There are 7.8 billion people in the world. Sabi nila, marami pa tayong makikilala at makakasama until we find the 'one' who is truly destined for us.
Pero bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit may mga tao pa rin ang umiiyak dahil sa tinatawag nilang 'Love'?
"Lola, do we really need to feel the pain in order to be happy?" inosenteng tanong ng bata na akala mo ay alam na alam ang ganung bagay.
Tinignan ito ng matanda at ngumiti, "Apo, if there's a way not to get hurt siguro marami nang tao ang sumaya. Mayroon sigurong 'happy ending' ang lahat kagaya sa fairytales na binabasa mo." napakaganda ng buong paligid na nakapalibot sakanilang mag-apo, payapa at maginhawa sa pakiramdam ang tirik ng napakataas na araw.
Umupo ang matanda na sinundan ng bata, marahang tinignan nito ang apo "Ang bukod na tanging mayroon lamang ay ang katotohanang hindi tayo mabubuhay at sasaya kung hindi dadaan sa sakit at kalungkutan" saad nito na tila ba'y naiintindihan ito ng bata.
"Pero apo ang pagmamahal ay parang pagsagot lamang iyan sa test, kailangan mong piliin ang alam mong tama– kagaya ng pipiliin ka rin kapag magmamahal ka na balang araw." hindi man lubos na naiintindihan ng bata pero sinserong nakikinig ito sa kanyang lola.
"Ang pag-ibig ay nakakabulag, huwag mong hayaan na magpa-uto at magbulag-bulagan ka dahil hindi mo mararamdaman ang tunay na kaligayahan sa piling ng taong hindi ka iniibig pabalik" pagpapatuloy nito at hinawakan ang maliliit na kamay ng apo.
BINABASA MO ANG
Chase Him
FanfictionLove is the most spectacular, indescribable, deep euphoric feeling for someone. There are two kinds of 'Love'- 'requited love' and the 'unrequited love'.