CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Reese's POV


Wake up, gorgeous!

Wake up, gorgeous!

Wake up, gorgeous!




"Haaay.. panibagong araw nanaman." nagising ako sa alarm ng cellphone ko.





Well, bakit ba ako nagising ng maaga? Oo nga pala. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Kakawalan ko lang ng trabaho kahapon because of bankruptcy. Atsaka pupunta rin kasi sa ibang bansa yung amo ko kaya wala na rin magmamanage sa business nila.





Bumangon na ako mula sa aking higaan. Binuksan ang bintana at suminghot muna ng sariwang hangin bago maligo. Kailangan kong makahanap ng trabaho ngayong araw. Ayokong habang buhay akong aasa sa mga magulang ko.





Kumuha ako ng white long sleeve and a black skirt. Nag-ayos ako ng aking mukha para naman maganda ako no.





Niready ko na ang aking sarili at bumaba na sa kusina namin para kumain ng almusal.





"Good morning sa napakaganda at sexy kong nanay at syempre sa napakapogi at macho kong tatay!" bungad ko sa kanila.





"Aysus! Ang aga aga nambobola ka na! O siya kumain ka na kasi kailangan mong magkaroon ng energy para matanggap ka agad sa pag-a-aplayan mo. Ano? Niready mo na ba lahat ng kailangan mo?"






Simple lang ang pamilya ko. Masaya at buo ang tiwala namin sa isat isa. Syempre sino pa bang magtutulungan kundi kami kami rin lang. Nag-iisang anak ako nila mama at papa pero kahit ganon never kong naramdaman na mag-isa lang ako kasi buong buhay ko nakasuporta silang dalawa sakin. "Hello tito! Hello tita!" pati na rin itong bestfriend ko. Si Mae.




"Hoy Reese! Ano na?! malilate na tayo sa appointment oh!" kahit kailan talaga napaka-ingay ng babaeng ito





"Eto na nga oh. Ready na ako. Sige na ma, pa. Alis na po ako." sa tuwing umaalis ako ng bahay nag-gogoodbye kiss ako sa mga magulang ko. Ang childish mang pakinggan pero oo. Kahit matanda na ako humahalik pa rin ako sa kanila sa pisnge.





"Itong mga batang to talaga. Mag-ingat kayo ha!" sigaw ng mama ko at nag-okay sign lang ako.





*KRINGKRING*

Stefan's calling....




Ako nga pala si Klarize Aria Clark, 26 years old. I have a boyfriend named Stefan. 2 years na kami and sa dalawang taon na iyon, hindi matanggal ang karibal ko. Yes, karibal. Hindi babae kundi ang sports niya. Isang triathlon athlete si Stefan kayat minsan ay nawawalan na siya ng oras sa akin kasi halos buong araw siyang nag-eensayo para mas lumakas ang katawan niya. Kailangan niya kasing kontrolin ang body weight niya kasi mabilis siyang tumaba.




"Reese, pasensiya ka na hindi kita masasamahan hindi pa ako tapos sa ensayo ko eh." pag-aalalang sabi niya.




"Ah, hindi. Okay lang kasama ko naman si Mae." ngumiti ako kahit hindi niya nakikita pero deep inside nalulungkot ako. Sanay na ako sa mga ganiyang excuse niya kaya okay nalang sa akin.




"Stefan!" rinig kong sigaw ng isang lalaki

"O siya. Magtraining na ako. Ingat ka diyan ha? Bye!"





"Ilovey---" hindi ko pa natapos sasabihin ko binabaan na niya ako.




Okay lang ito. Kailangan kong magkaroon ng mataas na energy para sa trabaho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Night Without StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon