Agos 1

41 1 2
                                    

AGOS

"Ang Munti kong Kaibigan"

SEQUENCE 1

3 Batang naglalaro naghahabulan sa maraming Puno na Malapit sa may sa ilog (2 lalake at isang babae).

LARA: Sana Hanggang Paglaki natin magkakasama parin tayu.

IVAN: Oo naman! Solid kaya tayo

JAKE: Forever na magkakaibigan... at walang iwanan

Sabay sabay na sisigaw ng "SOLID" at mag aapear at tatakbo papuntang Ilog na nakangiti at Masaya

SEQUENCE 2

Nakaupo sa may Tabing Ilog si Jake tumutogtog ng Guitara at kumakanta Habang Paparating Ang Mga kaklase niya (teenager na Jake ang Gaganap)

JASMIN: Anong drama nanaman iyan Jake?

CARLO: OO nga Pare napaka Senti mo naman.

JAKE: Alam ninyo ang OA ninyo! (napatawa siya)

MICHEAL: Loko Loko (sabay palo sa likod ni Jake)

SEQUENCE 3

Magkasama si Lara at si JAKE namamasyal malapit sa Dalampasigan. Masaya Naghahabulan malambing at parang may nabubuong Matamis na mga tinginan. Naglalaro sa may tubig na parang mga Bata.

At habang nakaupo sa may gilid ng Dalampasigan

JAKE: Lara may sasabihin sana ako sayo eh! (sabay hahawak sa kamay ni Lara at Titingin ng Matamis)

LARA: Ano yun Jake!

JAKE: Lara nakakahiya eh.

LARA: at ngayon ka pa nahiya.

JAKE: Mahal na kita! Di ko alam kung papaano pero bigla ko nalang naramdaman.

(napatawa at biglang natahimik si Lara)

JAKE: Ano? Baket ka natawa?

LARA: Jake gusto rin kita.

JAKE: Di Tayo na (Nakangiti)

LARA: Oo Tayo na Jake

JAKE: Yes! Kami na ni Lara (pasigaw na sinabi at napatalon sa tuwa)

SEQUENCE 4

Sa Bahay nila Ivan

XIAN: Kuya Tanghali na Gumising ka na kaya diba magkikita pa kayo ng mga kaibigan mo? (inuuga at pilit na ginigising ang kapatid)

Mag-uuntat at paunti onting tumayo si Ivan

IVAN: Anong Oras na?

XIAN: 9:30 na kuya

IVAN: hay! (sabay kamot sa ulo)

SEQUENCE 5

Sa may Park hinihintay nila Jake at Lara si Ivan

JAKE: antagal naman ni Ivan ang ganda ng usapan 10 magkikta kita na eh..

LARA: Hayaan mo na Babe baka nalate nanamang nagising! Alam mo naman yun. Di ka na nasanay.

JAKE: Hay makakatikim talaga sa akin iyong Mokong na iyon.

Sabay napatingin si Lara sa may gilid at nakita niyang paparating na si Ivan

LARA: ayan na pala siya eh!

IVAN: sorry guys nalate ako.

JAKE: ok lang pare (sabay akbay sa kaibigan) ikaw naman sasagot ng pagkain nating ngayun diba!

IVAN: hay nako! Ano pa nga bang bago!

JAKE: Ang bago pare kami na ng Bestfriend natin

IVAN: huh! (nagulat) kayo na ni Lara

LARA: Oo Ivan Tama yung narinig mo!

IVAN: nako! Nako! Umayos kayong dalawa sigurado ba kayo sa mga ginagawa ninyo?

JAKE at LARA: Oo naman (sabay napangiti at nagtinginan ang dalawa)

SEQUENCE 6

MARIE: ano ba iyan magkakaroon ka na nga ng kapitbahay yung mang-aagaw pa ng asawa! (malakas na sinabi na may parang pinariringgan)

ISAY: nagpaparinig ka ba Marie huh (maangas na nagsasalita parang naghahamon ng away)

MARIE: natamaan ka ba?

ISAY: walang hiya ka talaga (lumapit kay Marie at nagsabunutan ang dalawa at maraming kapitbahay na umawat sa dalawa)

Naglalakad sina Lara at si Mona habang nag-aaway ang mga kapitbahay nila

MONA: grabe na talaga ang panahon ano sis?

LARA: Oo nga ano?

MONA: Balita ko kasi sis Kabit daw ni Manong Celso si Ate Isay.

LARA: hay! Buhay nga naman eh noh!

MONA: kaya ikaw sis alam mo na! baka may babae ang Boyfriend mo.

LARA: hindi magagawa sa akin iyon ni Jake noh! Mahal niya ako at hindi ako lolokohin ng mokong na iyon.

MONA: talaga lang huh!

At maglalakad patungo sa kanilang mga bahay

AGOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon