THE FALL
"Our debutant, Lady Allenie Javier.."
Nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ng emcee ng event na 'to, agad nanlamig yung mga kamay ko. Handa na ba kong harapin lahat ng tao? Ayoko talaga ng ganitong okasyon. Kung hindi lang para kay Mom and Dad ayoko na talagang ituloy pa 'to. Sila lahat ang may pakana nito, 2 months before palang nagpaplano na sila. Labag man sa loob ko, wala na kong nagawa. Ako pa ba mag-iinarte e ako na pinaghandaan at pinagkagastusan diba?
Isa pa, masasayang 'tong napakagandang gown na suot ko. I'm wearing Dark Verdant close-fitting bodice ball gown na pinagawa pa ni Mom sa isa sa pinakasikat na designer from Italy. Idagdag pa ang mga kolorete ko sa katawan kaya di ako masyadong confident gumalaw dahil di ako sanay sa ganito. Kitang kita tuloy yung hubog ng katawan ko. Palaging large Tees at pajama lang madalas kong isuot. Kaya ko ito! Pagpapalakas loob ko sa sarili.
Masyado ng matagal yung dead air kaya I have no choice. Nagsimula na akong humakbang dahan dahan at natatanaw ko na ang gitnang parte ng stage. Kinakabahan talaga ko hindi ko na din malaman kung bakit.
Narating ko ang gitnang stage at madilim ang paligid, tanging sakin lang may ilaw dahil sa spotlight. Nasilaw pa ko dahilan para halos wala na akong makita. Tamihik lang ang lahat kaya mas lalo akong kinabahan. Nagulat ba sila sa itsura ko? Napangitan ba silang lahat sakin? Ang pangit ng naisip ko kaya pinilit kong ngumiti.
Yun na pala yung naging queue para magpalakpakan sila, habang nagbubulungan ang karamihan.
"Yan na pala ang dalaga ng mga Javier.."
"Napakagandang bata!"
"Ang balita ko siya yung pinakamabait na anak nila mars.."
"Ang swerte naman nya, pinaghandaan talaga nila Mr. at Mrs. Javier ang debut nya"
"Siya na ba yung ampon?"
Pagkatapos ko marinig yung huling salita, may kirot sa dibdib kong nabuhay. Masaya na sana eh, di ko naman yun nakakalimutan. Sa totoo lang ayoko naman talaga netong party.. nabawasan yung ngiti ko. Kung may nakakakilala sakin ng totoo, malamang sa mata ko palang alam ng hindi ako ganung masaya.
Huminga nalang ako ng malalim. Ngumiti pa din ako sa lahat at dahan dahang bumababa sa hagdan. Sa dulo, nandun na si Dad at hinihintay ako. Dapat si Kuya Fer kaso tumanggi sya e. Ayaw nya talaga sakin, simula pa dati.
Sinalubong ako ni Dad ng nakangiti at pagkahawak nya sa kamay ko, hinalikan nya yung likod ng kamay ko. Napangiti na ulit ako.
"You are so beautiful my princess daughter.." sabi nya.
Simula pa dati, prinsesa na talaga turing nya sakin. Namatay kasi yung anak nyang panganay na babae sana. Pagkalabas daw ng baby nila sa sinapupunam ni Mom, wala na daw buhay yung anak nila. Kaya naman sabik na sabik sila sa babaeng anak. That was also the reason why they adopt me. Napakaswerte ko na nga lang talaga dahil sila yung umampon sakin.
"Salamat po Dad.. for this. For everything.." then I hugged him. Hindi ko alam pero this time, kakaiba yung pakiramdam. Parang miss na miss ko sya kahit palagi naman kaming nagkakasama. At totoong nagpapasalamat ako sakanya, even words can't describe how thankful I am to have this man in front of me. Walang kasing bait at busilak ng pusong tatay.
He just smiled back pero medyo maluha luha na. Nakikita ko sa mga mata nya na masaya talaga sya. Parang achievement nya na naitaguyod nya ko for 18 years na parang tunay akong galing sakanya. I feel touched. Parang maiiyak na din ako pero imposible yun, never pa kong umiyak e. Yun yung sabi nila, simula daw bata hindi daw nila ko nakitaang umiyak. Pinacheck up na nga din nila ko dati kasi baka daw may mali sakin pero normal naman daw lahat. Ang sabi ng doktor, may mga bata daw talaga na kagaya ko. Kahit ako mismo, hindi ko alam kung bakit di ako umiiyak.
YOU ARE READING
LOVE, 'till then
RomanceLife was really unfair. Kung kailan alam mo na kung anong gusto ng puso mo, dun pa hindi sasang ayon ang mundong ginagalawan mo. That's when Allenie accepted the fact that she fell in love with her mysterious savior named Xavier. Kayang kaya na nyan...