CHAPTER 1: Ang Pamilya

0 0 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon, nag papalit ng damit para sa libing ng ate ko. Si ate na nga lang ang natitira kong pamilya kinuha pa ni God. Yes, siya nalang ang natitira sakin. Ang one big happy family namin ay unti-unting nalalagas.

Four years ago namatay sila mama at papa.

*phone ring*

Ano ba yan, ang aga-aga may tumatawag? Wala namang project. Sino ba 'to. Tinignan ko yung screen ng cellphone ko. Unregistered number. Baka sila mama lang. Ngayon kasi ang dating.

"Hello sino po sila?" Sabi ko sa inaantok na tono.

"Uhm. Is this Pearl Santos?" Anang isang babae. It's not my mother!

"Opo, sino po sila?"

"Miss, punta nalang po kayo dito sa Ramon Memorial Hospital." Sabi niya.

"Sige po." Sabi ko. Baka kukunin ko lang yung result ng X-ray ni bunsoy, may bali kasi sa ribs niya.

Bumaba ako para makaligo at kumain saka ulit pumanhik sa taas para magpalit. Pagkababa ko ay nakabukas ang TV.

'Isang plane crash ang naganap sa West Philippine Sea kaninang madaling araw. Sabi ng mga nakakita ay umaapoy daw di umano ang buntot ng eroplano. Nang sinisid ito ng mga rescuer ay napag-alamang eroplano ito ng Lim Airlines.' sabi ng news anchor kasabay ng pagflash ng mga litrato ng eroplanong nasisid. Pagkarinig ko ng balita ay timawag ko si ate.

"Ate! Punta lang ako ng hospital!" Sabi ko at lumabas na at dali-daling sumakay ng dyip.

Pumunta ako sa nurse station ng hospital. "Nurse, may Carlos Santos at Anabeth Santos po ba sa listahan ng plane crash?" Tanong ko.

May tinype siya sa computer. Tinignan niya ako. "Meron, kaano-ano mo sila?" Tanong niya.

"M-nagulang ko po sila." Sagot ko. At agad nagdasal.

"Morgue miss." Sabi niya.

"Nagpapatawa ka ba miss? Imposible. Buhay sila! Buhay!" Sabi ko.

"Hindi miss, i check mo nlang doon." Sabi niya at bumalik sa ginagawa kanina.

At doon gumuho ang mundo ko. Akala ko ay hanggang doon lang pero mas lalong lumaki ang biyak ng mundo ko nang sumunod sakanila ang bunso namin. Hindi niya kinaya ang naging operasyon sa nabali niyang buto.

"Relative of the patient?" Doctora.

"Kami po." Si ate.

"Kamusta po siya?" Kuya.

Ako nakatayo lang. Ayoko magsalita at ayoko mangyari ang iniisip ko.

"Sorry, hindi nakayanan ng bata ang operasyon. Excuse me." Sabi nuya bago umalis.

Nangilid ang mga luha ako sa narinig ko. Yinakap ako ni kuya. Si ate naman napaupo.

Napahagulhol ako. "Sana ako nalang... Sana ako nalang... Sana hindi siya... Bakit siya pa... Kuya..." Sabi ko.

"Tahan na. Shhh." Sabi niya.

Pero lalong nawalan ako ng pag-asang mabuhay nang sumunod si kuya.

Nagtrabaho siya sa isang kompanya bilang isang driver ng nabangga ang truck na sinakyan niya ng isa pang truck.

Pagkadating ko sa bahay galing sa eskwelahan dalawang taon pagkatapos namatay ng bunso namin.

Nakita ko si ate na umiiyak sa sofa namin. At ang auntie namin.

"Ate bakit?" Tanong ko.

Tumayo siya at yinakap ako. "Si kuya. S-si kuya.... Wala na siya." Sabay iyak namin.

"Huwag mo akong lokohin ate!" Sigaw ko.

"Hindi kita niloloko! Totoo." Sabi niya at kinuwento ang buong istorya.

At ngayon si ate naman.

Last year, napag-alamang may cancer si ate at stage 4 na daw iyon. Linabanan niya pero hindi kinaya. At nong linggo lang namatay siya.

Ngayon, libing na niya. Nagpa-iwan ako sa puntod nila. Hinawakan ko yung lapida nila isa-isa.

"Bakit niyo ako iniwan? Bakit niyo ako punabayaan? Bakit? Ma? Pa? Ate? Kuya?" Nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Akala ko.... Akala ko, ako ang unang mamamatay dahil sa sakit ko." May sakit ako sa puso.

Sampung taon ako ng madiagnose nila ang sakit ko sa puso anila ay nagkaroon daw ako ng trauma. Noong apat na taon ako ay nahulog ako sa hagdan namin. Mula sa ikalawang palapag pababa sa unang palapag.Mula noon ay naging magugulatin ako at mas nadagdagan pa nang may nakita akong nagbabarilan sa harap ng bahay namin hindi lang isa o dalawang bese, pitong beses. At yan ang dahilan ng pagkahina ng puso ko.

"Saan na ako titira ngayon? Alam kong papalayasin ako ni auntie.... Saan ako kukuha ng lakas ng loob kung ang pamilya ko ay wala naman na?" Suminghap ako.

"Ma, pa, ate, kuya, bunsoy, bakit niyo ako iniwan? Bakit andaya niyo? Sabi niyo, sabay-sabay natin tutuparin ang mga pangarap natin. Sabi niyo sa hirap at ginhawa magtutulungan tayo. Sabi niyo kahit anong mangyari, one big happy family parin tayo at sinabi niyo rin na 'laban lang walang susuko.' Pero bakit kayo sumuko?"

Pinunasan ko ang luha ko. At tumayo.

"Siguro nga totoo yung kasabihang 'promises are made to be broken.' "

"Kaya ma, pa, ate, kuya, bunsoy, see you soon. I love you." Sabi ko at umalis na.

Sumakay ako ng dyip pauwi. Siguro magta-trancient nalang muna ako o kaya ay humanap ng bed space pagkatapos ko maghanap ng pwedeng trabaho. Graduate ako ng computer secretarial kaya pwede ako sa mga opisina. May resume naman ako. At kung anu-ano pa.

Pagkauwi ko sa bahay.

"Oh, señorita. Saan ka pupunta? Maglalakwatsa ka? May pera ka ba? Bayad ka nga muna. Isang buwan advance, magto-tong hits pa ako." Sabi niya.

"Uh... Auntie, kasi..." Hindi ako natapos.

"Anong kasi?!" Sigaw niya. "Kung ayaw mong magbayad, LAYAS!"

Kinapa ko ang bulsa ko. 500 ang bayad namin dito kay auntie kada buwan. May 1000 pa naman ako.

"Auntie, pwede po ba 250 nalang. Ako nalang naman po eh."

Kinalampag niya ang lamesa sa harap namin. "Tumatawad ka?!" Sigaw niya.

Hindi na ako nagsalita. Binigay ko ang 500 sakanya.

Hapon na ng napagpasya kong mag empake para kung palalayasin man nila ako, ready ako. May kumatok sa pinto. Pumasok si Anna, ang pinsan ko. Niyakap niya ako sa likod.

"Ate, aalis ka? S-saan ka pupunta? Iiwan mo a-ako? B-bakit ate? Masyado na ba akong makulit?" Sabi niya at may naramdaman akong basa sa likuran ko.

Close kami ni Anna, sila ni ate Lea at kuya Leo. Si Auntie lang talaga ang may ayaw sakin, si uncle naman ang nagtatrabaho sa kanila at sila ate at kuya.

Hinarap ko siya. "Anna, incase lang na palayasin ako ng mama mo. Hindi kita iiwan, tatawagan ko nalang sila ate o ni kuya para makapag-usap pa din tayo okay? Hindi ka masyadong makulit okay?" Pati ako ay naluha na rin. Mamimiss ko sila.

"Ate..." Sabi niya at niyakap ulit ako. Walong taon na siya.

"Love ka ni ate Pearl okay? Dadalaw din naman ako dito." Sabi ko.

"Kaausapin ko si mama." Sagot niya.

"Hindi rin 'yon papayag. Kaya huwag na okay? Tabi nalang tayo matulog ngaykng gabi. Bukas, hahanap ako ng trabaho." Sabi ko.

Tumango siya. Nakapantulog na kasi siya. Pumunta siya sa foam na nakalatag sa sahig at humiga na. Sumunod ako sakanya. Tinabihan ko siya.

"Ate, peram ng cellphone mo. Pipucture lang tayo para kapag mamiss mo ako tignan mo nalang." Sabi niya at inabot ang cellphone ko. At gaya nga ng sabi niya, nagpicture kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HALF ALIVE Where stories live. Discover now