This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitiously. And any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events or locales is entirely coincidental.
Simula
I won't do the revenge
I tied my hair while I facing the mirror aside from my long hair, I choose not to just let it down so that it won't snag on my face. Ito palagi ang routine ko pag gumugising.
Ako lang ang mag isa sa bahay,mama and papa wasn't here dahil nasa Tacurong sila. At hindi ko alam kung kailan sila babalik because they never promise na uuwi sila agad but it's okay. Ito ako at nasasanay na dahil sa pagiging busy nila.
Bumaba ako ng hagdanan at pumuntang kusina.
Nakita ko si Manang Abeth na naghahanda ng breakfast sa malawak na lamesa kahit na tatlo lang naman kami ang nandito sa bahay and of course dahil wala sila papa at mama ako lang ang pinaghanda nila.
si Lilia naman na anak ni Manang Abeth ay nasa sink naghuhugas ng mga pinggan at baso tsaka pinunasan ang mga ito.
Binati ko agad sila nang nakapasok ako sa kusina.
Napabaling sila nang mapagtantong nandito na ako.
Bumati sila ng sabay.
Ngumuso ako."Stop the formality manang Abeth," at lumapit sa kanya.
Nakangiti si manang bago bumaling sa anak. Nahihiya akong tiningnan nilang mag-ina.
"Alam mo naman hija hindi naman kami sanay na h'wag kang tawaging Ma'am." pangangatwiran ni manang Abeth.
"But manang ayaw ko lang talaga pls. po just call me by my name po manang. Tapos ikaw din Lilia parang di naman tayo magkaibigan non ah!" Baling ko sa kanya at ngumiti.
Two years nang bumalik kami dito sa Lourdes Pama dahil kailangan ni papa na mapaayos ulit at maibalik ang plantation na siyang pinamana sa kanya ni lolo.
Dahil kung hindi maaring mawawalan ng trabaho ang mga tao dito sa Lourdes.
Si lolo na mismo ang nagsabi sa amin na kailangan na namin umuwi dito sa Lourdes Pama. Papa don't have a choice but to be here.
"Ay naku Ma'am.--"
"Manang Abeth pls?" Pagmamakaawa ko sakanya.Napanguso ako nang bigla siyang tumawa sa aking inasta.
"Para kang bata Ziarah."
Napahagikgik naman si Lilia.Kaya di ko rin mapigilang ngumiti dahil sa wakas tinawag din ako ni manang sa pangalan.
"A-ah diba lilipat ka na din ng school Ziarah?or doon ka pa rin sa NDTC?" Napabaling ako sa nahihiyang tanong ni Lilia.
Sasagutin ko sana siya nang inihanda ni manang ang mga pagkain sa hapag.
"Ziarah hija. Umupo ka na dito, mamaya na kayo mag usap ni Lilia dahil kailangan mo ng kumain."
"Opo manang. Sabay na tayo kumain."
Pinagmasdan ko ang pagkain sa hapag nang mapagtantong marami iyon.
Di ko iyon mauubos at gusto ko kasama sila magbreakfast pero sila manang Abeth at Lilia na mismo ang umayaw dahil maaga silang kumain bago sila pumunta dito sa bahay.
"Ah sige Ma'am.ah este Ziarah pala. tsaka mamaya nalang tayo mag usap ha?" Napakamot sa ulo si Lilia.Ngumiti akong umuo sakanya.
Ngayon lang kasi ako nagkalakas loob na lumabas ng kwarto busy akong binabasa at ineedit ang casework ko na ipapasa ko mamaya. At nang matapos iyon tska ako bumaba siguro kailangan ko rin iyon dahil nababagot na din ako.