Chapter 10

0 0 0
                                    

VENICE'S POV

"Wow ang linis ng kwarto mo." Napalingon ako sa pinto ng may biglang magsalita. Si Amber pala. Agad kong tinago ang mga picture na nahalungkat ko kani-kanina lang.

Umupo sya sa kama ko. Kaya tumayo ako at tinitigan sya.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Nagkibit balikat balang sya bago humiga sa kama ko.

"Buti pa sa kwarto mo. Malinis. Kuhain nalang kaya kitang Yaya."

Umupo ako sa kama. Nakashort sya at blue t-shirt. Ang laki ng pinagbago nya. Dami mapagkakamalan mo syang lalaki sa kilos at suot nya.

"Kailan ka pa natutong magsuot ng short?" Natawa sya sa tanong ko. At ganun din ako.

"Maraming nangyari. Ikaw? Kailan kapa lumaki ng ganyan?"

"HAHAHAHAHA!! Kung alam mo lang."

"Bakit? Nagkasyota ka na rin ba?"

"Ikaw? May pumatol na ba sayo?"

"Ahhh.... Iniiba mo ang usapan. Ikaw ah... Lumaki ka ng higit sa inaasahan ko."

"Ikaw rin naman. Ang laki ng pinagbago mo. Dati lalaki ka ngayon babae na. HAHAHAHAHA!!"

Nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa buhay namin habang lumalaki. Maraming nagbago pero ganun parin ang ugali nya. Hindi nagbago.

"So Ano? May nagpaparamdam na ba sayo?" Tanong ko sa kanya. Nagisip naman sya at dahan dahang tumungo.

"Alam mo na. Sa ganda kong to?! Huh! Pinagkakaguluhan kaya ako sa London."

"HAHAHAHAHA!!! Wala man lang pumasa sa taste mo?"

"Unfortunately... Wala. Hindi sila ang type ko. Syempre pilipino parin ang gusto ko. Ika nga nila. Tangkilikin ang sariling atin."

Nagtawanan kaming dalawa. Nang biglaan ay may kumatok sa pinto ko. Masama ang tingin at hinihingal.

"Bakit mo naman ako iniwan bigla dun?"

"Bakit? Nakauwi ka naman diba?"

"Sabi ko na nga ba. Pakulo mo na naman yun para gantihan ako. Ano bang nagawa ko sayo?" Pinaasa mo ko na-- Basta!

"Wala." Nagsukatan kami ng talim ng tingin.

"A-ahmm.. Hi. I'm Amber and you?" Tumayo si Amber sa pagkakahiga bago lumapit sa Unggoy nayun.

Ngumiti naman sya pabalik. Tch. Pekeng ngiti.

"Patrick. Pat nalang para sayo." Sus! Babaero naman pala tong lalaking 'to.

"Ikaw ba ang vagong hardinero dito?"

"Pfftt--- hardinero daw..." Nagpigil ako ng tawa ko. Tinignan nya ko ng masama at ganun din ang ginawa ko.

"Ah hindi! Guest nila ko dito."

"Same pala tayo. For vacation kaba dito?"

"Parang ganun na nga. Pero hindi talaga."

Napatingin ito sakin na nagsasabing 'Mamaya ka sakin.' Bago sya tuluyang umalis na agad namang sinaraduhan ni Amber ng pinto.

"OMG! Sis,Sino yun? Ang gwapo nya naman."

Umikot ang mata ko ng 360 degrees dahil sa sinabi nya. Tch. Ano naman kaya ang nakita nya sa Unggoy nayun?

"Wala namang ka gwapo gwapo sa Unggoy nayun!"

"Seriously?! Hindi mo man lang nakita yun? Ang gwapo nya kaya at ang lapad ng shoulder nya. Bihira lang ang ganung lalaki."

"Tch. Kung makareact ka naman parang ngayon kalang nakakita ng ganung lalaki."

"Syempre naman. Tsaka hindi ko type ang mga lalaki sa London. Tingin ko he's one of a kind."

Hayy naku....

"Wag na nga natin sya pagusapan." Lumapit sya sakin.

"Ihhhh!!! Gusto ko pang malaman ang tungkol sa kanya. Tingin ko nalove at first sight ako." Bineltukan ko sya.

"Wag kang magpapaloko sa itsura nya. Malay mo hindi pala sya mabuting tao."

"Pero kanina... Mukha naman kayong close. Tsaka Yung mukhang yun? Gagawa ng masama? Tingin ko hindi."

"Mapanloko ang panlabas na anyo. Kaya wag kang bumabase dun."

***

Hapunan na at nagsalo salo kami ngayon sa hapag kainan. Katabi ko si Amber sa kaliwa ko habang sa kanan ay si Tita Elizabeth habang nasa tapat naman namin ay si Unggoy at Mommy.

Nakita kong inabutan ni Amber si Unggoy ng pagkain. Kaya Tinaasan ko ng kilay si Unggoy.

Pero ang Unggoy ngumiti lang kay Amber at tinanggap ang inabot ni Amber.

Padabog kong tinusok ang isdang ulam namin Kaya sakin natuon ang atensyon nila.

"Anak, dahan dahan lang naman sa pagkain."

"MA!"

"Ayy,butiki! Ano ba yun, Venice? Aatakihin ako sa puso sayo." Sabi ni Mommy bago humawak sa tapat ng dibdib nya.

"Tapos na pala akong kumain. Tataas nako sa kwarto ko." Sabi ko bago tumayo sa upuan ko.

"Huh? Pero kakapiranggot palang ang nakakain mo anak." Hindi ko na sya pinakinggan at dumaretsyo na sa kwarto ko.

***

Bwisit talaga ang lalaking yun! Peti ba naman ang pinsan ko tataluhin pa. Tch.


*Knock! Knock!*

Pumasok mula si Mommy na may hawak na tray at naglalaman ng cookies at milk.

"Baby. Hindi ka kumain kanina Kaya naisip kong dalhan ka nalang nito." Nilapag niya ang tray sa lamp side ng bed ko.

"Is there a problem? May bukbagabag ba sayo anak?"

"Wala naman po Mom---"

"Alam mo simula bata ka ako na nagpapalit ng Pampers mo. Kaya Alam ko na ang ibig sabihin ng mga bawat kilos mo."

Bumuntong hininga ako bago umupo sa bed ko at ganun din ang ginawa ni Mommy.

"Alam mo,Anak. Naging dalaga din ako. Kaya Kung ano man yang nararamdaman mo ngayon tapos nako dyan. Kaya tell me.... Anong problema?"

"Ahhmm.... Mommy kasi..." Dapat ko bang sabihin sa kanya?

"Namatay yung pusa ni Nelsie." White lies. Nakita kong bahagyang nagulat si Mommy kaya ngumiti ako ng alanganin.

"Ganun ba? Naku... Masama nga yun. Gusto mo bang pumunta sa kanila,Anak?"

"Mom. W-wag na... Siguro s-sa susunod nalang."

"Ahh... Ganun ba?"

Buti nalang nalusutan ko yun kung hindi. Haaayyy..... Bakit ba kasi ako nagkakaganito? Ewan ko ba! Kakaiba ang mga kilos ko nito lang.

****

END OF CHAPTER

Give Chance To LoveWhere stories live. Discover now