Chapter 1

1 0 0
                                    

Years ago...

We are here now sa Batangas. May reunion ang daddy sa dati niyang nga kasama sa youth. We are in a parish nga pala. Andito daw kasi yung nangalaga sa kanila noon. Which is pari.

The elders are greeting each other. Kaming mga anak ay walang magawa, we are just looking around. We are at the parking lot ng simbahan, sobrang mapuno at madahon. I decided na maglaro na lang mag-isa, wala naman ata akong kaedad dito, and all of the kids are boys.

Medyo lumayo ako sa mga matatanda at naglaro sa yerong natagpuan. Kahit ako lang mag-isa, medyo ineenjoy ko naman.

"Hey" someone called me. Lumingon ako sa taong tumawag sakin. And I saw a kid. Mas matangkad siya sa akin, payat ang maputi. He's wearing a blue and white polo and brown shorts. Ang mga mata niya ay singkit, his lips are thin but its alright. Pogi.

He smiled at me and waved "Hi!" Pagkuha muli sa atensyon ko.

I shyly smiled back and waved, "Hello"

"Why are you here?" Tanong niya sa akin. Ayy, english speaking si kuya.

"Naglalaro, wala akong kalaro doon eh." Paliwanag ko sakanya sabay turo doon sa bahagi ng parking lot kung nasaan ang mga magulang namin.

"Ahhh, I'm Ainar Louise Ramirez" pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng kanang kamay.

Bagamat nahihiya ay kinuha ko ang kanyang kamay at nagpakilala sa kanya, "Ako si Aditya Louve." Ngumiti ako sa kanya ng napakalaki-laki.

"Ai where are you?" may narinig kaming nagtatawag na nasa mid 30's na babae.

"My mom is looking for me, got to go. Bye." pagpapaalam niya sa akin. Tumatakbo siya habang kumakaway. Kumaway din ako pabalik.

Pagkaalis niya ay bumalik na rin ako kila mama, baka hinahanap na rin ako eh.

"Oh Aditya, halika na, papasok na tayo sa loob." anyaya sa akin ni mama.

Sumunod ako sa kanila sa loob ng simbahan. Kasama namin ang iilang kaibigan ni papa mula sa youth na sinalihan niya noon. Pumunta kami sa likod ng simbahan kung saan naroroon ang kanilang cafiteria. Dito kumakain ang mga sakristan at mga pari ng parokya. 

Pagdating namin doon ay may mga nakahanda ng nga pagkain. At may cake pa wow! Sino kaya may birthday? Hindi ko na muli inisip si Ainar. Baka umuwi na yun.

Pagdating doon ay umupo ako sa isang monobloc dahil muling nag-usap-usap ang mga matatanda. Nakita kong sinindihan nila ang kandila ng cake at binuhat yun ng isang ale. 

"Aditya, kumanta ka ng happy birthday ah." Sabi sa akin ni papa.

Agad silang naghanda para sa taong paparating. Hinanda nila ang kanilang mga sarili. At nung nasa pintuan na ang kanilang hinihintay ay agad silang kumanta ng happy birthday at pumalakpak na nakasabay sa kanta, sumabay rin ako siyempre. Nang matapos ang kanta ay isang malakas na happy birthday ang aming binulalas at dun na nila pinasabog ang confetti na kanina pa nila hawak. "Happy Birthday Father Sis." sigaw nila.

Kasabay ng pagbuhos ng laman ng confetti ay siyang pagkakita ko kay Ainar na kanina pa pala nakatigin sa akin. Pero agad din nawala ang aking tingin  nung tinawag ako ni mama para magbless kay Father Sis.

"Kumusta father? Eto na pala ang aking asawa at anak, si Elena at Aditya." pagpapakilala sa amin ni papa. 

"Aba eto na pala ang asawa at anak mo Jose, kay gandang bata oh." Ginulo ni Father ang aking buhok at napangiti ako. Hindi dahil sa ginulo niya ang buhok ko pero dahil sinabihan niya ako ng maganda. I know right father. Joke.

Napatingin ako kay Ainar na katabi ni father. Mukhang kasama siya sa sumundo sa pari. After all, surprise ito. Nginitian ko siya at kinawayan. Agad rin akong umalis dahil kinuha ako ni mama. Umupo na kami sa isang lamesa kung saan sama-sama kaming kakain lahat. Nasa dulo sila Ainar at mukhang di kami makakapaglaro.

"Maraming salamat sa inyong pagpunta. Nawa'y ienjoy niyo ang mga pagkaing inyong dala-dala sa pagpunta rito. Mamaya ay itutuloy natin ang selebrasyon sa rest house namin. Ngunit sa ngayon ay magsikain muna kayo," pagpapasalamat ng pari.

Agad naman ako binigyan ni mama ng pagkain. Spaghetti, chicken, at cake. Nang maubos ko yung spaghetti at chicken ay kumuha pa ko ng palabok. Antakaw ko talaga hahaha. Sinunod ko naman kainin ay ang cake. Nang matapos kumain ay nagpahinga muna ako sa aking upuan at pinanood ang mga matatanda na magkwentuhan.

Bored na bored na ko, wala akong kalaro.

"Hi Ulet!" Bati sa akin ni Ainar.

"Hello." bati ko pabalik.

"Let's play." Anyaya niya sa akin.

"Saglit lang papaalam lang ako kay mama." Sabi ko sakanya.

Lumapit ako kay mama at nagpaalam, "Mama, maglalaro lang kami sa labas."  turo ko kay Ainar. Lumingon naman si mama, "Ok, wag kayo masyadong lalayo sa silid na ito ah." paalala ni mama. Tumango naman ako.

Naglakad kaming palabas ni  Ainar . Medyo nakakalayo na kami pero wala kaming makita pwede paglaruan. " Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Hmm..." huminto kami at  nilibot niya ang paningin sa paligid. "Ayun, doon oh, may parang bahay." Pagturo niya doon sa di ganun kalayuan sa kung nasaan kami. Agad-agad kaming tumakbo doon. 

Agad kaming napahanga sa nadatnang lugar. Isa siyang gazebo na may nakapaligid na fish pond, kung saan lumalangoy-langoy ang mga coi fish. Bago ka makapunta sa gazebo, dadaan ka muna sa isang wooden bridge kung saan ang ilalim ay fish pond. 

Agad kaming dumaan doon upang makarating sa gazebo. Pagdating namin sa gazebo, ay napahanga kami sa galing ng istrtraktura nun. Sa ilalim na gilid ng gaxebo ay may canal doon kung saan may lumalangoy langoy din coi fish. Sa gilid naman ng gazebo ay may katabing well na may maduming tubig.

Ano ba yan, panira ng view.

"Grabe ang ganda dito." pagbasag ni Ainar sa katahimikan namin. Pumasok kami sa loob ng gazebo at umupo. "I want to catch those fiches and let them swim in that well." Pagtukoy niya sa mga isda sa gilid ng gazebo at sa balon katabi ng gazebo,

"Kaso wala tayong panghuli." Sabi ko sa kanya. Inikot niya muli yung paningin niya at naghanap kung ano ang pwede gamiting pang-isda.

"Ayun oh may panghuli ng isda." Nakakita kami ng isang spincast sa may gilid ng gazebo. Agad niyang kinuha yun. Hindi ko alam gamitin yun kaya hindi na ko nangialam.

"Alam mo bang gamitin yan?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, me and my dad used to catch fish in lakes and ponds." He explained. Tumango na lang ako.

Tinapon niya sa tubig yung hawk para kagatin ng mga isda, but sadly hindi nila yun kinuha.

"Ayaw kumagat ng fishes." Sabi niya pagkaangat niya ng hawk.

"Maybe need natin ng pagkain para kumagat yung isda." Suggestion ko.

"Let's go back inside, kuha tayo ng bread."

Agad kaming tumakbo pabalik sa canteen upang makakuha ng tinapay. Nang makakuha ay agad din kaming bumalik sa gazebo. 

Isinabit niya yung tinapay sa hawk at pinain sa mga isda. agad din kaming nakuha ng isda at pinakawalan yun sa well.

Pagkatanggal niya nung hawk sa isda ay sumabit naman ito sa aking palad. nagulat ako ngunit hindi ako umiyak. agad ko rin itong tinanggal sa akin. Hindi naman  ito gaanong nagdurugo. para lang sumabit lang siya sa pinaka balat.

"Hala, Sorry." paghingi niya ng paumanhin.

"Ok lang, hindi naman siya masakit." ngiti ko sa kanya.

"Baka maging isda ka rin." biro niya at sabay kaming tumawa.

It was unexpected meeting you. We were both young and innocent but I felt an unexpected feeling too. Its been years and we haven't met again but I believe, our paths will cross again. If that happens, I'll make sure I connect to you, I connect you to love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Connecting to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon