AUTHOR's POV
"HOY umamin ka nga!" sabi ng isang babae
"amdmafagmmfhh!!!" sabi ng lalaking walang awang iginapos at saka tinakpan ang ang kanyang bibig.
pinalilibutan siya ngayon ng mga hindi kilalang kababaihan. At mababasa mo lang sa kanilang mga mukha ay ang galit at panghihinayang.
"amsadamsfmafma!!" mukhang nakikiusap ang lalaki na pakawalan siya. Hindi niya malaman kung may nagawa ba siyang masama sa mga ito. Hanggang sa magbalik sa isipan niya ang isang pangyayari na sa tingin niya ang nagpasok sa kanya sa gulong ito.....
HIS FLASHBACK
Habang naglalakad si JP (ang hearthrob ng lahat ng mga hearthrob), bigla siyang napahinto nang mapansin niya ang unique na shop.
siyam na manikin ang nasa display....
mukhang nabighani ang lalaki sa nasabing shop.
"ang gaganda naman!" sambit niya
balak sana niyang pumasok upang masilayang mabuti ang mga manikin nang biglang--------
"KRRRIIINNG"
"KRRRRING"
imbis na pumasok. sinagot niya kung sino man tumatawag sa kanya mula sa cellphone niya!
"uhmmm..........HELLO?"
"yes?"
"okay....."
"cge....pupunta na ako diyan!"
habang binababa niya ang tawag ay napansin niyang tila gumalaw ang siyam na manikin.
nilingon niya ang dispaly at napakunot siya ng noo.
"namalik-mata lang pala ako!" sabi niya.
pagkatapos, dumiretso na siya at nagmamadaling umalis.
END OF HIS FLASHBACK...
*
THEIR FLASHBACK...
"oy nakita mo ba yung lalaking gwapo?" sabi ng isang manikin.
TAMA! nakakapagsalita sila. Tao kasi sila............................DATI.
THE STORY:
Habang pauwi ang magbabarkadang itago na lang natin sa pangalang Diyosa, Bunny, Marie, Nica, Pearl, Christine, Princess, Rel at Paula. Magbabarkada sila pero lingid sa kaalaman ng bawat isa, may roon silang inis at galit sa isa't isa.
So... may napansin silang isang gugusing matandang babae.
"YUCK! eeew!' sabi ni Paula
"oww look at her! she's so dirty at ang PANGIT PANGIT pa niya!" sabay turo ni Nica sa kaawa-awang matanda.
imbis na tulungan ang matandang babae, nagawa pa nila itong pagtawanan at sabihan ito ng masasakit na salita.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
"HAHAHAHAH!!"
tumayo ang matandang babae at lumapit sa magbabarkada. Itinaas ang kamay at sinambit ang mga salitang:
"Wala kayong puso, Imbis na tulungan ang isang tulad ko, ay pinagtawanan at sinabihan pa ako ng hindi magagandang bagay!! At dahil diyan..." hinarap ng mga matanda ang kamay niya sa mga mukha namin. "Sinusumpa ko kayo!! Gagawin ko kayong mga manikin! hindi ninyo alam ang salitang PAGMAMAHAL, kaya't manantili kayo sa ganyang katayuan hangga't hindi ninyo natututunan ang bagay na iyon!"