^^v Sa totoo lang, hindi ko nakakalimutan yung ginawa namin ni Amiel. Nagitla na lang kasi ako isang araw nung lumapit sya saakin..
*FLASHBACK*
Nasa labas na ako ng school noon. Inaantay ko si Manong Fred. Hinahanap ko si Bes pero bigla nanamang nawala. Haaaayy. Biglang may tumakip sa mata ko sa likudan ko ..
"Sino 'to?"
"Hulaan mo"
"Sino nga?"
Bigla akong nagulat kasi si Amiel pala. Aaminin ko, may crush din ako kay Amiel eh. Kaso ayokong magkagalit kami ni Bes kaya nilihim ko na lang sa kanya.
"Oh, bakit?"
"Hmm, Pau, pwedeng magtanong?"
"Ano yun?"
"May BF na ba si Monica?"
"Hmm, wala pa naman. May inaantay kasi yun eh."
"EH? Sino?"
"Alamin mo nalang soon. :)"
"Sigesige.. Ui, favor pwede?"
"Ano yun?"
Bigla nyang binulong saakin. Noong una, ayokong pumayag na magpanggap na kami kasi paano nalang si Bes? Kaso kung sabagay, panggap lang naman eh kaya pumayag na din ako..
Yun, nalaman ko na matagal na pala syang may gusto kay Bes pero 'di daw nya maamin kasi torpe sya. Tss. Kaya naisip nya na pagselosin namin si Bes..
Ayun, nakita kami ni Bes na magkasama. Nagalit sya, syempre. Expected ko na din eh. Pero syempre, nagexplain ako at buti naman eh naintindihan na nya. Nireason out na lang namin yung parents namin para hindi nya malaman na may gusto nga sakanya si Amiel..
*END OF FLASHBACK*
So ayun, iniwan ko na silang dalawa sa school at dumeretso ako sa waiting shed para antayin si Manong Fred. Habang nag-iintay, may nakita akong isang guy na gwapo kaso nakatalikod sya eh. Haha. Ang haliparot ko. XD Nagchichixx pa eh. XD Kaso parang nag-aaway ata sila nung kasama nya? Bakit kaya? Ohwell, hindi ko na dapat alamin yun..
'Ms. Pauline, sakay na po."
'Ayy kalabaw! Manong Fred naman eh. Nagitla ko sainyo."
"Hehe. Sorry maam. Sya, sakay na po."
Sumakay na ako at dumeretso na kami sa ospital.. Medyo kinakabahan ako eh. Hindi ko alam kung bakit..
"Oh, Miss Pauline, hello. I heard nagsusuka at nasakit ang ulo mo this past few days?"
"Opo doctor eh."
"Hmm, let's examine you first tapos antayin mo nalang yung results tomorrow okay?"
'Sige po."
Ayun, inexamine ako ni doctora. Parang nagmamake faces sya kaya kinakabahan ako. Bakit kaya? -.-"
Kinabukasan, hindi muna ako pumasok para dun sa resulta. Dumeretso ako sa ospital para alamin kung ano ba talaga. Hindi nakasama si mommy kasi may business trip sya.
"Please sit down Miss Pauline"
"Doc, ano pong sakit ko?"
"Hmm, Miss Pauline, nagsusuka ka ba ng dugo?"
"Hmm, dalawang beses lang po eh tapos sumakit ang ulo ko. Bakit po?"
"Based on my examinations, meron kang brain tumor Miss Pauline."
"PO? Malala na po ba? Bakit po ngayon ko lang naramdaman?"
"Actually, oo. Delikado na sya. It can affect all your organs. Worst, mawawalan ka ng alaala and it can cause death. I'm sorry miss Pauline."
Gumuho ang mundo ko. Ano daw? Tumor? Bukol sa utak? Bakit ngayon ko lang naramdaman? Is this a joke? Sana ngaa. Sana magising na ako sa bangungot na ito. Goodtime ba 'to? Hindi ako natutuwa..
"Doc, may solusyon pa po ba?"
"Actually, meron. Pwede kang magpa-kemotheraphy or operation. I'll contact your parents."
"Sige po."
"Here, just take this medicines then after one week, ichecheck ko kung may improvements na sya. Call me kung nagsusuka ka pa din or kung nahihilo ka pa.
"Sige po."
After nung check up, dumeretso na ko sa bahay at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko talaga maintindihan. Tumor? Why all of a sudden? Bakit ngayon ko lang naramdaman? Paano na yung mga pamilya ko? Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko..
Dumating na si mommy.. Umiiyak sya. Ayoko sa lahat eh umiiyak sya. Siguro eh alam na nya.
"Anak.." She cried and cried. Ayokong nakikita syang gan'to. Nasasaktan ako.
"Mom, ano ka ba. Okay lang ako oh? Don't cry."
"I can't stop it anak. I'll spend all my money para lang sa iyo."
"Mom, okay lang ako. Grabe kayo. Wala pa naman akong taning eh. Geez. Tama na po yan. Kakauwi nyo lang tapos ganyan na kayo?"
"hayy. Sige anak. Are you willling na magpaopera ka?"
"Okay mom. Kaya ko naman eh. Edi kung mamamatay ako, just be don't sad"
"Ano ka ba anak, Don't say that..i'll do anything para gumaling ka."
Then she hugged me. God, please give me a miracle. I don't wanna die.
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway ( sloooooow update)
RomansaPara sa inyo? Ano ba ang meaning ng salitang LOVE? Sabi nga, pag nagmamahal ka, wala ka daw dapat hinihintay na kapalit. Unfair ano? Sabi pa nila, kaya ka daw nagmamahal, para MABUHAY. Pero bakit ganun? Ang dami pa ding nagpapakamatay dahil sa pag-i...