©hapte® 6: Ice cream

41 12 0
                                    

🍹❤️ Enjoy reading ❤️🍹



#Unedited
†Yanna Pov†

Blah blah blah blah

"Yanna" tawag sakin ni Miss Shen "Makinig ka kay Miss karil" utos nya sakin

"Ikaw nalang kaya Miss Shen, wala naman kase akong maintindihan sa sinasabi nya" bored na sagot ko

"Napaka bastos talaga"  parinig ni Miss karil

"Ako nalang kakausap miss karil" saad ni miss Shen kay epal at tsaka humarap sakin "Yanna pwede mo bang i-explain samin yung ginawa nyo ni Yohan sa mga studyante Sec. Emerald!" pakiusap sakin nya sakin

Studyante pa pala yung mga yun?

"Ganto kasi yon Miss Shen" saad ko at tumingin kay Miss karil peheya ka noh "Actually ako lang ang maykasalan kaya ako lang ang dapat sisihin pero bagay lang sa hayop na yon ang natamo nya matapos nyang lokohin ang kaybigan ko, sa sobrang inis di kona napigilan ang sarili kong sugurin ang lalaking yon" paliwanag ko

"At kasama mo tong si Yohan na bugbugin yung mga yon? Tsaka si Leo lang ang may atraso bakit pati yung mga kasama nya may bangas at bali din?" tanong ni Miss Shen

"A-ano kasi....."

"Kagagawan ko yon.. Balak nilang gantihan si Yanna kaya inunahan kona sila"  sabat ni Yohan

tumango si Miss Shen "Ako na kakausap sa mga parents nyo tungkol dito.. Maaari na kayong umuwi" saad ni Miss Shen samin

Yown kaya gusto kita ehh Miss Shen.. Wala ng sermon sermon di tulad nung isa dyan kala mo nanay kung maka sermon

YoDabes!¡

Agad kaming lumabas ng Faculty ni Yohan at tahimik na naglakad papuntang parking lot

"Impakto" tawag ko kay Yohan na papasok na ng Ferrari nya.. meron din ako nyan noh....

Inis syang humarap sakin "Ano yon Amazona?" tanong nya sakin

Tengene ako ba yon? Ako amazona? Putcha!

"Hindi ako amazona" sigaw ko sa kanya

"So hindi rin ako impakto... Sa gwapo kong to impakto lang ibabansag mo sakin"  sigaw rin nya sakin

"Lakas ng hangin" sumakay ako ng motor ko "Salamat!" sabi ko at umalis

Ngayon lang ako nagpasalamat ng sincire sa isang impakto

Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makakita ako ng mini mart paliko sa isang kanto

Nagpark ako ron at pumasok

Tingin sa kanan.....Tingin sa kaliwa...     Ok walang ibang tao

"Ahh miss isang 1.5 liter nga ng ice cream... Rocky road flavor" saad ko sa babae dun pagkarating sa counter

"Ikaw ulet haha takaw mo talaga sa ice cream noh!?" saad nya at kumuha ng ice cream sa mahiwagang ref nila

Inabot nya sakin yung ice cream at ibinigay ko naman yung card ko "Please Mia hehe keep this as a secret"

† Love In Trouble †Where stories live. Discover now