Rain's POV"Seriously Rain, bakit mo siya nireject? Dude she's perfect! Gusto siya ng halos lahat ng lalaki dito sa campus, so why?" sabi ni Carl, my best friend.
"Ayoko sa kaniya o sa kahit sino tapos." I said with an uninterested face.
That's the truth anyway. Kahit gano pa man siya kaganda at kasikat sa lahat, di ko parin siya gugustuhin at ang ugali niya, wala sa interest ko ngayon yung ganyang mga bagay na yan tsk, love life? Who needs it? Kaya kong mabuhay nang wala yan. It's too corny for me.
"Rain Craig Buenavista!!!" here goes the she devil, Stella. She's approaching with a displeased face. Tumayo siya sa harapan ko, and i do not have the interest na tignan siya.
"Craig! Bakit ba kasi ayaw mong maging boyfriend ko! You know I'm the prettiest and most popular girl here, bakit ba ayaw mo parin sakin? Bakla ka ba?" she said while raising her brows.
I never like it when someone calls me by my second name. I want to pretend that my second name never exists and yet this girl keeps on reminding me. One of the many reasons why I don't like her.
"What if I am?" I said at tintigan ko siya sa mata.
Nanlaki ang mga mata niya at di makapaniwala.
"Get lost." i said dryly.
Di siya makapaniwala at walang masabi, so i just wave my hand pointing to the exit. Still l with the shocked face she turned around and walk away.
"Woah dude, seryoso ka ba bakla ka!?" Carl said na may halong pagbibiro at pang aasar sa mukha.
"Yeah, and I like you." i said and crossed my arms.
"Yeah yeah as if hahahaha. Isa na pala sa paraan mo ng pag iwas sa babae ang pagpapanggap na bakla hmm." and with that nagpatuloy siya sa pang aasar. As if he'll get some reactions from me.
And so the day ends, naglalakad na ako pabalik sa condo unit ko few blocks away from the school. Mas gusto kong maglakad kesa sumakay sa kung ano mang sasakyan, it gives me more time for myself. On my way nadaanan ko yung public playground just around the corner medyo malapit na ito sa condo na tinutuluyan ko. I sit on the swing, wala nang mga batang naglalaro kasi maggagabi na rin, but the view of the sunset here is really amazing so it became my routine na bago ako umuwi papanoorin ko muna ang sunset dito sa playground on the exact same swing.
It is so peaceful.
"Ang ganda." halata sa boses niya ang pagkaamaze. Di ko alam kung bakit pero her voice and the words she said lit up a memory.
Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko so bigla akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Her face was flushed, siguro sa excitement at amazement sa nakikita niya. Nasisinagan ng papalubog na araw ang mukha niya making me see her glowing face. Maamong mukha, maninipis na labi, at mga matang nagliliwanag sa tuwa. I have never seen someone looking so delighted and contented just by looking at the sun setting. We are looking at the exact same thing pero never naging ganyan ang kislap ng mata ko.
Wait!? Bakit ko siya tinititigan i should be asking her bakit siya nandito at sino siya. Siguro dala na rin ng gulat kaya ako napahinto, oo yun nga ang dahilan nothing more.
"Excuse me, do I know you?" tanong ko na nagpatingin sa kaniya sakin. Mukang nakawala na siya sa day dreaming niya while looking at the sunset.
"Bakit ka nandito?" tanong ko pa while looking at her. Mukang napaisip siya sa tanong ko.
"Bakit nga ba?" sabi niya sa mahinang bises na parang kausap lang niya ang sarili niya pero narinig ko parin.
"What?" paanong di niya alam kung bakit nandito siya. Naliligaw?
"H-hindi ko alam, nasaan ba ako?" she said, teary eyed.
What!? Are you serious? Tama nga ako naliligaw siya.
"Miss, seryoso ka ba? Kung naliligaw ka nga talaga tara sasamahan kita sa pulis para matulungan ka makabalik sa bahay mo." she immediately look at me na parang may biglang naisip, and then she started laughing so hard as if yun na yung huling araw na tatawa siya. Baliw na ba toh?
"Hahaha akalain mo un nabiktima ka ng ganung joke! Muka ba kong naliligaw haha!" she said and still continues to laugh.
"Tsk! Crazy." sabi ko at tinalikuran ko na siya para kunin ang gamit ko and i started to walk away from her.
Tsk! Baliw pala talaga ung babaeng yun eh handa pa naman sana akong tulungan siya kaso niloloko lang pala ako. Mga babae nga naman, manloloko, tsk!!
With that, nakauwi na ako at pilit na kinalimutan ang siraulong babae na manloloko.

YOU ARE READING
Soul mate
RomanceDoes each of us have our own soul mate? Does destiny make it happen or WE make it happen? It is a story of two souls seeking answers for these questions. Will they be able to find the answer, or is it that they will find each other instead? Story c...