JAEDON’S PERSONA:
Maaga akong nagising kasi tumawag cya…sino pa nga ba, edi si Cossette… istorbo talaga tong babaeng to kahit na kalian.pero cge na lang at least naging alarm clock ko cya ngayon…hehehehe..
“hello….” Sinagot ko yung tawag nya ng nakapikit..,masakit kaya sa mata yung ilaw ng phone.
“HOY!! ANDAYA MO HA??!! BAT SI BLAIR LANG YUNG SINABIHAN MO NA MAY BABAE NA PA LANG NAGKAGUSTO SA IYO AND TO THINK..,NAGKITA PA KAYO IN PERSON….DAYA MO TALAGA!!!!” sigaw nya sa phone.
Anong problema nya…kung makasigaw e parang nanay na pinapagalitan ang anak nya….hay naku…babae nga naman…
“bat ka ba nagagaglit?! So ano nman ngayon kung nagmeet na kami in person???di nman kita girlfriend para sigawan mo ako ng ganyan!” sagot ko…medyo nairita lang ako…
“so ganayanan na lang??!! itatapon mo na lang yung pinagsamahan natin dati…kala ko mag bestfriend tayong tatlo..,yun pala si Blair lang pala bestfriend mo…ako.., parang wala lang…parang..kakilala lang….” sabi nya tas nagbuntong hininga na lang cya… “kala ko close tayo…di pala…..YAN NAPALA MO COSSETTE..,SOBRANG ASSUMING MO KASI…!!” dagdag pa nya.,
Hay nako….mga babae nga nman…sobrang sensitive….at yang isa dyan….tsk! ang drama….
“oi..,galit ka?” tanong ko.
“ay., hindi..ang saya-saya ko nga…tingnan mo nga oh, abot tenga yung ngiti ko..” sagot nya.
AYYYYY!!! KAINIS!!! PILOSOPO TALAGA ANG ISANG TO!!!! TINATANONG KO NG MAAYOS, YUN YONG ISASAGOT..,TAMA BA YON?!
“ang drama mo talaga Cossette kahit kalian…oo na…alam ko mali ako kaya sorry na…wag ka nang magtampo jan…” pag-amin ko. ;d
“Masaya nga ako sabi ee..*sniff*hindi ako nagdadrama..*sniff*..” sagot nya.
"asan ka ba ngayon ha?pupuntahan kita." sabi ko sa kanya
"talaga?? seryoso?" sagot nya; masayang tono...pero agad nmang nagbago.."huwag na lang pala.."
"ee., Cossette nman eh, wag ka na ngang magtampo jan!! hindi ko lang nman sinabi sayo kasi......kasi...kasi masyado kang maingay at baka makalat 'to sa school ng wala sa oras.." wika ko.
"hindi nman ako maingay ah!" tugon nya.
"oo kaya at saka.....wag ka ng magtampo, di bagay sayo...baka magkakulubot yang cute mong mukha sayang nman.." ako.
"cute daw...chee!! HOY JAEDON, WAG KA NGANG MASYADONG HONEST DYAN..!!!" si Cossette.
"bakit ba???!! hindi nman masamang maging honest ah, lalo na sa bestfriend mo..." sabi ko nman.
"Joker ka talaga....hhhh...maliligo na ako...bye..," tugon nya.
"oii ba, Cossette, wag ka ng magtampo.----" hindi ko na natuloy kasi enend call agad nya...
Naligo na rin ako tapos nag bihis, kumain ng breakfast saka pumunta sa school, nilakad ko lang kasi malapit lang nman iyon sa tinitirahan ko at saka ayaw ko rin mgpahatid sa driver namin, nakakahiya, highschool na nagpapahatid pa??!!
Pagdating ko sa school, akalain mo nga naman, masyado pa palang maaga, kaya ayon, pumutol muna ako ng isang red rose sa Botanical Garden ng mga taga science club, wag nyo bigyan ng malisya ha?? pang peace offering ko lang to kay Cossette..
Medyo matagal rin akong naghintay dito sa labas ng classroom nila, san ba kasi yun? ang agang tumawag tas ang tagal makarating dito sa school?? haaiiiii...nakakahiya na ha?, pinagtitinginan na ako ng mga kaklase nya tas may mga binubulong pa... syempre yung rose tinago ko lang sa parteng likuran ko para di nla makita, baka akalain nilang manliligaw ako sa kakambal ng bestfriend ko na bestfriend ko rin...hahaha
BINABASA MO ANG
the last eve
Teen Fiction" I believe that GRAVITY is not the reason why people fall inlove.."