Chapter 2, Si Beauty.

55 4 1
                                    

It's been 2 months na pala akong nandito sa school na 'to. Naka-jam ko na lahat.. Ay, almost lahat pala. Maliban sa cold, snob at intimidating na si Beauty. Oo, Beauty ang nickname ni Beatrice Sta. Ana -- ang babaeng binigyan ako ng super warm welcome.

"Ang lalim ng iniisip ah?", Wika ni Dave. Istorbo talaga to kahit kailan oh.

"Pare, snob ba talaga 'yan si Beatrice?", tanong ko.

"Hmm? Gusto mo sya noh?", usisa nya. Hindi ko sinagot, kaya nagpatuloy ang mokong..

"Walang lumalapit sakanya, babae man o lalake. Loner ang peg nang lola mo. Kase kung hindi sya cold, harsh nyang ine-entertain ang mga kakausap sakanya. Beauty is the Beast nga ang tawag sa kanya eh.. Sa kinaganda ng mukha, malahalimaw naman ang ugali," seryosong wika nya.

"Ang ganda nga naman talaga nya. At matalino pa, consistent 1st honor dba? Kaya susubukan kong malampasan sya," sabi ko.

"Asa pa dude. Kung kaya mo," words of discouragement ni James. Langya, di man lang sumuporta?

***

Delibaration of Honors na..

TOP10~

10. Karl Kadile

9. Maiko Adriatico

8. Avegail Sanoy

7. Dave Silva

6. Stefanie Padilla

5. Dannelle Joy Patoc

4. Jaika Xi

3. Khylee Ramirez

2. Beatrice Sta. Ana

1. Zyler Matthew Gonzaga

-

"Grabe pare, bilib na ako sayo! Nalampasan mo sya," binulong ni James sa'kin. Hindi talaga makapaniwala eh noh? Napahiya ang mokong haha.

Pero nakita kong naglalakad papalayo si Beauty. Sinundan ko sya. And I found her sa puno ng mangga, teka? Pano sya nakarating sa taas? e, nasa malayo ang hagdan? Haha oo nga pala, kaya ng Beast lahat. Pero ako? Kukuha ako nga hagdan kase di ko kayang akyatin yun without the aid of the ladder. -_- I'm not a weakling, it's just not my style.

At narating ko na rin ang kinaroroonan nya, may flat surface pala dito. Kaya pwede kaming umupo o tumayo. Nilapitan ko sya..

"Bakit? May problema ba?", tanong ko. Ngunit hindi sya sumagot.

"Beauty?", pagtawag ko sakanya.

"Umalis ka. Hindi kita kailangan. Umalis ka na," kalmado nya'ng sagot. Ngunit halatang nagpipigil ng pag iyak.

Niyakap ko sya. At tuluyan nang bumagsak ang mga luha nya. Kahit pala ang pinaka-strong at tough na babae ay magiging maamo at mahina kapag nahihirapan na.. Walang nagsalita saamin, the whole time we were there, niyayakap ko lang sya habang umiiyak. Hanggag bandang 6pm na..

"Salamat. Aalis na ako," sabi nya. Wow, nagpasalamat sa akin ang isang Beatrice Sta. Ana. Hindi man lang ako nakapag-yourwelcome sa pagkagulat eh. Tiningnan ko nalang syang pababa ng mango tree, ng walang kahirap-hirap. At bumaba na rin ako.

***

A/N:

Haha! Sabaw ba? Sorry po~!! ✌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty is the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon