Mr. Assistant?

92 3 1
                                    

Kumuha si Jeli ng isang dyaryo at agad niyang tinignan ang classified ads.

" Teka, baka meron......... "

" Meron kaya???"

Wala siyang nakitang trabaho. Dumating ang nakakabata niyang kapatid na si Emily at agad binuksan ng TV. Pinalabas ang isang COMMERCIAL BREAK.

" Oy tignan mo ate Jeli oh!" sabay tawag ng kapatid niya.

Pumunta agad agad si Andy sa sala. Sabay napatingin siya sa TV.

" DI BA NAGHAHANAP KA NG TRABAHO?" pangiting sinabi ni Emily.

Tutok na tutok ang mga mata ni Jeli sa TV. Pinapanuod nila ang commercial ng presidente. Naghahanap yata ng mga LALAKING gustong magtrabaho para sa kanya.

" Ay sayang." sabay sambit ni Emily.

"OO nga eh, sayang! Bakit kasi lalaki lang ang kailangan? Marami na ba silang housemaid?" sigaw ni Jelli.

"Anu kaya Ate, rumaket ka diyan. Hmmm, magpanggap ka kayang lalaki para makapasok ka? Sayang yan ate, laki ng kita diyan!" sabay sabi ni Emily.

" ANO??! ANO AKO SI JOEY NG HANA-KIMI?!" sabay sagot ni Jelli sa kapatid.

"Bakit? Tignan mo nga sa HANA KIMI, nagawa ni Joey nang ilang buwan na manatili sa isang ALL-BOYS SCHOOL ng hindi agad agad nabubuking. Ikaw pa kaya sa itusra mong iyan." 

"Well, oo nga, sa bagay .... Pero .... Mabuking kaya nila ako agad? Natatakot ako eh."

" Shunga ka?! E di syempre wag ka magpabuking. Kaya nga itatago di ba? O kung matapang ka, lumantad ka kaagad." pinilosopong sagot ng kapatid kay Jelli.

Napatawa na lang itong si Jelli. Sabay sang-ayon sa kagustuhan ni Emily.

"Well fine, wala naman na din akong magagawa. Hirap na hirap na tayo sa buhay. Kailangan na din nating umahon sa buhay........

Pero dahil ikaw nagisip, ba't di mo kaya ako tulungang magmukhang lalaki?" tanong ni Jelli kay Emily.

" Sige ba! " biglang sagot ni Emily habang hawak hawak ang gunting.

At ayun na nga, syempre para magmukhang lalaki si Jelli. Ginupitan siya ni Emily. Wala namang lalaking ala- barbie yung buhok di ba? XD

Matapos gupitan ng buhok si Jelli, tinignan ito ng kanyang kapatid.

"ABA, okay na okay ah. Ang pogi mo ate!" 

 Agad-agad siyang tumungo sa opisina ng presidente para magapply. Pinagtitinginan siya ng mga tao habang siya ay nasa daan. Pumila siya sa pagkahaba-habang pila.

"Grabe ah, ang haba. ANG INIT! Nakalimutan ko pa ang pamaypay ko! Letse!" sambit ni Jelli habang naghihintay.

Maya-maya ay dumaan ang napakagarang KOTSE. Huminto ito sa harap ni Jelli. Lumabas sa kotse ang presidente at ang anak niyang si Terrence, na kagagaling sa paaralan. Napatitig si Jelli sa kanya.

"WOW. Ang pogiiiiiiiiii. Yan ba ang anak ng presidente na si Terrence Lee?" napaisip si Jelli.

Tinignan siya ni Terrence. Nagulat si Jelli at iniwasan niya ang pagtingin kay Terrence. Tumawa ng mahina si Terrence at sinundan ang kanyang ama sa kanyang office.

Mr. Assistant?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon