Rian's POV
"Matagal ko nang gustong malaman mo
Matagal ko nang itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila
Pwede bang bukas na, ipagpaliban muna natin 'to
Dahil kumukuha lang ng tyempo Upang sabihin sa iyo
Mahal kita pero 'di mo lang alam Mahal kita pero 'di mo lang ramdam Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan""Rian, kaunting awa, pakihinaan mo naman ang speaker mo" sigaw ng kaibigan kong si Jonel.
Malapit ng matapos ang school year. Pero nasa school pa rin kami para sa clearance at ito na ang ikaapat na araw na pumunta ako sa school. Actually tapos na ang graduation at kailangan nalang namin ay matapos na ang aming clearance at makuha ang aming mga cards.
Pagod na pagod kami ng kaibigan ko sa kakaladkad at paghahanap ng mga teachers namin na hindi namin alam kung saan lupalop ng school nakatago. Di naman sila nagtatago, di lang talaga namin sila makita. Siguro dahil halos lahat ng studyante ay kailangan magpasign ng clearance para makuha na ang cards nila, lalo na sa aming mga graduates.
Kaya ito kami ngayon ng kaibigan kong si Jonel, nakaupo sa bench, sa ilalim ng malaking kahoy. Dinala ko ang speaker ko dahil naisip ko rin naman na magsusummer na, wala naman sigurong magagalit kung maglakad-lakad ako dito ng may dala-dalang speaker.
"Rian, sabi ko pakihinaan ang speaker mo. Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga college students dito.---"
"Mahal kita kahit 'di mo lang alam, oh oh woh"
"May mga bench naman doon sa area natin!" sigaw ulit ng kaibigan ko.
"Alam mo kanina ka pa sigaw ng sigaw. Magkalapit lang tayo" sigaw ko rin sakanya at pinakita ang distansya namin.
"Eh bakit sumisigaw ka rin ha?! Pakihinaan speaker mo, please!"
"Oo na!" Sumimangot ako at pinahinaan ang speaker ko. Tumitingin ako sa paligid at may napansin akong taong nakaagaw ng atensyon ko.
"Nga pala Rian, di mo pa sinabi sa akin kung anong kukunin sa college. Ano bang gusto mong kukunin sa college?" Napaisip naman ako sa tanong niya. Kapag sinagot ko ang tanong niya, baka yun rin ang kukunin niya. Hindi pwede
"Matagal ko nang gustong sabihin 'to Matagal ko nang gustong aminin sa 'yo
Sandali, eto na at sasabihin ko na nga Ngayon na, mamaya o baka pwedeng bukas na
Dahil kumukuha lang ng bwelo Upang sabihin sa iyo""Siya!" turo ko sa lalaking nakaagaw ng atensyon ko kanina. Outsider ata to, di naka suot ng ID ng school. Tumingin naman si Jonel sa taong tinuro ko. Tumingin naman sa amin yung lalaking tinuro ko ng nakasalubong ang kilay at bumalik ulit sa librong binabasa niya. Lakas naman ng pandinig nito. Ang layo kaya namin, kahit parallel ang pwesto namin. Bali may daan sa gitna namin at malaki-laki rin yun. O baka malakas lang talaga boses ko.
Nagkatingan naman kami ni Jonel at nagbubungisngisan kami ng tawa.
"Palabiro ka talaga. Pero seryoso ano nga ang course na kukunin mo?" Bigla siyang sumeryoso at ang lungkot ng mata niya. Pinatay ko muna ang speaker. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin sa mata niya.
"Jon, kung anong gusto mo maging, yun ang kukunin mo. Makakaya mo yun, wag kang magpadala sa takot na nasa isip mo. Hindi ka pa rin naman mag-iisa, parehas pa rin naman tayo ng school, nandito pa rin naman ako, si kim at yung mga kaibigan natin. Nandiyan rin ang parents at ate mo na sumusuporta sayo. Ang kailangan mo lang ay maniwala ka sa sarili mo, dahil kaya mo, kayang kaya mo." Parang tutulo na ang luha, kaya niyakap ko siya.
"Syempre kaya yan ni, Joneeeellll" bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa taong nagsalita.
"Kim!" Tumakbo si Jonel kay Kim at yinakap ito.
YOU ARE READING
THAT ONE SUMMER
Teen FictionLahat tayo ay may nagugustuhan. Ito man ay isang pelikula, musika, bagay, hayop at tsaka syempre tao. Uso ngayon sa kabataan ang pagkakaroon ng crush. Sabi ng iba, kapag hindi ka nagkaroon ng crush, di ka daw normal? May mga taong walang crush. Ma...