Chapter 1

14 1 0
                                    


Mayu's POV

Nakakastress mag entrance exam, tapos di ka naman pala papasa charot. Kakatapos ko lang mag entrance exam and guess what? May nakasalubong akong ulupong na katabi ko kanina akala mo naman gwapo ang laki naman ng mata.

I was entering a new journey in my life which is college, sabi nila mahirap daw mag college specially kung hindi mo pa alam ang gusto mong tahakin sa buhay. Masyadong maraming options ang pwede mong kunin sa college and Im taking tourism. Yes, that's my personal choice. My parents wants me to be a lawyer but hindi ko talaga mahanap ang passion ko sa law.

And also my dad is a lawyer, I was actually thinking na sumunod sa steps ni dad pero di ko talaga keri, Oo magaling akong mangatwiran pero im bad at memorization. Kaya here I am taking tourism, una nga ayaw ni dad pero napilit naman siya ni mommy.

 This is reality, kapag ayaw mo sa isang course or feeling mo hindi ka magiging masaya sa tatahakin mong trabaho then wag mong ipilit. Kung sa tingin mo you will never find your passion at that job then don't push yourself.

Kapag kasi hindi mo makuhang maging masaya sa trabahong pipiliin mo, hinding hindi ka magsa-success sa part nayon. Oh diba ang dami kong alam, ayan ang sabi ng nanay ko sakin. My mothers side is a family of doctors while my dad is a lawyer.

I was enjoying the sun rays here at the quadrangle of my campus ng maramdaman kong mejo malilim na. Naisipan ko naming libutin ang campus na toh ng mapunta ako sa canteen at Nakita ko dun yung lalakig katabi ko kanina mag entrance exam. Nakaupo siya habang mukhanbg gutom na gutom na tinitignan ang pag kain niyang di naman niya ginagalaw.

Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya kinawayan niya ako, namukhaan niya atang ako yung katabi niya kanina. Ngingiti na sana ako at kakaway pabalik ng may lumagpas bigla saking isang lalaking katamtaman lang ang kulay, medyo matangkad ng kaunti sakin at may medyo singkit na mata.

Unti unting lumapit ang lalaki na yon doon sa lalaking katabi ko kanina, I'll call him kwago kasi ang laki ng mata. Shocks!! Ang assumera ko akala ko ako yung kinakawayan ng kwago na yun. But by the way hayaan na natin siya kaya pala pinaglalaruan ang pagkain hinihintay pala niya ang kasama niya.

Bumili ako ng Juice at ng tinapay bago ako bumalik doon sa tinatambayan ko kanina. As the time passed wala parin akong kakilala ditto bukod doon sa kwago at sa kasama niya. Malapit ng matapos ang break time at kailangan na naming bumalik doon sa room na pinagentrance exam naming kasi may interview pa daw na magaganap.

Umakyat na ako dun sa room kasi sa second floor lang naman siya, Pag dating ko doon ulit ako umupo sa upuan ko pero may babae ng nakaupo doon sa inuupuan ng kwago. Nginitian ko siya at nahihiya naman siyang ngitian ako pabalik.

"Hi" I said.

"Hello po" nahihiya niyang sagot.

"tourism ka din?" tanong ko sakanya

"Yes, ako nga pala si---" pero di na natuloy ng may tumigil sa harap niyang lalaki, si kwago.

"Ahm excuse me miss, pero ako ang nakaupo jan hehe" napipilit ang tawa niya.

"Bakit? May isa pa naming upuan ha ayun oh sa likod ko" sabi ko naman sa kanya

"Ha!! Bakit ako pa ang magaadjust??" hindi makapaniwala niyang tanong.

"obvious ba? Laki laki ng mata mo di ka makahanap ng bakanteng upuan" sabi ko sa kanya na kinalaki naman ng mata niya. "OMAYGASHHH!!!! May ilalaki pa pala yang mata mo?" di makapaniwala kong tanong.

"nang-aasar ka ba?" tanong nya naman.

"hindi ah nagsasabi lang ng totoo eheheh" sabi ko sa nangaasar na tono. Pero di na siya nakapagsalita nung umalis nalang yung babaeng kausap ko kanina at lumipat sa likuran ko. Inirapan ko naman siya.

"Tss irap irap pa, di naman bagay." Sabi niya na narinig ko, Ha! How dare him? Hindi niya ba alam na I was known as the unang tingin palanhg mataray na? Pasalamat siya I did not gave him a all around judgement look.

"Kwago" sabi ko ng pabulong, nagulat ako ng tumayo siya ng padabog na parang nagulat sa narinig niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon