Prologue

122 4 5
                                    

Prologue

Naniniwala ka ba sa tunay na pag-ibig?

"Never!" iyan ang palaging sagot ni Yuna Kim (Kim yoojung), isang tindera sa isang maliit na bakeshop at isang delivery girl ng isang chicken house.

Bakit never?

"It doesn't exist!" iyan ang sagot ni Gio Park (Park Bogum), isang CEO ng isang kompanya.

Nainlove ka na ba?

"Busy ako!" sagot nila.

Walang oras si Yuna para isipin ang ibang bagay maliban lamang sa pagbabanat ng buto at makalikom ng pera. Kailangan niya ito para sa kapatid niyang nag-aaral sa elementarya.

"Wala ka bang planong magka-boyfriend?" tanong ni Jen Lee (IU) na kasama niya sa bakeshop.

"Jen, ayoko munang isipin iyan! Ang mahalaga sa akin ngayon ay magkapera para sa kapatid ko!" sagot ni Yuna.

Dumating si Owen Yeo (Yeo gin goo), ang masugid na manliligaw ni Yuna. Nakangiti itong pumasok na may dalang napakagandang bouquet ng bulaklak.

Napatitig si Jen sa binata at napabulong sa kaibigan na busy sa pag-aayos ng cakes. "Paano na iyong manliligaw mo?"

"Huh?"

Napalingon si Yuna at nakita si Owen.

"Goodmorning Yuna and Jen!" bati ni Owen na abot tenga ang ngiti. Napilitan namang ngumiti si Yuna.

"Hi Owen!" bati ni Jen.

Napatingin si Yuna sa kanyang cellphone at nakita ang mensahe ng boss niya sa chicken house. May nagpapadeliver.

Ibibigay na sana ni Owen ang dalang bulaklak ng biglang nagmamadali si Yuna na umalis.

"Flowers for you Yuna,"nahihiyang wika ng binata.

"Ikaw muna ang bahala rito Jen!" pakiusap ni Yuna na agad lumabas sa bakeshop.

"Huh? Teka!"

Natigilan si Owen at napatingin nalang ito sa dalaga. Nalungkot tuloy siya.

"Uhm, Owen, baka gusto mo akin na lang ang bouquet.." pabiro ni Jen.

Iniwan nalang ni Owen ang bulaklak sa mesa at umalis na ito na malungkot. Napabuntong -hininga nalang si Jen na naaawa sa binata.

----------
Sinermunan ni Gio ang kanyang secretary na si Mr. Jun (Lee Jun hyeok) dahil sa pag-order ng fried chicken sa cheap na chicken house.

"Cancel the order!" utos ni Gio habang nakaupo sa upuan niya.

"Pero sir, coming na po ang delivery.." mahinahong sabi ni Mr. Jun.

Kinuha ni Gio ang magazine at itinapon ito sa secretary niya. Salamat nakaiwas ito.
"I said cancel it!" sigaw ng binata.

"Pero sir.."

Dumating naman si Hena Kim (Kim so hyun), kababata ni Gio at inlove sa binata.

"Ano ito?" tanong ni Hena na nakita ang magazine sa sahig. "What's going on?"

"Goodmorning Ms. Hena!" bati ni Mr. Jun.

"Itong si Mr. Jun, inutusan kong magpadeliver ng fried chicken pero di ko akalain na sa cheap na chicken house siya mag-oorder!" naiiinis na reaction ni Gio.

"Pero masarap po ang pagkakaluto roon sir. Promise! Maiinlove ka sa sarap!" paliwanag ni Mr.Jun na kinukumbinse ang boss.

"Kahit na! Ano ako cheap!?" pagmamayabang ni Gio.

"Narinig mo naman si Gio, Mr. Jun, just cancel it!" mataray na ani ni Hena.

"Pero Miss.."

May kumatok sa pinto. Napalingon sila.

Nakangiting binuksan ng dahan - dahan ni Yuna ang pinto. "Goodmorning po! Narito na po ang pinadeliver ninyo!"

"Haist!" naaasar na reaction ni Gio pagkakita sa delivery girl.

Nagtaka si Yuna kung paano siya tingan ng boss at ng babae. Ano ba ang kasalanan niya? Napayuko naman si Mr.Jun.

"Okay, I will pay for that!" ani ni Gio na nagbigay ng pera mula sa sariling bulsa. Inilapag niya sa mesa. "Keep the change!"
Kinuha naman ni Mr Jun ang pera sa mesa at ibinigay kay Yuna.

"Thank you po!"

Inabot naman ni Yuna ang paper bag na may lamang boxes ng fried chicken.

"Heto na po sir.." wika ni Mr Jun.

"Just throw it! O di kaya ipakain sa aso!"utos ni Gio.

Nagulat si Yuna sa kanyang narinig.

Sa isip ni Yuna, napatanong ito, "Ganyan ba ang mayayaman? Pagkatapos ng pagod namin eh, itatapon lang nila? O di kaya ipapakain sa aso! Maraming nagugutom at walang makain! Kung ayaw nila, bakit pa sila nag-order? Wala na ba silang maisip kung paano gastusin ang pera nila?"
Tuluyan ng itinapon sa basurahan.

Hindi nakatiis si Yuna at hinarap niya si Gio na nakasalubong ang mga kilay.

"Excuse me sir!"

Napaharap rin si Gio sa dalaga na seryoso ang mukha.

"Mas mabuti po sana kung ibinigay ninyo sa mga mahihirap na walang makain ang mga iyon at hindi tinapon!" sermon ni Yuna.

Tumayo si Gio at sinagot niya ito, "I paid you already kaya wala ka ng pakialam kung ano man ang gagawin ko non!"

Nanggigigil sa inis si Yuna. Kung pwede lang susuntukin niya ang binata ay ginawa na niya.
Tumalikod nalang si Yuna at nagtimpi.

Sa isip nito, "Palalagpasin ko ito pero sa susunod, masusuntok na talaga kita!"

Nagsalita ulit si Gio, "Don't you worry Miss, hindi na kami oorder sa inyo. I am not eating some cheap food na gaya niyan!"

Binigyan ng matatalim na tingin ni Yuna ang binata.

To be continued..

Ang unang pagtatagpo nilang dalawa ay hindi maganda. Magtatagpo pa kaya sila ulit?

Subaybayan ang kanilang tagpo..

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE PARADISE (BoYoo Couple)Where stories live. Discover now