April 1996
Nakalahad ang kanang kamay. Madumi ito kung titignan at pandidirihan ng titingin ngunit ang kamay na iyon ay bagamat maliit ay pinagkakakitaan.
"Namamalimos po."
"Sige na po. Kahit barya lang po."
"Namamalimos po. Maawa na po kayo."Mga salitang kailangang kabisaduhin at bigkasin ng isang sampung taong batang babae.
May ilan namang nag-aabot. Ang ilan ay piso o kaya naman ay limang piso. Malaki na ang sampung piso para sa kanila. Dahil sa kumupkop sa kaniya, wala kang kakainin kung wala kang iaabot na malaki.
Habang ang karamihan ay payapang natutulog, siya ay nakapila sa hilera ng mga batang katulad niya ay namamalimos rin.
May ilang nakapag-abot ng malaki kaya naman may kakainin ang mga ito samantalang ang maliit ang naiabot ay titiisin ang gutom at maghihintay ng pagsikat ng araw para muling mamamilimos at umaasang malaki ang makukuha nila. Dahil kung hindi ay lilipas na naman ang gabi na hindi sila kakain.
Inilapag ng batang si Angela ang napalimos noya sa isang kinakalawang at may kataasang drum.
"Ito lang?" tanong ng babaeng nakatayo sa harap niya at masama ang tingin sa kaniya.
Sa paraang iyon ay alam na ni Angela na isa siya sa malilipasan ngayong gabi.
Hindi na nagawang sumagot ni Angela dahil biglang na lang dumapo ang mabigat ng babaeng kaharap niya.
"Kahit kailan ay wala kang silbi! Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit ka ibinasura ng nanay mo eh!" singhal nito sa batang Angela.
Dahil sa batang kaisipin ay walang ibang nagawa si Angela kundi ang tahimik na tumangis. Dahil iyon lang naman ay kaya niya.
"Hala sige! Pumasok ka d'on!" singhal muli nito saka siya hinatak sa isang kwarto habang may hawak na dos por dos.
Pagpasok sa kwarto ay hindi na mabilang ni Angela kung ilang beses tumama sa kaniya ang hawak ng babae. Kahit saang parte ng katawan niya ay tumatama iyon. Sa likod. Sa hita at binti. Sa braso at kamay. Maski ang ulo mukha niya ay hindi nakatakas sa hagupit ng dos por dos na hawak nito.
Tila ba bingi ang babae sa pag-iyak niya. Bingi ito sa pagmamaka-awa niya. Tila ba ay nasisiyahan ito sa ginagawa nito.
Hindi na alam ni Angela kung ano ang nangyayari. Namalayan na lang niya ang sarili na may hawak na matalim na bakal at basta na lang iyon itinarak sa kaharap.
Balot ng dugo ang maliit niyang kamay. Dahil doon bukod sa kahinaan ng katawan ay nawalan siya ng malay.
Iminulat ng batang si Angela ang mga mata. Unang tumambad sa kaniya ay isang puting kisame at sobrang liwanag ng paligid. Kailangan niya pa muling ipikit ang mga mata upang makakita ng maayos.
"You're awake." tinig ng isang babae.
Napabalikwas ng bangon si Angela. Matagal pa bago siya nakapag-salita. Tila ba anghel ang nasa kaniyang harapan dahil sa ganda ng babaeng nakatayo sa harap niya.
"Nasa langit na po ba ako?" inosenteng tanong niya.
"Sa ganda ng lugar na ito ay matatawag mo na itong langit."
"Talaga po?!" bakas ang kasiyahan na tanong ng bata.
Hindi na sumagot pa ang babae.
Ngunit nawala ang pagpapantasya ni Angela ng umalingawngaw sa pandinig niya ang sirena ng pulis. Agad siyang tumakbo palapit sa bintana at halos bumalik sa dating pwesto dahil sa taas ng kinaroroonan niya.
"Dahil sa pagpatay mo sa babaeng 'yon, hindi lang tauhan niya ang humahanap sa'yo pati ang batas ay hinahanap ka." wika nito na hindi niya namalayang katabi na pala niya.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa magandang babae.
Bumuntong-hininga ito at saka muling nagsalita."Nandito ka sa malayong lugar kung saan ay hindi mo maintidihan ang kanilang lenggwahe. Samantalang ang iyong ina ay nagpapakasarap sa pera at kayamanang hindi naman kaniya. Paano siya nakakakain at nakakatulog ng maayos kung gayong ang anak niyang babae ay binasura niya para sa yaman ng lalaking ang akala ay wala siyang anak?" mahabang sabi nito.
Malayo ang inilayag ng isip ni Angela. Nasa loob siya ng banyo at nililinis ang sarili na puno ng sariling dugo at dugo ng babaeng napatay niya. Habang naliligo ay muling naglakbay ang isip ni Angela sa sinabi ng magandang babae.
"Sumama ka sa akin Angela. Bibihisan kita at pakakainin. Bibigyan ng tirahan at marangyang buhay. When the right time comes to the end, you will be the heirs of the Velazquez Empire. Ikaw ang magmamana ng lahat ng ari-arian ko, Angela."
Tapos ng maligo at magbihis si Angela saka siya lumabas ng banyo. Paglabas niya ay isang mesa na may kahabaang ang naka pwesto sa paahan ng kamang hinigaan niya kanina. Puno ito ng iba't-ibang pagkain at lahat iyon ay masarap sa kaniyang paningin at pang-amoy.
"Mula sa araw na ito ay patay na si Angela...
May 2020
I am Victoria Maxine Velasquez and I am the Queen."
BINABASA MO ANG
Her Sweet Revenge
General Fiction"Let me introduce myself to you Mister. I am Victoria Maxine Velasquez. I am the Queen. I can own you weather you like it or not."