Kabanata I: In the First Place ❤

19 2 0
                                    


"Sabi nila pag nahanap mo daw yung true love mo, hinding-hindi mo to pwedeng pakawalan. Kaya naman ganun ang ginawa ko kay Isabel. Si Isabel ang dyosa't anghel sa buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bawat ngiti nya, dahil ang mga ngiti nayan, ang bumago sa buhay ko. Una ko s'yang nakita sa tapat ng bahay namin, pero bakit parang kakaiba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Yung feeling na na-love at first sight ka sa kanya. Habang papalapit sya ng papalapit, ay mas bumibilis tibok ng dibdib ko. Bigla s'yang nadapa at gumulong yung dala nya papunta sa aking paa. Tumayo s'ya at sabay sabing..."


"Ay sorry po, di ko po sinasadya.." habang tumatakbo papunta kay John


Pinulot yung dala nya at binigay sa kanya tapos sabay sabing, "Dilim ka ba?"


"H-haaa???" sagot nya kay John habang nakakunot yung noo.


"Kasi simula nang dumating ka, wala na akong nakitang iba."


"Aysus! Iba ka rin anooo !" nakangiting sagot nya kay John.


"Bago lang kayo rito?" tanong ni John kay Isabel.


"Aahh Oo, kakalipat lang namin" sabay turo sa bahay na kalapit lang ng sa kanila.


"Ahh teka, maiwan na muna kita" dagdag pa ni Isabel sabay kuha ng maleta at tumakbo papunta sa kanila.


"Teka muna!" 


"Bakit?" sabay lingon sa kinatatayuan ni John.


"Ahh, wala hehehe 😊


"Ahh, HAHAHA 😂. Salamat nga pala at... sorry ulit. Byeee!" 



Tila panay ang tingin ni John sa tapat ng bahay nina Isabel. Alas 7 ng umaga, saktong nagjo-jogging si John ay tila napansin nyang nag-iisang naka-upo si Isabel sa tapat ng kanilang bahay... kaya di na s'ya nag-atubiling puntahan iyon...



"Ahhh miss, Password ka ba? 


"Huhh?...Bakit?" tugon nya habang nakakunot ang noo.


"Kasi di kita kayang ipagkatiwala sa iba" sabay kindat at takbo papalayo.



Kahit anong pick-up lines nalang ang sinasabi ni John sa kanya para lang sila ay magka-usap. Para na s'yang baliw kakaisip kay Isabel. Yung tipong pati sa pagtulog ay kasama parin hanggang sa panaginip. Pati nga mga stolen pic ni Isabel ay iniipon pa nya sa kanyang gallery. Habang sumisilip si John sa bintana ng kanilang bahay...


"Puntahan ko kaya s'ya at tanungin kong anong pangalan nya. Di ko kasi natanong pangalan nya dahil mukhang nagmamadali na s'ya" bulong ni John sa kanyang sarili habang nakasilip sa labas ng bintana at nagmumukmok.

ISABELWhere stories live. Discover now