SM-1

28 1 0
                                    

Otor's Note: Ang istoryang ito ay maikli lamang. Sana ay maunawaan ninyo kung bakit mabilis ang mga pangyayari. Salamat :)

***

Ako si Cheena Perez, 18 years old. Aaminin ko na hindi ako maganda. Palagi akong pinagtatawanan ng mga taong nakakakita sakin, dahil daw sa makapal at buhaghag kong buhok, Maputi pero dry kong balat, at tadtad na pimples sa aking mukha.

" Chee, bilisan mo. Malelate na tayo!!" Sigaw ni Anton, bestfriend ko.

" Oo, Heto na!! "

Bilis bilis akong nagsapatos at sinintas ito. Pagkatapos noon ay sabay kaming pumasok sa school.

"Oh Em Gee! Bakit ba laging kasama ng panget na yan si Anton!? Kainis!! " sabi nung isang estudyanteng babae rin dito sa school.

"Baka naman Yaya nya yan! Hahahaha" sagot naman nung isang kasama nya.

Simula ng pumasok ako sa school nato, eh palagi nalang nila akong kinukutya, nilalait at pinagtatawanan. Noong umpisa eh, halos hindi ko makayanan pero habang tumatagal e nasasanay nadin ako sa pagtrato nila sakin. Kaya nga nananahimik nalang ako at hindi sila pinapatulan.

"Wag mo nalang silang pansinin " sabi ng katabi ko habang naglalakad, si Anton.

Nginitian ko lang sya at patuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa room. Hinatid nya lang ako. Magkaiba kasi kami ng department. Nasa M.E sya at ako naman ay sa BSA department.

Palagi kong sinasabi sa kanya noon na wag na akong ihatid dahil magagalit ang Fansclub nya. Pero makulit din ang isang yun dahil, tungkulin daw nya yun bilang bestfriend kaya wala akong nagawa kasi ayaw nya makinig sakin.

"Sige, punta nako sa room ko. Maya nalang ulet " saka sya ngumiti at tatalikod na sana pero tinawag ko sya kaya humarap ulit sya sakin.

"Anton! "

"Bakit? " tanong nya.

"Una kanang umuwi, di ako makakasabay kasi may gagawin pa kami mamaya pag awas eh. Group project yun "

May Group Project kasi kami mamaya. Project sa isa naming Subject.

"Hihintayin na kita "

"Wag na.. matatagalan yun kaya mauna kana. "

Bumuntung hininga sya.

"Sige, mag ingat ka. Yari ako kay Tita pag may nangyari sayong di maganda .."

Ngumiti ako sa kanya saka sunod sunod na tumango.

"Sige, Salamat! "

Tumalikod na sya at naglakad palayo, ako naman ay pumasok na ng room.

Kitang kita ko pa ang matatalim na tingin sakin ng iba kong classmate na babae habang papunta ako sa upuan ko. Pero as usual di ko nalang sila pinansin.

Natapos ang maghapong klase pero hindi muna kami umuwi ng mga kagroupmates ko. Tulad nga ng sinabi ko kanina kay Anton eh matatagalan kaming umuwi kasi gagawa pa kami ng group project. Kasama ko ang mga ka group ko na sina Zion, Sheng,Jessie at Kyle.

Mababait naman sila, hindi sila katulad ng iba naming classmates na mga maldita at masama ang ugali. Si Zion may pagkamapangasar pero mabait naman sya. Gwapo pero balita ko eh hindi pa nagkakagirlfriend. Si Sheng naman ay may pagka nerd. May makapal na eye glass pero kahit ganon eh litaw parin ang kagandahan nya. Si Jessie, Maganda din at mabait at si Kyle naman tahimik lang at hindi mabokang tao. Minsan lang umimik kapag importante na talaga pero gwapo din sya. Ako nga lang ata ang Panget samin T_____T

Soul Mate (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon