Welcome to my life

16 0 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------

Authors Note:

Gosh. Tagal ko na pala 'tong naiwanan na story na 'to. Hahahaha. Di ko na kasi maaccess and tinamad nadin ako magsulat. Wala naman kasing nagbabasa.

At dahil, wala din naman akong pasok ngayon. Napadpad nanaman ako dito. Tadaaaaa...

As I said, i'm not a pro kaya please bear with me, again.

Kamusta kana? Advance merry christmas! :D

---------------------------------------------------------------------------------------------

Cy's POV:

At dahil weekend naman ngayon. Chill lang muna siya. No pasok means no ligo. Ayan tayo eh. Hahahahahahaaha. Lam nyo yan.

Habang linalantakan ko ang breakfast na dala ng lalaking 'yun di ko mapigilan malungkot.

Hay.. Eto nanaman ba tayo, Cy? Kakain lang mageemote ka nanaman dyan.

Di siya sanay kumain ng breakfast or kung kinakailangan ay iniiwasan niya talagang gumising ng maaga. Akala nyo katamaran ko lang o pagiinarte?

May mas malalim kayang dahilan.

Kung alam nyo lang lahat ng nangyari at nangyayari sa buhay ko. Di siguro nyo ko pangdidirihan.. 

Hay puta. Tumigil ka nga. Ayan ka nanaman eh. Ano bang meron sa itlog at hotdog???

Ba't naiiyak nanaman ako.

Lintik na buhay 'to.

Ang sarap ipagsasampal ng itlog na 'to sa mukha ng lalakeng nagdala nito sakanya.
Napabuntung hininga nalang ako at walang ano ano'y natulala...

* flashbaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaack *

di pa sumisikat at araw ng nagising nanaman ako ng kalabog at sigawan malapit sa aking kwarto. walang ano ano'y tumayo ako agad at nagmadaling tumakbo para makita kung ano nanaman ang nangyayari sa kwarto ng Mommy at Daddy ko..

At yun nga... hawak hawak ng Daddy ko ang Mommy ko sa mukha na tila galit na galit nanaman. umiiyak si Mommy habang nagmamakaawa na bitawan siya habang umiiyak.

At dun na ako nagsalita at biglang pumalahaw ng iyak..

na agad namang narinig ng dalawa.

Nagulat si Daddy at walang ano anong tinulak si Mommy sa sahig at mabilis na dumulog saakin at kinarga ako papuntang kwarto ko.

Daddy: Oh baby, ba't gising kana? Wala pang 5 o'clock. You should still be in your bed. It's way too early for you.. Let's put you again to bed, okay?

Sabay halik at yakap saakin. Mahal na mahal ko ang Daddy ko. Siya lang naman kasi ang nagpapakita saakin ng affection simula ng magkaisip isip na ako.

At dahil sa mura kong edad wala akong nagawa kundi tumango nalang at sumunod.

Ng magising ako ulit nagulat ako nung nakita ko ang Mommy ko sa kwarto ko.

Mommy: Get up, you piece of shit!! Don't make me drag you out of bed.

At dali dali naman akong sumunod dahil ayokong masaktan ng sarili kong Ina.

Sa edad na 6 na taon sanay na siyang magsinungaling tuwing kinakamusta siya ng Daddy niya. Di nya sinasabi lahat ng kasamaan na ginagawa ng sarili niyang Nanay sakanya.

Di niya nga alam kung kelan pa nagsimula pero simula ng nagkaisip siya ganun na ang kinasanayan niya.

Marunong ang Mommy niya kung saang parte ng katawan niya siya dapat palunin at wag paluin. Konting bagay na mali niya ay may parusa agad.

Naalala nya nung nabasag yung favorite na baso ng Mommy niya. Ikinandado siya ng Mommy niya sa closet nito ng buong araw. Kung hindi pa dumating ang Daddy niya ng gabing yun di pa siya nun palalabasin.

Di rin siya kumain nun. At sa sobrang kapaguran niya kakaiyak dahil sa takot ay agad siyang nakatulog noon.

Maraming beses nangyari sakanya ang ganoon.

At habang patagal ng patagal...

Palala ng palala ang ginagawa sakanya.

Hanggang sa makita ng Daddy niya ang mga pasa niya sa katawan.

Halos mabingi siya nun sa sigawan sa bahay. Galit na galit ang Daddy niya sa Mommy at tinanong lahat ng kasambahay nila kung may alam ba sila sa mga pinaggagawa ng Mommy ko sa akin.

Lahat sila nagsabi ng oo pero sa takot daw nila kay Mommy ay walang naglakas loob na magsumbong.

At dun na nga nagsimula ang kalbaryo niya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boyfriend kong Baduy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon