Nasa labas palang ako ng room namin dinig ko na ang malalakas na kwentuhan,sigawan,at tawanan.
"Ehem"pekeng ubo ko pagpasok ng classroom.
Napatahimik naman silang lahat.Nagsiupo na agad sila at nakakabinging katamikan ang namayani sa paligid namin.Walang kahit sinong nagsasalita.
"Oh bakit kayo tumahimik tuloy nyo lang!"sigaw ko at dahil dun para silang mga nakawala sa hawla at nagsigawan agad.
"Hanep the best ka talaga president!"
"Whooooooo sigawan na!Party party!"
Napailing na lang ako at pumunta sa kinaroroonan nila Nicole.Maaga pa naman at wala pa ang aming teacher kaya eto sige ingay muna kami.Takot silang lahat sakin dahil isa kong gangster dito sa campus namin.Actually pati rin sila nicole, andriane at gerry.
"Sali naman ako sa usapan nyo."sabi ko ng mapansing nagkwekwentuhan sila.
"Oh andyan ka na pala Haisley kanina ka pa namin hinahanap eh tagal mo teh!"sarkastikong sabi sakin ni adriane
"Sorry naman traffic eh!Anu ba kasing pinaguusapan nyo?"tanong ko.Na curious ako eh.
"Isa itong laro na kung tawagin ay GAANO KA KATAPANG.So bubunot tayo dito sa mga crumpled paper then kung ano ang inyong mapili yun ang gagawin nyo.Dapat ipaalam sa bawat isa kung ano ang napili nyo.Ang makakagawa ng challenge magkakaroon ng ten thousand."sambit samin ni nicole.
"Wow interesting sali ako dyan."
"So let's start."sabi nya at shinake shake pa sa loob ng kamay nya.
Nagunahan naman kami sa pagkuha.
"Ok so bawal munang buksan. Nic gaano ka katapang?"sabay sabay naming tanong sakanya.
"Libutin ang buong mall habang malakas na kumakanta ng nursery rhymes.Huhu nakakahiya"nanlulumong sabi nya habang binabasa yung nakasulat.
"Gerry gaano ka katapang?"
"Magpanggap na bakla sa campus for a week.Fvck this is terrible!"
Natatawa nalang kami sa reaksyon nya pano ba naman kasi kilala sya as a casanova king.Maya't maya kasi yan kung makipag flirt.Minsan nga pinagsasabay sabay nya pa eh.
"Rian Gaano ka katapang?"
"Magbaliw baliwan sa stage.Gosh hindi ko kaya!"
Napatingin naman silang lahat sakin.
"Haisley Gaano Ka Katapang?"tanong nila sakin.
"Magpanggap na girlfriend nung nerd na si nash."shocks masisira ang image ko dito sa campus namin.Huhu ang malas ko!Sa lahat ng lalaki yun pa talagang nerd na yun.
Eh hindi nga namamansin yun.Tapos walang pake kahit binubully sya. Pero sayang naman yung 10k diba kaya gagawin ko na."Kaya?"Tanong ko sa kanila.
"Ayokooo!"sigaw ni nic
"No Freaking Way!"maarteng sagot ni rian
"Never i can't do that!"sagot ni gerry habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"I can do that!"taas noong sabi ko sa kanila.
"Are you sure?"tanong sakin ni rian.
"Yes I'm pretty sure "sagot ko sabay smirk.
Breaktime na namin kaya pumunta na kami sa cafeteria.Umupo na kami dun sa pwesto namin.Habang kumakain nakita ko si Nash yung nerd nasa isang sulok kumakain.
"Lapitan mo na."sabi sakin ni nic.
Nagpakawala muna ako ng malakas na buntog hinga at lumapit na ko.
Nagulat sya nung bigla ko syang inakbayan.Napatingin naman samin lahat ng tao dun sa cafeteria.
"Hoy!Makinig kayo sakin.Wala ng pwedeng mambully sakanya dahil boyfriend ko sya.Alright?"tanong ko sa kanilang lahat.
Nagulat naman sila sa sinabi ko samatalang yung katabi kong si nerd naman walang pake.
Dali-Dali namang nagtanguhan lahat ng tao dun.
Bigla naman akong hinila ni Nash palabas ng cafeteria.
"B-Bak-Bakit m-mo g-ginawa y-yun?"nauutal na tanong nya.
"Gusto ko lang."sagot ko
"Sigurado ka ba dyan sa ginagawa mo?Kaya mo bang panindigan yan?"tanong nya sakin.Kaya tumango na lang ako.Wow himala ngayon di na sya nautal.
"Girlfriend kita?hindi pa nga kita nililigawan eh."inis na sabi nya.
"So?Edi ligawan mo ko do whatever you want baby."nakangising sabi ko namula pa sya nung tinawag ko syang baby.Tumalikod na ako at naglakad papalayo.
Lumipas ang ilang araw at naging close kami sa isa't isa ni nash.Hindi ko nga alam pero parang ngbabago na yung ugali ko dahil sakanya.At ang kinakabahan din ako dahil pakiramdam ko nahuhulog nako sakanya.Sinabi ko na din sakanya na dare lang yung pagiging girlfriend.Kalat na rin sa campus yun.
Kinabukasan pagpasok ko andaming taong nagkakagulo. Maski yung mga girls nagsisigawan may iba pang kinikilig.Tinignan ko naman kung sino yung pinagkakaguluhan nila at halos malaglag yung panga ko dahil sa nakikita ko.
Nasa stage sya ngayon hawak ang microphone.Shocks bakit ang gwapo nya ngayon.
"Hi I just want your attention for a while.Meron kasi akong babaeng nagugustuhan actually dati ko pa sya gusto.Kaya lang hindi ko sya malapitan kasi napakatorpe ko at alam kong hindi nya rin ako napapansin dahil nerd ako.Pero dahil nandito sya ngayon maglalakas loob na kong sabihin sakanya yung nararamdaman ko pero kakanta muna ako para sakanya."nakangiting sabi nya.
"OMG ang swerte naman nung girl."
"Sana ako nalang!For sure ako yan. "
"Ang pogi mo Nash!!! "
"We love you nash!"
"Gosh Feeling ko ako yung girl na nagugustuhan nya. "
Grrr.....Parang gusto kong itusta itong mga babae sa tabi ko.Nakakagigil sila ah.
"Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo"nakatingin lang sya sakin habang kumakanta sya."Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko""Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako"Nagtilian at nagpalakpakan naman ang lahat pagtapos nyang kumanta.
"Haisley!Gusto kong malaman mo na ikaw yung babaeng nagugustuhan ko kaya nga sobrang thankful ako nung kinausap mo ko.Alam mo bang matagal ko ng pangarap mangyari yun."Bumaba naman syang stage at nilapitan ako.Nagtilian na naman lahat ng tao sa paligid namin.Ako namang sobrang lakas ng tibok ng puso ko at aaminin kong kinikilig din ako."
"Haisley Gomez Can you be my girlfriend?"tanong nya sakin.
"Yes Nash Anderson I'm your girlfriend now."sagot ko.Bakit ko pa patatagilin eh mahal ko naman na sya.
Lumakas naman yung tilian nung mga tao sa paligid.
Lumawak naman yung ngiti nya at bigla akong niyakap.
"Thankyou haisley i love you and i promise na hinding hindi kita sasaktan."nakangiting sai nya.
"I love you too Nash!"sabi ko.
He grabbed my waist and gently kissed me on the lip.
End