Prologue

157 29 69
                                    


"Sure ka na ha?" inis kong binalingan ng tingin si Prime.

"Ano ba? Paulit-ulit ka naman eh!"

Nasa condo ko kami ngayon. Nagaayos para sa pupuntahang concert namin mamaya.

"Baka kasi di ka na naman tumuloy. Sayang ticket pre. Last year noong nagconcert sila, pinaghintay mo ko ng tatlong oras tapos magtetext ka lang na masakit tiyan mo? Rason mo bulok!"

"Okay, alam kong mali ako doon. I'm not ready at that time. Pero ngayon, tutuloy na talaga ako" sabi ko habang habang pinapakulot ang buhok ko.

Ewan ko ba kung bakit kami nagpapaganda e imposible rin namang makita nila kami. Binigyan kami ng VIP ticket ni Kuya Arsen pero tinangihan ko. Hindi ko pa kayang makita siya ng malapitan. Natatakot ako...

"Aba, dapat lang! Kung hindi susunugin ko talaga yung album nila sa kwarto mo"

"Ang ingay mo bwesit ka" inis kong sagot sa kanya.

"Uy big fan oh" sinundot niya pa tagiliran ko. I rolled my eyes at her.

"Pero seryoso nga, ready ka na ba talaga? Hoy baka himatayin ka doon ah! Hindi kita tutulungan."

"Gaga! Huwag mo nga ako kulitin. Baka magbago pa isip ko."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Natakot siguro na di ako tumuloy. Napangisi ako.

"Sa tingin mo, ano reaksiyon siya kapag nakita niya ako?"

"Malay ko? Ako ba siya?"

"Sagutin mo kasi ako ng maayos!"

Ibinaba nya ang suklay sa lamesa at tinignan ako ng seryoso.

"Honestly, hindi ko alam. Pero sana naman magkausap na kayo. Closure, ganern. Tsaka baka nakamove-on na 'yon! Ang tagal na kaya non"

Umiwas ako ng tingin. Nakamove-on? Baka nga.

"Alam mo, kung gusto mo magmove-on, huwag kang maging duwag. Ano naman kung magkita kayo? Duh baka nga wala na 'yong pake sa'yo. Sarili mo lang pinapahirapan mo."

Di naman masakit

"Okay." Tumango ako.

"Huh? Anong okay?"

"Sa VIP tayo. Nasa cabinet yung ticket na binigay ni Kuya sakin"

Gulat siyang napatitig sakin.

"Hala nagpabebe ka pa. Papayag ka rin pala, bruha ka!"

"Pake ko ba? Pero sayang nga pala ticket na binili mo" pagtutukoy ko sa binili niya kahapon.

Galit na galit siya 'nung nalaman niyang hindi ko tinanggap ang ticket na binigay dapat sa'kin ni Kuya. Pero napagkasunduan na rin namin na tutuloy ako basta General admission yung bibilhin niyang ticket.

Pero tama nga naman siya. Limang taon na ang lumipas. Baka nga nakalimutan nako nun e.

"Okay lang! Basta tuloy tayo sa VIP! Namimiss ko na pagmumukha ni Arsen" pumalakpak pa siya habang sinasabi iyon. I don't know if she really likes my Kuya Arsen. She's my bestfriend but she's a total playgirl.

"Dalian mo! Malapit na mag ala sais!" Randam ko ang pagkataranta niya kaya hinawakan ko siya sa balikat.

"Ano ba? Parang mas kinakabahan ka pa ata sa'kin" Inalis niya ang kamay ko sa kanyang balikat. Ngumisi lang siya at lumabas papuntang kusina para daw uminom ng tubig.

"Dalian mo na!" rinig kong sigaw niya.

"Oo!"

I put my cellphone on my Gucci sling bag. Pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa salamin. I'm wearing a black chanel tube and red cargo shorts. Nakablack timberland boots din ako. Nakatali ang buhok ko pero pinakulot ko ang dulo nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pending Memories (Centrous #1)Where stories live. Discover now