Three
MAINGAY NA tawanan at hagikhikan ang sumalubong kila Yasha nang makapasok siya sa kanilang pamamahay. Zaccheo was behind him, walking silently.
Matapos nitong sabihin na hindi ito natutuwa sa plinanong kasal ng kanilang mga ama ay hindi na siya nagtanong pa. Natatakot siya dala na rin ng itsura nito kanina.
"Ah! Ayan na ang aking panganay." Tumayo ang ama niya nang makitang pumasok sila sa malawak na dining area.
"Papa," bati niya at sinalubong ang yakap ng ama. Tinapik naman siya nito sa likod.
"Mabuti na lang talaga at pumayag ka ng umuwi. Masyado mong inaabala ang sarili mo sa trabaho," nakangiting sabi nito bago binalingan ang nasa likuran niya. "Mabuti at hindi mo pinahirapan si Zaccheo na pilitin kang i-uwi."
Nag-init ang kaniyang mga pisngi. Hindi naman matigas ang kaniyang ulo!
"Maraming salamat ulit, Zaccheo. Si Ephraim sana ang pakiki-usapan ko pero busy na siya sa pakikipag-usap kay Bleu n'ong makita ko sila kanina."
"It's nothing, Sir. Don't mention it," mababa ang tonong sagot ni Zaccheo.
Binigyan ng pansin ni Yasha ang mga nasa lamesa. Andoon ang kaniyang ina na masayang nakikipag-usap sa isang matandang babaeng nakita na niya sa larawan. She's wearing that gentle smile na nakita rin niya sa litrato. Ang matandang lalaki naman na hula niya ay si Mauricio Cordova ay mataman siyang tinitigan. Gaya ng mga anak nito, matigas rin ang itsura nito na parang hindi marunong tumawa o ngumiti man lang. Magkatabi naman si Armee at Bleu at sa tabi ni Bleu ay ang lalaking may kulay asul na mga mata. Salubong ang mga makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kaniya.
She raised her brow. What's with his stares?
Tumawa ang ama niya at iginaya silang dalawa sa bakanteng upuan. Sabay silang umupo ni Zaccheo nang magkatabi.
"Ang swerte mo, Ramon at may tatlo kang naggagandahang mga anghel," makangiting komento ng asawa ni Mauricio.
"Salamat, Marie. Hindi lang magaganda ang mga anak ko. They are also intelligent and so good in handling our companies. Kaya may tiwala ako sa kanila lalo na rito sa panganay ko," nakangiting sagot ng ama niya. Proud na proud ito habang nagku-kwento.
Napangiti si Yasha dahil doon. Kung tutuusin, masaya rin siya na nakikitang pinagmamalaki sila ng kanilang ama. Nakagagaan sa kaniyang loob pakinggan.
She smiled awkwardly when Ephraim's mother looked at her with her intense blue eyes. Para siya nitong inaalisa pero sa malambing na paraan.
"By the looks of her, siya iyong tipo ng boss na talagang seryoso at istrikto sa trabaho," the woman said, showing a sweet smile. "Ilang taon ka na ba sa AS, hija?"
Gusto niyang magtaas ng kilay. Bakit siya ang pinag-uusapan? Hindi ba dapat sila Bleu at Ephraim ang topic ng dinner na iyon?
"I started when I was twenty, Tita. Five years na po akong acting CEO ng company," magalang na sagot niya.
Nagsipasukan ang mga maids sa dining at may kaniya-kaniyang bitbit na mga putahe. Inihanda ng mga ito ang dala sa mahabang mesa. Lumapit sa kaniya ang isa sa mga katulong na may bitbit na wine.
"Wine, Miss Yasha?" magiliw na tanong nito.
"Yes, please," sagot niya.
Matapos magsalin ng wine sa kaniyang baso ay si Zaccheo naman ang tinanong ng katulong na tinanggihan nito.
"Just water. I can't drink wine right now," anito sa baritong boses.
Tumaas ang kilay niya. "Being a good boy, huh? Wine is not that hard, you know."
BINABASA MO ANG
Mistakenly Yours (Mistake Series #1)
RomanceTHIS STORY IS EXCLUSIVELY AVAILABLE ON DREAME Mistake Series #1 (Completed) "Let's talk about how other people mistakingly thought that we're destined for each other." *** Yasha Gail Suarez is the first born of the well-known business tycoon, Ramon...