kabanata:7

0 0 0
                                    

Well

ELYN INEZ POV


N:elyn inez
A:17
S: F
B-d: aug,23,2003
B-r: student



isang babae patay umano nang gahasain nang sarili nitong guro,nakita ang bangkay nito sa isang cr na nakahandusay na may patalim sa dibdib At hubad.


"ay!sus maryusep!grabe namang ka brutal ang pagpatay!!"

Matalim ang titig nito sa t.v at napapadyak sa galit.


"oh!elyn...Kaya mag ingat ingat kayo sa school nyo kahit sa daan dahil di nyo alam ang mangyayaari sa buhay nyo!!"pangaral ni mama.


"ano ba yan!"bulong ko sa sarili.

nilalagyan ko ng plastic cover ang lahat ng notebook ko may mga kulay na rin ang bawat isa,at may nakasulat na bawat subject.

"elyn!narinig moba yung sinabi ko!?"

"opo ma!"


nakakainis naman si mama.Pag nakakapanood ng balita na may patay lalo na kapag student na tulad namin mag yayawyaw na yan.


hinde ko ba alam kung bakit ganyan yung mga magulang bigla ka na lang sisigawan kahit wala ka namang ginawang masama.Ok, lang sana kung pa-menopause na siya maiintindihan ko pa!.


Napatawa ako sa iniisip ko.

"Andito na po ako!!"

"kuya!"

Nagmano si kuya elo kay mama tapos nun ay binatukan niya ako.Ganyan lagi ang pawelcome niya sa akin.

"aray!"


"elo,Kumain kana anjan ang pagkain sa hapag."


Tumango si kuya at bumalik na si mama sa upuan para manood ulit ng t.v.


Binigyan ko ng pinggan si kuya at nagsimula na itong kumain.

"elf!"

"elf!!"

"ANO!"iritado kong sagot.

"hahahahaha!ang pangit talaga nang kapatid ko."lalo lang ito tumawa.Mabilaukan ka sana!.


Maya-maya lang ay nabilaukan nga ito.ako naman ang napahalakhak sa tawa hinde ko tuloy natapos yung ginagawa ko dahil sa pagbuga niya nang tubig.

umakyat na ako nang natapos kona lahat ng gawain sa ibaba.Walang bituin makulimlim ang gabi,biglang kumulog nang malakas at napahiyaw si mama na dinig dito sa second floor.

unti-unting bumuhos ang ulan hanggang sa lumakas ito.Naawa naman ako yenn siguro hanggang ngayon umiiyak yun.Bakit ba kasi takot na takot siya kay chele,ano bang merun sa kanya na kung bakit ganun na lang katakot si yenn sa kanya?.

Humiga na ako sa kama at marahang ipinikit ang mata.

Kinabukasan nagluto ako ng agahan 5:20 na,6:30 ang pasukan,7:00 naman ang umpisa nang klase.Maaga lang ngayon dahil general assembly.

Nauna nang umalis si kuya elo pumunta na si mama sa paluwagan niya.Wala na si papa,namatay siya dahil sa sakit, si kuya na lang ang bumubuhay sa amin.

pagkatapos,nagsimula na akong lumabas ng bahay at ni lock ang pinto.May duplicate naman si mama Kaya mabubuksan nya ito.Naka lagpas na ako sa iskinita ko nang nakita si sina yenn at jeca.


wild classWhere stories live. Discover now