More Than Friends

32 4 0
                                    

[Errors ahead]
Zed's PoV

"Hoy, Tama na 'yan. Tara na." Sambit ko.

"Eh bakit kasi hindi ka nalang tumulong? Patapos na din naman 'to." Iritableng tugon niya.

"Tinatamad ako. Saka wala na mga kasama mo oh? Tara na may practice pa kami." Pangungumbinsi ko.

"Tss.. fine! Oh, bitbitin mo 'yan." Utos niya sa'kin.

"Inuutusan mo ba ang gwapong tulad ko?" Pagbibiro ko.

"Oo. Bakit, may angal ka ba?" Kahit kailan talaga ay napaka angas niya.

Kung hindi kami napagkakamalang magkasintahan, natutukso naman akong alalay niya.

"Pasalamat ka talaga at kaibigan kita." Usal ko.

"Daming satsat! Pag natalo kayo bukas ililibre mo ako ah?"

"Hinding hindi kita ililibre?"

"At bakit?!"

"Dahil hindi kami matatalo." Natatawang pang-aasar ko.

"Yabang!"

Tinalikuran na niya ako at nagsimula nang maglakad.

Pumunta kami sa court. Iniwan ko muna sa kan'ya yung mga gamit ko dahil magpapalit pa 'ko ng jersey.

Siya ang nagre-request ng mga Jersey Numbers ko. Lahat daw ng numbers sa Jersey ko ay may meaning, pero never pa niyang sinabi kung ano.

Pagbalik na pagbalik ko, nakita kong kumakain nanaman siya ng paborito niyang siomai.

"Pahingi." Hindi ko na hinintay pa siyang sumagot at kumuha na ako agad.

"Zeeeeeeeed!!!" Bulyaw niya at sobrang sama nang tingin niya sa'kin.

Kilalang kilala ko na siya, business partners ang mga magulang namin kaya matagal na din kaming magkaibigan.

"HAHAHAHAHAHAH Sorry na!"

"Anong sorry na? Gusto mo bang mamatay ha?!"

"Pfft! Oo na, ililibre na kita mamaya." Nakita ko namang lumiwanag ang mukha ni Winter.

"Gan'yan dapat. Magkaron ka na nga don, hintayin kita dito."

Ako ang captain ball ng Volleyball Varsity namin. Kung tutuusin ay hindi naman ako magaling, sadyang mahal ko lang talaga ang sports na 'to.

Bukas na ang laban namin kung kaya't puspusan talaga ang training namin.

Matapos kaming magbabad sa training binigyan kami nang coach namin ng pahinga. Sinalubong ako ni Winter ng tubig at bimpo.

"Nuks! Ang tamis naman niyan!"

"Yoohooooo!"

"Aray may langgam!"

"Sunod sunod ang pang-aasar ng mga teammates ko.

"Gusto niyo bang mamatay?!" Maangas na tanong ni Winter sa kanila.

Tahimik lamang ako habang pinagmamasadan silang mag-asaran.

Noon pa man ay alam kong wala pa sa isip ni Winter ang mga ganitong bagay, ayaw kasi niyang pinag-uusapan ang mga ganito.

Kinabukasan...

Maaga akong nagpunta sa bahay ni Winter. Tanging siya at mga kasambahay lamang niya ang nandoon dahil nasa ibang bansa ang mga magulang namin.

More Than Friends (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon