Chapter 8

7 4 0
                                    

Di na lang ako umimik at patuloy akong kumain..

Oyy Thea! Maglinis ka ng bahay ha! Gusto ko malinis pag dating namin! Naiintindihan mo?!! "singhal sakin ni Papa"

Papa di po ba natin isasama si Ate? "tanong ni Sarah kay Papa"

Hindi na bunso, walang magbabantay ng bahay natin e baka mapasok ng mga masasamang tao.. "mahinahong sagot ni Papa"

Pumasok na si Sarah sa kwarto nya at nagpalit ng damit na pang alis.. Maya maya pa ay umalis na sila at naiwan na ako...

Naluluha akong kumain at pagkatapos ay nagligpit na ako at nilinis ang mga kinainan nila at nilinis ko na din ang buong bahay..

Di nga talaga ako belong siguro katulong lang ako sa pamilyang toh.. "naluluhang sabi ko"

Mahigit isang oras akong naglilinis at pumasok muna ako sa kwarto ko at nagpahinga...

Maya maya ko na mamapan ang sahig, kakapagod e.. "sabi ko sa sarili ko sa kwarto"

**after 15 minutes**

Lumabas na uli ako at nag map ng sahig..

Habang nagmamap ako ay dumating na sila..

Di padin talaga tapos maglinis haysss napaka kupad talaga.. "si papa"

Dare-daretso silang pumasok papunta sa may salas at kita ko ang dumi ng bakas ng sapatos nila, andumi.. Wala akong nagawa kung hindi mapin uli ang bahaging yun... Habang nagmamap ako ay parang may kumukurot sa puso ko dahilan ng pagtulo ng ilang luha ko..

Wowwww bagay sayo! "sabi ni Mama kay Sarah at idinikit pa ang pulang damit sa katawan ni Sarah"

Masaya akong tumingin sa kanila, dun ko lang din nakitang ngumiti si Papa..

Oo nga Bunso... Eto pa sukat mo!! "si Papa"

We-weyt "pigil ni Mama" Isabay mo tong Sandals mukang bagay! "dagdag ni Mama,sabay abot ng sandals kay Sarah.."

Wowww ang ganda nga Mama, Papa.. Thank you po! "masayang pasasalamat ni Sarah"

Bahagyang napatingin si Sarah sakin at nginitian ko naman sya.. Muli syang bumaling sa damit nya...

Natapos na ako sa pag pupunas ng sahig at naglakad na uli ako papunta sa kwarto ko...

Oyyy? Thea! "sigaw ni Papa"

Lumapit ako ng nakangiti, baka kasi may para sakin din..

Kuha moko tubig!! "utos ni Papa"

Ako din! "si Mama"

Ako din ate! "nakangiting sabi ni Sarah"

Sige po... "nakangising sabi ko"

Kumuha na akong tubig at binigay sa kanila yun.. Muli akong naglakad papunta sa kwarto ko at nung nasa pinto ako ay narinig ko ang boses ni Sarah..

Mama, Papa? Walang para kay Ate? "tanong nya"

Anak! wala! Wala din namang masaputa dyan sa ate mo e.. "sagot ni Papa"

Di ko na sila pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko... Umiiyak na naman ako pero wala na akong magiging karamay para makausap ko.. Galit din kasi sakin si Roberto, baka isipin nya magaling lang ako kapag may kailangan..

Umiyak na lang ako ng umiyak, Hanggang sa mapagod ang mata ko kakaiyak para antukin na ako nang sa ganun ay makatulog na ako...

**Kina Umagahan**

Basher,Hater to LoverWhere stories live. Discover now