Papangalanan nalang natin siyang Castiel he is 17 Years Old Grade 12 sa pasukan at ayun na nga dahil sa quarantine at dahil sila ay may wifi connection nakikabit lang sa kapitbahay ay a month ago mybe its march or april 4 i think ay napagpasyahan niyang manood ng Video sa tiktok kaya ang ginawa niya ay scroll doon scroll dito hanggang sa makita niya ang isang babae. Ang pangalan naman nitong babae ay Angela hindi niya tunay na pangalan she is 15 years old base sa kanyang bio na nakita ni Castiel at nakasulat din doon sa bio ang name sa fb at ig kaya ito namang si Castiel ay agad pumunta sa fb app at Ig app para hanapin ang account ni Angela at hanggang sa masearch na nga niya inadd at finallow niya ito. At nung nafollow na niya si Angela ay tumingin si Castiel sa Stories ni Angela sa IG at ayun na nga ay nakita ni Castiel ang isang Stories na magiwan daw ng mensahe at ayun naisipan ni Castiel na magiwan ng mensahe kay Angela.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ito ang mensahe ni Castiel kay Angela labis namang natuwa si Castiel Dahil nagreply ito ng salamat po kumbaga sa sobrang babaw ng kaligayahan ni Castiel ay muntimang siyang napangiti at mabuti naman nung panahon na yun ay wala ang magulang niya dahil nasa baba ang mga ito at siya naman ay nasa taas at talaga namang masasabihan siya nito na nababaliw na dahil nga sa sobrang saya ay ang laki ng ngiti ni Castiel. At matapos ang araw na yun ay nakagawa si Castiel ng tula para kay Angela ang tulang nagawa niya ay isang uri ng tula na pagamin sa nararamdaman sa kanyang minamahal o gusto pero sadyang hindi talaga marunong gumawa si castiel ng tula kaya ayun walang tugma ang kanyang gawa pero alam naman niyang hindi iyon mababasa ni Angela dahil hindi naman na siya Nerereplayan nito at malungkot si Castiel gustuhin man niyang isend kay Angela ay nawawalan siya ng lakas ng loob para esend ito. Kaya itinago nalang muna niya ito at pinabasa sa kanyang mga kaibigan at ayon naman sa mga sinasabi ng mga kaibigan ni Castiel na napakaganda daw nung nagawa niyang tula at isend na daw yung tula sa taong pinaglalaanan kaso sadyang walang lakas ng loob si Castiel kaya ayun hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nasesend kay Angela. Ito nga pala ang tulang nagawa ni Castiel para kay Angela
Gagawa na naman ng tula si ginoong makata Isang panibagong tula At panibagong paksa Pinamagatang
Tiktok
Tiktok, isang application Na nauuwi sa addiction Addiction ng nakakarami Dulot ng quarantine Nagsisilbing pamatay boryo Nagsisilbing libangan sa mundong gumuguho Pero ang addiction na ito ay nagbibigay aliw Nagbibigay saya sa araw na ika'y lumuluha Inaamin ko isa ako sa mga gumagamit nito Araw araw nalang ay may bago May bagong uso May bagong katatawanan May bagong pakulo At also may bagong gumagamit nito Akalain mo million na ang gumagamit nito Kasama na yung babaeng nagugustuhan ko Hindi ko siya kilala ng personal Hindi ko alam kung taga san siya Ang tanging alam ko lang Ay ang pangalan niya Pangalan niya na napakaganda Pangalan niya na hindi mawala Sa aking isipan Hindi mabura sa aking memorya Nakita ko lang ang kanyang video Video na agad nagpabilis Ng tibok ng aking puso Video na love at first sight ako Video na namangha ako Namangha sa kanyang ganda Namangha sa kanyang mga mata Namangha dahil siya ay mukhang prinsesa Alam ko naman na itong babae na ito Ay malabong magkagusto sa isang tulad ko Dahil nga tulad ng sabi ko Hindi ko kilala ng personal At hindi ko siya nakakausap ng personal Dahil magkaiba kami ng location At magkaiba ang edad naming dalawa Matanda ako sa kanya Kaya siguro malabong maging kami Siguro gustuhin ko mang ligawan siya Pero malabo Malabo pa sa salamin Malabo pa sa lumang palabas Malabo pa sa pirated na palabas Pero tanging hiling ko lang Na sana mabasa niya ito Na sana malaman niya Malaman ang nararamdaman ko Kahit na napakaimpossible nito Kaya idadaan ko nalang sa tula Kahit na walang tugma Sana pagdating ng panahon Tayo ay magkita Magkasama at masabi sayo na gusto kita Masabi sayo na totoo ang nararamdaman ko Masabi sayo na ikaw lang hanggang dulo Kahit na malabo Dahil hindi mo ako kilala Dahil hindi mo ako nakikita At malaki ang agwat nating dalawa Pero sana malaman mo Lagi lang akong nakasupporta Sa lahat ng gusto mo Sa lahat ng pangarap mo At tanging hiling ko lang kay bathala Na sana maging tayo Hindi man ngayon Kundi sa tamang panahon
Ito yung tulang hindi niya maipasa o maipabasa kay Angela dahil nahihiya siya at natatakot na baka ay masaktan na namang muli kapag nalamang may kasintahan na pala ang kanyang ginugustong babae. Pero habang tumatagal ay parang gusto niya na itong ipabasa kay Angela ngunit hindi niya alam kung papaano isend kay Angela ng hindi ito lalayo. Pero siguro kailangan nalang tanggapin ni Castiel na wala siyang pagasa sa isang babaeng 2 Years ang agwat ng edad nilang dalawa pero susubukan parin ni Castiel na esend kahit hindi ito papansinin ni Angela. Kaya heto kabadong kabado si Castiel dahil nasend na niya kay Angela ang Tulang Nagawa niya para kay Angela. At ayun na nga nasend na ni Castiel ang Spoken o tula na kanyang nagawa at ayun labis namang natuwa si Castiel Dahil sa reply ni Angela
"Halaaa thankyouuuu po I really really appreciate your effort po nakaka amaze po kasi ang galing niyo thankyousomuch po🥺❤️"
Ito lang ang nasabi ni Angela pero tuwang tuwa si Castiel ng mga oras na iyon dahil nagreply syempre dahil nga mababaw ang kaligayahan ni Castiel ay dahil lang dun ay masayang masaya na siya oh diba kaya itong si Castiel ay nakaisip na papunta na tong kasalan charot lang daw hahaha nadala lang siya ng sobrang kasiyahan. At matapos nung kasiyahan ni Castiel ay paulit ulit parin niyang binabasa ang Reply ni Angela at Kilig na kilig parin siya hanggang ngayon hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sadyang hindi niya parin talaga mapigilan na ngumiti ng ngumiti kapag nababasa niya iyon at heto na nga ay matutulog na si Castiel pero naghihintay parin siya kung magrereply pa ba si Angela pero dahil sa Antok na antok na si Castiel ay napagpasyahan niya nalang munang matulog at baka bukas ay magreply na si Angela. Kinabukasan ay nagreply siya ng Good morning din po at ayun na nga may naisip na naman akong gawin yun ay ang Gumawa ng Initial nung Name niya.
ANGELA
A-lways Remember That You Are Worth It. N-o to sadness and be happy always. G-orgeous and also you have a beautiful heart. E-legant and you are beautiful so don't be affected to the people who bash you. L-egendary, because you are unique person, good friend, and you are strong. A-nd last enjoy your life and you don't deserve to be hurt by someone cause you deserve to being Love and Taking Care Forever Cause you are a Loveable Person.
At nagreply naman siya syempre tuwang tuwa ako magreply ba naman si krass ay di ka ba matutuwa
"Thankyouuu po dun sa ginawa niyo na meaning sa i initials ko hehe"
Syempre paulit ulit yang nasa isipan ko kinililig parin ako hanggang ngayon at ayun na nga may nagawa akong SLIDESHOW VIDEO na may message confession message yun pero nung senend ko ay hindi pa niya naseseen. Pero makalipas ang ilang araw mga i think 3 weeks before niya napansin iyon at ayun na nga nagpasalamat siya na shoock siya as in talaga speechless siya nung araw na yun, siguro kinikilig siya at paulit ulit niya sigurong pinapanood yung video pero syempre nasa isip ko lang yun at ayun na nga nagpasalamat siya dahil sa mga efforts ko daw thank you at syempre tuwang tuwa ako na kinikilig pero nagsorry siya at ayun bigla akong nasad kahit papano dahil sabi niya
"Sorry po kasi hindi ko po masuklian ang nararamdaman mo po sorry po kuya pero pwede naman po tayong maging magkaibigan kuya eh."
At nagreply naman ako sa kanya na.
" Ay yun lang naman pala eh walang problema yun, oks na nga yun eh kasi nakakausap parin kita at masaya naman din maging kaibigan ka malay mo soon maging close tayo talaga in person hehe at Angela ang mahalaga lang naman din sakin kasi is makita ka lang masaya oks na ako tsaka number 0 supporter mo parin ako bakit 0 kasi 0 muna bago mag 1 oh diba whhaha. "
At nagreply siya
"Hehehe salamat po talaga kuya brb po"
At ayun na nga natapos na ang usapan namin at araw araw na kaming nagchachat kasi magkaibigan na kami, makalipas ang 7 taon ay napagpasyahan naming magkita ng personal at ayun na nga 1st meet up namin masaya ako nun pero aaminin ko sa inyo krass ko parin siya pero magkaibigan nalang kami, at may kasintahan na rin siya na kaklase kaschoolmate niya, masaya naman ako dahil masaya siya pero pag once talaga na sinaktan siya nun naku mapupuruhan ko talaga yung lalaki at ako naman pala ay still single parin at heto isa na akong teacher at susunod na taon ay magbabakasyon ako sa korea para bisitahin ang pinsan ko doon at siya naman ay natupad na niya ang pangarap niyang maging isang Artista at hanggang dito nalang maraming salamat sa pagbabasa ng kwento ko. So magpapakilala ulit ako Ako si Castiel ang may Krass sa isang babae na 2 Years Age Gap Namin hehe I love You Angela 👉☺
Ps: ITO AY FICTION LAMANG PPS: SORRY SA ERROR PPPS: SORRY KUNG MAGULO PPPPS: SALAMAT PO SA PAGBABASA