Prologue
Pag ibig ?..................... Love ? ...................... oh kung ano pa tawag nila dito. Basta para sa akin itong salitang ito ay ang salitang napakaraming kahulugan. We can feel this sa mga taong importante o mahalaga satin. Bigla bigla mo nalang to Mararamdaman kahit ayaw mo. Misan di mo alam kung love naba yung nararamdaman mo oh kung ano lang. "love is mesterious" sabi nga ng iba. Napaka misteryoso nga ng pag ibig. Akala mo simpleng pag aalala lang yung nararamdaman mo pero hindi pala... yun pala napakalalim na ng feelings mo para sa kanya. Minsan naman akala mo siya na talaga pero bigla bigla nalang mag bababgo yung nararamdaman mo. Ang gulo no ? that's love. Hindi mo malalaman kung nag mamahal ka ba talaga pag hindi ka nasaktan. Masakit man pero we have to face it that's our choice. Gaya nga ng sabi nila "happiness is a choice" nasa atin ang disisyon kung magiging Masaya ba tayo. Nasa atin ang disisyon kung mas pipiliin ba nating masaktan, mag pakamartyr o magtangatangahan.
By the way I'm Bea Denise Tiu. Isa akong maliit na babae. Kaya Karamihan tawag sakin bulilit, liit, pandak o bulingit. Yung iba naman tawag sakin Charice short for Charice Pempengco. Kamukha ko daw eh. DAHHH !!!! ang layo kaya. Hahaha. Medyo chubby din ako. Sabi ng iba cute daw ako. Well hindi lang ako basta cute maganda pa ako noh. Haha. That's what we call self confidence. J. Mabait ako. Actually I'm friendly. Bawat year level may mga friends ako. Edi ako na. haha
Hmmmmmmmmm........... Kung usapang pag ibig marami na akong na experience na kabiguan. Ang nakakaloka lang nakaka dalawang boyfriend palang ako. Hehe. Nakaramdam ako ng pag kabigo dahil sa mga nanliligaw sakin. Karamihan sa kanila nililigawan ako, sinusuyo ako tapos pag minahal ko na sila bigla nalang silang mawawala. I don't know why. Wala naman akong balat eh. Haha. Pero wala eh ang malas ko lang talaga siguro pag dating sa love. Pero gaya nga ng sabi nila "true love can wait" kaya eto ako wait lang ng wait. Kahit parang wala naman akong inaantay. Hayyyy. Ang saklap noh. But I'm still waiting, I don't know why. Maybe because, I still believe in true love. Kahit na parang Malabong matagpuan ko pa yun. Sabagay I'm just 17 years old I'm still young. Madami pa akong mamemeet sa bawat pag lalakbay na hahatakin ko.
It's first day of class. Actually hindi na to bago sakin. I'm already 2nd year college and it's our 1st semester.
"oh ang aga mo yata mamaya pang 3:00 pm klase natin ah. "- Louise.
"ou nga bii.hmmmmm..... Alam ko na mang boboys hunting ka na naman noh ? J" -Charline
"hahaha. Tumpak ! para namang di nyo pa ako kilala eh. Syempre first day of class ngayon madaming new students and transferees."- I said.
Mga friends ko talaga kilalang kilala na ako. Syempre ang daming pogi ngayon. Haha. This is one of my hobby ang mag boys hunting. Haha. Ang saya kase eh.
"eh ? teka nga bakit ang aga nyo din ? "-I said habang nakataas pa kilay ko. Haha. Gantihan time.
"ako kasi sinamahan ko si kuya jan sa mall. Ewan ko lang sa isa jan"-Louise said habang nakatingin at ngumingiti kay Charline.
"eh kasi............ Ano......... Ahmm......... Hayyy !!!! kasi nag usap kami ni Vincent. Nakipag break na ako"-sabi nya habang nakasimangot.
"WHAT !!!!!!!!!!!!! hala nalaman ba nila tita ?"-sabi ko. O____O
"ou nga bii nalaman ba nila tita ? pano yun mahal mo yun diba ?"-sabi ni Louise na halata mong gulat din.
"hindi pero kasi nag hihinala na sila eh. Kaya nakipag hiwalay na ako. Hmm. Wag na natin pag usapan toh. Nalulungkot lang ako e."-she said na parang mangiyakngiyak na.
Awwww. Kawawa naman tong si Charline. She really love's Vincent. Kaso nga lang bawal pa kasi yan mag boyfriend eh. Binalaan siya ng mama niya na papatigilin daw siya sa pag aaral pag nalaman na may boyfriend siya. Kaya ayan nakipaghiwalay nalang siya kahit ayaw niya talaga.
"hello guys!!!!!!!!!!!! na miss ko kayo sobra."-eliza said habang bumibeso samin.
"aba himala di ka yata late bii."-sabi ko habang naka bungisngis. Lagi kasing late yang babaeng yan eh. Kaya nakakagulat at di siya late ngayon.
"haha. Syempre first day of school eh. Nakakahiyang malate "
Ayun naman pala. Sabagay knowing eliza tuwing first day naman lagi yang maaga eh. Ayaw mapahiya eh.
"oh bakit nakasimangot ka jan bii ?"-eliza said habang nakatingin kay charline.
"hayaan mo nlng muna yan. Mamaya na namin ikwekwento sayo baka umiyak pa yan eh."-Louise said with sad expression.
Nga pala. Sila nga pala mga friends ko dito sa school.
Si Louise Camille Santos. Medyo sikat yan dito sa school kasi isa yan sa mga cheerdancer dito sa school namin. Lumalaban sila sa ibang branch ng school namin. Magaling yan sumayaw. Kaya nga kasali yan sa dance club dito sa school eh. Matalino din at saka maganda. Mabait, makulit pero madalas tahimik yan.
Si Charline Kasandra Quijano. Cute yan. Madaming nag kakagusto jan. mabait din yan. Madaldal parang ako. Haha. Kasali din yan sa dance club dito sa school. matalino din yan, sweet and charming.
Si Eliza Christina Yocor. Kolog yan. Kasali din yan sa dance club. Magaling din yan sumayaw. Ang problema lang jan eh laging late. Tapos minsan di pumapasok. Pero matalino din yan. Mabait. Madaldal din. Maganda din toh black beauty. Hehe. Medyo maitim kasi eh.
Meron pang isa si Maricriss Allen Llarvez. Yan ang pinaka close ko. Kasi siya talaga ung pinaka una kong nakilala bago yung tatlo. Lokaloka toh. Haha. Masaya siyang kasama. Lagi kang tatawa pag siya kasama mo. Kahit gusto mong umiyak di ka makaiyak kasi laging nagpapatawa. Kaya gustong gusto ko tong kasama lagi eh. Matalino din toh tamad nga lang mag aral. Magaling din sumayaw to kahit medyo chubby. Kasali din siya sa dance club dito sa school.
Oh diba haha. Yan ang mga friendship ko. Lahat sila kasali sa dance club actually pinapasali nga din nila ako eh. Kasi magaling din akong sumayaw. Ehem ehem. Haha. Ayoko lang sumali para sakin kasi waste of time lang yun. Sumasali lang ako sa mga cheering contest pag sports fest yung per team. Nakakatamad kasi mag practice ng saway every weekend eh. Imbes na pahinga na yun eh. Haha. Pasensya na tamad eh.
Suddenly......
"pare sabi ko sayo eh ang ganda nung chicks"-boy1
"oo nga pare. Ligawan ko na"-boy2
"hoy pare akin na yun noh"-boy1
"manahimik nga kayo jan. hindi kayo magugustuhan nun noh"-boy3
Hayyyyyy ! nandito na pala yung mga members ng fraternity. Grabe nakakatakot sila. Lalo na si boy number 3 pano naman kasi ang haba ng buhok, payatot, nag yoyosi at panigurado nag iinom din toh at mukha pang tatay dahil sa haba ng buhok niya. Hayyy. Bakit ba kasi dito pa sila tumatambay sa favorite karinderya namin eh. Nako naman.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my "BESPREN"
Teen FictionLove. ito ang nararamdaman ko kay Mark. "BESPREN" ko dito sa school. hindi kami gaya ng ibang mag bebest friend. yung friendship kasi namin hindi kasing tagal ng sa kanila. sa totoo lang 1 year palang kaming mag kakilala tapos 6 months palang kaming...