Chapter 2-WHAT THE HELL?!!

39 0 0
                                    

The previous:Paliko na ko at malapit na sa mansyon ko ng biglang....WHAT THE HELL?!

May apat na lalaking humarang sa dinadaanan ko.Well hindi ko sila matatawag na goons dahil hindi naman malaki ang katawan nila na parang mga bouncer.Katamtaman lang.Pero may kutob na ko na ako ang lalapitan nila dahil nag-iisa lamang akong naglalakad.

"A-ano ka-kailangan niyo?"nanginginig na sabi ko.

"Miss kailangan mong sumama sa amin"Natatakot ako.Wala naman akong inaagrabyadong tao.Pangako hindi na ko maniningil ng malaki sa mga pinapagawa ng mga kaklase ko buhayin lang ako ni lord.

"Hu-huwag kayong lalapit!Waahhh!"Bago pa ko makatakbo ay hinawakan na ko ng dalawa sa magkabilang braso.

"Oopps!!not so fast missy.."sabi nung nasa kaliwa ko.Infairness ang gaganda ng kutis nila para maging isang kidnapper lang ha.

"Pasensya na po ate napag-utusan lang kami"sabi naman nung nasa kanan ko at medyo nakayuko pa.Tapos ang hina pa ng boses niya.Aba mahiyain siya.Hindi bagay para sa isang taong gagawa ng masama.

"HOY BITIWAN NIYO KO!!SAAN NIYO KO DADALHIN?!"

"Sa langit miss..sama ka?"sabi nung isang lalaki sa harapan ko na hinawakan pa ang baba ko.He wink on me and his voice is very playful.

"Gusto mo paliparin kita papunta dun?!"sagot ko.Naramdaman ko namang humigpit ang hawak niya sa baba ko.

"Hoy tara na!Hands-off Ronn.Baka malintikan tayo kay Black Rose.Nakalimutan mo na ba ang pinag-uutos niya?"sagot nung isa pang lalaki na nasa likod ko.Masyadong seryoso ang boses niya at hindi ko pa malalaman na nasa likod siya kung hindi siya nagsalita.Nakakainis!!Paano ako makakatakas kung pinalilibutan nila ko?!Pilit akong nagpumiglas pero lalo lang hinihigpitan nung dalawa ang hawak sa braso ko.Ramdam kong mamumula to.Tsk.No choice kundi....

"HELP!!!SOMEBODY HELP ME!!!!"nagsisisigaw ako.Agad tinakpan nung lalaking humawak sa baba ko ang bibig ko.

"TUMAHIMIK KA NGA!HINDI KA NAMIN KIKIDNAPIN!GUSTO KA LANG MAKITA NI BLACK ROSE!"

Ano daw?!black rose?!ang baduy!sino naman yun?!ha!Ako pa niloko nila?!Nakaisip ako ng paraan para makatakas.Nakita ko na padaan si Manong Gil.Tumango ako para makumbinsi sila na tatahimik na ko.Pagkabitaw niya ng bibig ko ay muli akong sumigaw.

"Manong Gil!!!Tulungan mo ko!!!May masamang balak ang mga lalaki na to!!!"agad napalingon si Manong Gil sa kinatatayuan ko.

"Hoy!!Saan niyo dadalhin si Keith?!!Bitiwan niyo siya!!"sigaw ni Manong Gil na dinuro-duro sila.Mabilis siyang naglakad patungo sa direksyon ko.Ngunit bago pa siya makatawid ay biglang nagsalita ang lalaki sa likuran ko.Yung lalaking masyadong seryoso ang boses.

"Pasensya na miss sa gagawin ko.Ngunit kailangan talaga"

Then everything went black.Bago ako mawalan ng malay naramdaman kong umangat ang paa ko sa lupa.

*******

"F*ck all of you!!Ang tatanga niyo!!You've got the wrong person assh*les!!"

"Pe-pero black rose.Ang sabi mo lang naman ay mahabang buhok na blonde at blue ang mata"

"Sumasagot kapa Jaycee?!sinasabi mo bang ako pa ang may kasalanan ng kat*ngahan niyo?!!Want me to beat the hell out of you?!!"

"Sorry po black rose"

"The damage has been done black rose.Hayaan mo na"

"Isa kapa Oswel.Pero tama ka.T*ngina naman kasi!ANONG GAGAWIN KO SA BABAENG YAN?!!HINDI NAMAN SI ARCIE YAN!"

Ano bang ingay ingay yun?!!Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.Una kong nakita ay isang...........

Ang Trending na word ngayon:WALANG FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon