Reign's POV...
Kasalukuyan ako ngayong naghahanap ng pwedeng pagtrabahuhan. Napaigtad nalang ako dahil biglang nag-ring ang phone ko.
"Hello Sab. Napatawag ka?"tanong ko.
["Bes, yung mama mo."]natatarantang sabi ng kaibigan kong si Sabrina.
"Mama ko? Bakit anong nangyari kay mama?"tanong ko ulit.
["Dinala namin siya sa ospital. Inatake siya sa puso."]sagot ni Sab.
"Ano?! Saang hospital ba?"
["Sa Yu Community Hospital."]sagot ni Sab."Papunta na ako."Agad kong pinatay ang phone tsaka pumara ng taxi.
*Peeeepp!!!!*
"Ay ano ba?!!"sigaw ko.
Ngayon ko lang namalayan na nasa kalsada na pala ako nakatayo. Haysh! Nasa hospital na nga mama ko, binalak ko pang sumunod.
Isang lalaki ang lumabas sa sasakyan. He's wearing a shade and a headset on his neck.
"You're blocking the way. Are you planning to die?! I don't want my car to get a scratch!"he said and get his shade off.
Aba! Mas inalala pa niya ang kotse niya ah! Wait. Hindi pa ako patay di ba?! Ba't sinusundo na ako ng napaka-gwapong anghel na to? Este, napaka-gwapong hinayupak na englishero na niluwal ng impyerno.
"Sorry naman. Hindi sinasadya eh. Tao lang, nagkakamali."sabi ko tsaka umalis na sa dinadaanan.
"If you want to die then die yourself. I don't want to get involve."sabi niya saka pumasok na sa kotse niya.
"Tsk! Demonyong englishero!"sigaw ko.
Pinaharurot niya ang kotse niya kaya natapunan ako ng tubig na galing sa lupa.
"Urghh!!! Bwesit! Masira sana yang kotse mo!"sigaw ko ulit.
Pumara na ako ng taxi at sa wakas ay may nagpasakay din sa'kin.
°~°~°~°~°~°~°~°~°
"Reign? Ikaw ba yan?"tanong ni Sab habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi. Ako yung mama ni Reign tsaka si Reign ang na-ospital. Takte."pilosopo kong sabi.
"Anyare bes? Ba't ganyan ang itsura mo?"tanong ulit ni Sab.
I hate remembering why I'm like this. Papatayin ko talaga yung anghel slash demonyo na yun pag nagkita kami.
"Wag na magtanong. Asa'n ba si mama?"tanong ko.
"Akala ko ba wag na magtanong?"-Sabrina.
"Ay gague! Ituro mo na kung nasa'n si mama."sabi ko.
"Ito na nga eh. Halika na."sabi niya at naglakad na.°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
"Mama, nandito na po ako. Kumusta na po kayo?"tanong ko.
"Reign, ilabas mo na ako dito. Ayos na naman ako eh. Tsaka wala tayong pambayad sa hospital."sabi ni mama.
"Ano ka ba naman mama? Hindi kayo pwedeng umalis dito. Gagawa po ako ng paraan para makakuha ng perang gagastusin po para dito. Wag na po kayong mag-alala."sabi ko.
"Eh sa'n ka naman kukuha ng pera?"tanong ni mama.
Sa bulsa ko po. Haha joke lang! Baka sapakin ako ni mama.
"Hahanap po ako ng pera. Magta-trabaho po ako."sagot ko."Basta wag yung trabaho na mahihirapan ka huh."sabi niya.
Tumango lang ako at ngumiti. Haysh! Sa'n kaya ako magta-trabaho? Di bale na. Kaya ko to. Makakahanap din ako ng trabaho.
°~°~°~°~°~°~°~°~°~°
Hello readers! Charoot! Anyway, another story na naman.
(Hindi pa nga tapos yung book 2 ng isa mo pang story eh!)
Shhh! Shut up. Gagawin ko rin yun. Btw! Please read this story too and don't forget to vote. Thanks!
Stay safe and strong everyone!
immor_tality
BINABASA MO ANG
I'm His Secretary
FanfictionShe is Reign Harmony Lee, who works for Mr. Lin. She need to find money for the medication of her mother. Yes, she find a job. And she's surrounded by handsome guys. Her job is like having an internship in HELL. There she meet her boss. A boss that...