May 7, 2020 - 22:09

My thoughts are unclear right now.
I'm feeling this sadness.
Sadness that I dont know where it came from.
Why do I have to feel this way? Bakit ba ako nalulungkot? Bakit sa gantong oras pa?
Masyado na ba akong makasalanan para maramdaman ko ito? Nagsimula sayo. Dahil sayo. Dahil sa ginawa mo.
Tila ba ako ay nagiisa sa oras na ito. Wala ka na at di ka na babalik. Di ka na ibabalik sa akin ng mundo.
Nalulungkot ako. Tila ba may kabigatan sa aking dibdib na nais lumabas sa pamamagitan ng pag-iyak.

Nanunumbalik ang aking mga alaala. Ako yung tipo ng tao na di na iniintindi. Di iniisip. Walang nagaalala. Walang gusto kumausap. Masakit sa puso . Siguro ito ang dahilan kung bakit ko gusto umiyak sa oras na to. Napapaisip ako kung bakit ba mas kaunti ang pagmamahal na natatanggap ko muna sa aking magulang kumpara sa binibigay nila sa mga kapatid ko. Ito ba ay dahil sa malayo sila at andito lang ako sa tabi nila? Para akong nabubuhay sa isang bahay na na wala namang nakakakita at nakakakilala sa akin.

Suicidal thoughts. Again and again. Andito na naman si kamatayan sa aking tabi. Sinusundo niya na naman ako. Pinapaalala na wala akong halaga sa mundong ito.

Ako raw kasi yung tipo ng tao na kaya nang mamuhay magisa. Na walang kasama. Walang kaibigan. Kinakayang maglakad sa buhay na ito na walang kasama. Nararapat na magisa at hindi nirerespeto.

Bakit ba ngayon ka pa dumating? Kung kailan masaya ako sa buhay ko saka mo na naman ipapaalala na wala akong halaga sa mundo at sa pamilya na ito? Bakit mo ba kailangan ipapaalala sa akin ang bagay na ito kung araw-araw ko naman sila nararamdaman at hinahayaan ko na lang na lumipas ang oras.
Araw at gabi. Paulit ulit na lang. Wala na bang bago? Araw araw na lang ba na ipapaalala sa akin ito at gabi gabi na lang iiyakan ang mga bagay na ito na tumatakbo sa utak na ito?

"Di ka karespe-respeto na babae. " sabi nga nila. Tatlong taon. Tatlong tao ko nang naririnig ang mga boses na ito. Nagmula sa mga dating kaibigan na naging estranghero na lamang.

"Choosy ka pa, di ka naman maganda"

"Di ka maganda".

"Di kita mahal. Iba mahal ko"

"Ginamit lang kita"

"Arte lang yang depression mo"

"Pavictim"

Putangina.
Putangina ninyong lahat.

Di nyo alam kung ano nagawa sa akin ng mga salita na binitawan ninyo at hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin ako.

Pinaghirapan ko na makaalis sa estado na ito ngunit di ko alam na babalik rin pala ako.




Pinaghirapan ko ng ilang taon pero bumalik ito sa isang iglap lang.

Sacred Thoughts Where stories live. Discover now