Kabanata 1

16 1 0
                                    

Seraphina Caize's Pov

"Sera! isampay mo na sa labas itong mga damit para agad tayong matapos." Utos ni nanay sa akin.

Agad ko naman sinunod ang utos niya ng walang pag-dadalawang isip. Nandito kaming dalawa sa likuran ng aming tahanan. Dapat kahapon pa kami nakapaglaba, ang kaso masyadong marami ang ginawa namin kahapon at hindi na naisingit ang labahin. Kaya ngayon araw kami naglaba.


"Mukhang uulan," sambit ni nanay.

Napatingin naman ako sa kalangitan, makulimlim. Nagbabadya ang ulan pero hindi sigurado kung matutuloy ito.

Mahirap pa man din kapag nagkaroon ng pag-ulan dito.

Simple man ang pamumuhay namin, mapalad man kami sa kaalaman, sa kung anong meron kami. Malas lang namin dahil inang kalikasan ang kalaban namin kapag nag-umpisa itong magalit.

"Nay, ako nalang diyan." Sambit ko sa kanya.

Maswerte ako sa nanay ko, hindi tulad ng iba na kapag walang ginawa bubungangaan na agad. Sasabihan ng masasakit na salita. Maswerte ako, dahil sa lahat ng bagay ini-intindi niya muna kung makakabuti ba o nakakasama sa amin yung mga bagay na ginagawa namin.

"Ako na, sera.. Magsaing ka na at baka pagdating ng tatay mo, gutom na iyon." Sambit ni nanay.

Walang sabi-sabi ay ginawa ko agad ang inu-utos ni nanay. Bago ako makarating sa kusina na nasa kanang bahagi ng bahay ay nadatnan ko ang bunso kong kapatid na nanonood sa maliit naming tv.

Bakas sa mukha nito na bagong gising lamang. Hinayaan ko na lamang ito at hindi na inistorbo pa.

Kasasalang ko lang sa bigas ng tawagin ni nanay ang pangalan ko.

"Sera!!!" Sigaw ni nanay. Kaya dali-dali akong pumunta sa likurang bahagi ng bahay namin.

"Po nay?" Tanong ko sa kanya.

"Halika, tulungan mo ako rito ipagpapasok na natin sa loob ang mga sinampay. Nagbabadyang bumagsak ang ulan." Sambit ni nanay.

Tango lang ang naging sagot ko kay nanay.

Iilan damit nalang ang natira sa labas, nag-umpisa nang pumatak ang ulan. Hindi man kami abot ng baha, pero walang makakapagsabi kung kailan kami madadamay.

Katapos kong tulungan si nanay, binalikan ko ang sinaing mabuti na lamang hindi ito nasunog.

"Ate! Ate!" Tawag sakin ng bunso kong kapatid. Nilingon ko ito.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"May kendi ka?" Tanong niya habang nakayuko.

"Meron pa, tignan mo nalang sa kwarto ko sa may lamesa malapit sa higaan." Sambit ko sa kanya.

Walang pasabi'y nagtungo nga ito sa aking kwarto at dala nito ang lalagyan ng kendi.

Nag-iimpok si nanay ng pagkain namin na sakto pang isang linggo, dahil malayo kami sa bayan at wala ka pang makikitang tindahan sa labas ng bahay. Nasa tatlo hanggang apat na metro ang layo ng mga kabahayan dito, madalang din magsilabas ang mga tao. Masyadong mailap ang mga tao dito sa bayan namin dahil na rin siguro sa batas na sinusunod namin.

Saktong kapapatay ko sa sinaing ay siyang dating naman ni tatay.

"Sera, paghanda mo na nga ako ng makakain at ako ay magpapahinga lang saglit." Utos ni tatay sa akin.

Ginawa ko agad ang inuutos niya. Apat na pinggan para sa aming apat at apat na kutsara at tatlong tinidor ang dinala ko sa lamesa at isang pinggan na may kanin ang inilagay ko sa lamesa kasama ang isang mangkok na may ulam para sa aming apat.

Assumption UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon