NASUNDAN KAMI

14 0 0
                                    


Bagong storya para sa bagong bahay ..

Umalis kami sa dati naming inuupahan para makitira nalang sa mga tita ko dahil nag sialisan na yung kasama naming umuupa sa apartment .(Ayeen,Jiro,haymes. Kung dati ka ng nakabasa ng mga kwento ko kilala mo sila)isang Linggo na ang nakakaraan simula nung dumating kami sa bahay ng tita ko .naging maayos naman ang lahat nawala yung takot at kaba ko na baka May magpakita na naman o magparamdam na naman saking multo .
Isang gabi pagdating ko sa bahay galing sa trabaho .sabay sabay kaming kumakaen ng hapunan nung mag nanay( kasama namin sa bahay caretaker ng bahay) ng biglang magkwento yung nanay ..

"Alam mo kaninang madaling araw mga bandang alas 3 bumaba ako para umihi iniwan ko si jazz tulog na tulog" sabi nito .

"Oh tapos?" Sagot ko

"edi nung pag upo ko halos kakalabas lang ng ihi ko bigla kong narinig si jazz tumawag ng MOMMY!!!  Edi sumagot ako  sabi ko SANDALI LANG NAG CR LANG SI MOMMY"

Ako tahimik lang nakikinig..

"Edi nag madali nako kase gising na siya e baka kung napano tapos pag bukas ko nung pintuan walang tao edi isip ko ambilis naman umakyat non sa taas edi umakyat na din ako .kaso pag pasok ko ng kwarto SI JAZZ NAKAHIGA TULOG NA TULOG . Kinabahan nako .kase rinig na rinig ko tinawag niya ko e ang lapit nga nung boses kaya sabi ko hinanap talaga ko kase bumaba pa ayun medyo natakot lang ako kase rinig na rinig ko talaga e."

"Hala ka ateee sabi pa naman nila pag ganun wag sasagot pag di mo nakikita kausap mo kase parang nag-iimbita ka daw ng multo kase nasagot ka"  sabi ko .

This time siya naman yung di umimik . Tinuloy namin yung pagkaen namin hanggang sa matapos kami kumaen .habang nag huhugas ako ng pinagkainan namin at siya naman e nag pupunas ng lamesa . . 

"ate mahal na  mahal mo talaga si jazz no . Anlaki laki na pero hinehele mo pa din"

Napahinto siya sa pag pupunas sabay tinanong ako kung anong hinehele sinasabi ko ..

"Nag CR kase ko sa taas nung nakaraan diko alam anong eksaktong oras pero naalimpungatan lang ako baka hating gabi na din non .tapos nung palabas nako narinig ko May nag huhumming yung parang nagpapatulog ng bata .e diba ung CR sa taas tapat non kwarto niyo kaya naisip ko na mahal na mahal mo talaga si jazz kase hinehele mo pa bakit hindi ba makatulog? "

Di ko inaasahan yung sagot niya sakin na nakapag pa kabog talaga ng dibdib ko ..

" Hindi ko naman hinehele yan saka hinahayaan ko lang siya makatulog mag isa magkatalikuran pa nga kami matulog e kaya hindi ako yung narinig mo .Ilang taon kaming nakatira dito na kaming dalawa lang ng anak ko pero wala naman kaming na-encounter na ganyan baka kayo ang May dala niyan galing dun sa inalisan niyong apartment baka sinundan kayo dito ..

NANDITO NA SILATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon