Kabanata Five: Ang Mga Estudyanteng... (Part 5)

87 11 0
                                    

Ang Mga Estudyateng… Banyo Queen #1!

‘Eto medyo sikreto at distrubing ‘tong i-se-share ko sa inyo ha. Pasintabi po sa mga kumakain diyan, lunukin niyo na ‘yang lahat. Okay, game? Our topic for today: TAE.

Madaming iba’t ibang klase ng tae, eww! Sorry, but I can’t describe any of that. Basta lumalabas sa puwet na minsan malamot, matigas, at kung minsan matubig-tubig na may kasama pang pasabog na bomba! Ang sarap tuloy kumanta, alam niyo ba ‘yong kanta ni Mariah Carey na Always Be My Baby? Tara let’s sing!

Pururot mo! Pururot-purot du-dum!
Pururot mo! Pururot-purot du-dum!
Pururot put-purot… Yeah, hi yeah!
We were as one babe for a moment in time…

'Ayan ha ako na nag-intro, go tuloy niyo na ang pag kanta while I make kuwento. Make Mariah proud, dahlings! Go lambs!

Presenting… Banyo Queen #1: This story I’m about to tell you happened when I was still in high school. Third year kami that time. In our English class, siyempre nakikinig ang lahat sa lecture ni ma’am, focus ang lahat ng biglang na kuha ang lahat ng aming atensyon sa napaka-sangsang na amoy daig pa ang imburnal sa baho. Naglingunan ang lahat sa likod, grabe buti na lungs sa harap ako nakaupo kaya hindi ako napagbintangan. Ayon na nga, na-bothered ang lahat pati na din si ma’am, nagtayuan at nagreklamo ang lahat sa baho ng lecheng factory ng utot na ‘yon! Siyempre walang umaamin kung kanino galing ‘yong nakaka-disturb na amoy na ‘yon. Tapos biglang tumayo ‘yong isa naming girl klasmeyt na si Ms. Bulbasaur (hindi niya tunay na pangalan, as if!) at nag-spray ng perfume at nagsabing, “Grabe naman ‘yon! Sino ba ‘yon? Ang baho!” habang pinapagpatuloy ang pag-spray ng perfume. Thanks kay Ms. Bulbasaur at naibsan ang delubyong dala ng mabantot na amoy. Fast forward na tayo. No’ng uwian na kami kasabay namin si Ms. Bulbasaur umuwi, grabe ang baho sa jeep! Pero actually, no’ng pagtayo at spray ng perfume niya pa lungs sa klase alam na naming siya ‘yon! At no’ng pagbaba niya na sa jeep, ‘yong isa kong baklang friend inamoy ‘yong inupuan ni Ms. Bulbasaur, grabe ‘te muntik na siyang mahimatay. Saka na kakadiri pa dahil ‘yong mismong inupuan ni Ms. Bulbasaur sa jeep ay basa basa pa. Mukhang tumagas na ang tinatago-tago niyang sikreto. Ewwness overload talaga!



BE FRIENDS WITH JAHRIC LAGO!
Facebook: /JahricLagoOfficial
YouTube: /JahricLago
Instagram: @JahricLago
Wattpad: @JahricLago

Anong Klaseng Estudyante Ka? by Jahric Lago (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon