Mahal ko siya. . . pero hindi na pwede.
Mahal ko siya. . . pero may mahal na siyang iba.
Mahal ko siya. . . pero torpe ako.
Mahal ko siya. . . pero hanggang tingin na lang ako sa malayo.
Habang may kasama siya iba. . .
Habang ang saya-saya niya kasama ang mahal niya.
Kung sana hindi na lang ako naging torpe, baka may pag-asa pa ako. Kaso, wala eh. Naiinis ako sa sarili ko. Nasasaktan na ako sa mga nakikita ko pero, binabantayan ko parin siya, pilit kong pinapanood sa malayo habang masaya siya sa iba.
Natatakot lang kasi ako, baka masamang gawin sa kanya yung lalaki. Nakaaway ko pa naman yun.
Umiwas ako sa kanya, simula nung nalaman kong mahal ko na pala siya. Ayoko kasing masira friendship namin.
Pero. . . mukhang mali yung desisyon ko.
Sana pala, di ko na lang siya nilayuan kahit na, mahal ko na siya.
Kasi, sa nakikita ko galit siya sa akin. Oo, galit siya ramdam ko yun.
Nasa huli pala talaga ang pagsisisi ano? HA-HA-HA.
Pero kahit na nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon, wala paring magbabago sa feelings ko para sa kanya.
----
omf- so lame ;;
hahaha, unang beses kong gumawa ng one-shot lol. ;;-xx.