SM-3

12 1 0
                                    

Papunta ako ngayon sa gym. Sasabihin ko na kay Ace na gusto ko sya. Alam kong dapat na hintayin kong lalaki ang lumapit sakin pero naiinip na ako. Gusto kong ngayon palang ay malaman na nya na gusto ko sya.

"Hi " bati sakin nung isang lalaking nakasalubong ko. Nginitian ko lang sya.

Simula pag pasok ko kanina ay puro hi at hello na ang natatanggap kong bati ng mga estudyante dito sa school. Siguro ay dahil sa malaki nga talaga ang ibinago ng itsura ko.

Sa wakas ay narito na ako sa tapat ng gym. Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Huminga ako ng malalim.

kailangan ko ng gawin to.

Kasabay ng pagtibok ng puso ko ang paglalakad ko papasok ng gym.

Nakita ko agad ang Team na mga nakaupo. Siguro ay nagpapahinga at katatapos lang ng practice.

"Uy Chix oh! " sabi nung isang member ng mapansin ako.

Nagtinginan naman silang lahat sakin. Mukhang nakita ako ni Ace kaya naman lumapit sya sakin.

"Woah! Cheena ikaw ba yan? " nakangiti nyang tanong.

Shocks! Ang gwapo nya talaga.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Oh anong ginagawa mo dito? " tiningnan nya ang kabuuan ko.

"Ang ganda mo ah! " dugtong pa nya, dahilan para mamula ako.

Paano ko ba to sasabihin sa kanya? Kinakabahan ako.

Dug dug dug dug

"A-Ahh .. may sasabihin sana ako sayo .." nakayukong sabi ko.

Kaya mo yan Cheena! Kaya mo yan.

"Ano yun? "

Eto na. Sasabihin ko na.

Hinga ng malalim.

Tiningnan ko sya sa mata. Nakatingin din sya sakin. Magkatitigan kami.

Dug dug dug dug

"G-Gusto kita... " sabi ko.

Pero sya, walang reaksyon ang mukha. Hindi ko malaman kung anong iniisip nya basta nakatingin lang sya sakin. Nakatingin sa mga mata ko.

Patuloy ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang kaba.

Galit ba sya?

Panget naba ang tingin nya sakin ngayon na nagtapat na ako sa kanya?

Kumalas sya sa pag katitig sakin. At tinalikuran ako. Bumalik sya sa pwesto nya kanina at mukhang may kinukuha sa bag nya.

Nagpalit sya ng damit. Parang wala lang ng yari. Ano bang tumatakbo sa isip nya?

Basted naba ako?

Agad agad?

Nakatayo padin ako dito. Gusto ko ng umalis dahil pakiramdam ko eh sasabog na ako sa sobrang hiya. Konti nalang tutulo na ang luha ko.

Dapat pala ay hindi ko nalang ginawa to.

Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga mo Cheena.

"Tapos na practice! Magsiuwi na kayo! " sigaw nya.

Nasira ko ba ang practice nila?

sorry. Sorry Ace..

Unti unti ng may namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko na kaya. Kailangan ko ng maka alis dito.

Soul Mate (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon